Papers "Pakiabot na lang nito kay Sean, Nikki," paghingi ko ng pabor kay Nikki. Iniabot ko sa kanya ang resignation letter na ginawa ko. Kahit hindi niya i-approve ang pagreresign ko ay itutuloy ko pa rin ang pag-alis ko. Wala naman akong kontratang pinirmahan nang ipinasok ako sa Sarto kaya hindi niya rin ako makakasuhan para mapigilan sa pag-alis. She stared at the resignation letter that I gave her for a few seconds before she lifted her gaze on me. "Sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo, Sandra?" paninigurado niya sa akin. "Paano kung nagkaka-misunderstand lang kayong dalawa?" Pinilit ko namang ngumiti. I knew she was trying to make me stay and rethink my decision to finally leave and set him free. "Mismong ako na ang nakasaksi, Nikki..." I trailed and memories from the other ni

