"Hay..." daing ko. "Sumisikip na naman ang mga damit ko," reklamo ko habang nagsusuot ng isang semi-formal office attire at sakto namang kapapasok lang ni Sean sa kuwarto. Nakasuot na rin siya ng suit at dala-dala ang breakfast ko na niluluto niya. Every morning ay lagi akong sa kuwarto nagbe-breakfast. Pinagluluto niya ako. Ewan ko pero pinaglilihian ko ata ang mga luto niya, lalo na ang mushroom soup niyang naka isang malaking bowl ako noong isang araw. Bawat meal ko ay hindi puwedeng mawalan ng mushroom soup dahil siguradong magwawala ako at mapapamadali siya sa paggawa nito para lang mahinto ako. Nilapag niya ang tray sa study table at napakunot ang noo sa akin. "Where are you going?" nanunuring tanong niya. "Yes!" untag ko nang nasuot ko na ang office blazers sa ibabaw ng isang mal
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


