Chapter 1: Letter

1224 Words
Thamara INIRAPAN ko ang lalaking kanina ko pa napapansin na panay ang tingin sa 'kin. Hindi ko gusto ang paraan ng pagtingin niya sa 'kin, halatang manyakis. "Oh. May nagpapabigay," narinig kong sabi ni Wrathalia sa 'kin tyaka inilapag ang maliit na envelope na kulay pula. "Kanino naman 'to galing?" di maipinta ang mukha kong sabi sa best friend ko. "Kapag ito, galing sa babaerong 'yon, naku!" gigil kong sabi sabay bukas ng envelope. Alam ko nang sulat kaya agad kong binuksan. Nang makita ko ang sulat-kamay ay agad nalukot ang mukha ko. Magsusulat na nga ng letter ang pangit pa ng penmanship. Diyos ko! Thamara, You're so beautiful. I just want to let you know na hindi kita titigilan sa kakukulit kahit pa pumuti ang kilay mo sa labis na stress. Mas gusto ko ngang naiirita ka eh, mas lalo kang gumaganda. Hahahaha! I love you. Entertain niyo na po ako, sinamahan ko pa ng kiss 'tong letter. Love, Zkat Aidenry Lee Kaagad akong sumabog sa inis dahil sa nabasa ko, ito na yata ang pinaka-corny sa lahat. Pabagsak kong inilapag ang letter sa mesa at pasugod kong pinuntahan ang kinauupuan ng damuhong si Zkat Aidenry Lee. "Oh, napalapit ka? In love ka na sa 'kin agad?" nakangisi niyang sabi. "Ang kapal ng mukha mo, hoy!" sigaw ko. "Magising ka nga! Ilang beses ba kitang kailangan basted-in para itigil mo na ang ka-corny-han mo? Hindi kita ginusto, hindi kita gusto at mas lalong hindi kita magugustuhan!" bulyaw ko sa kaniya. Pero imbes na maapektuhan siya sa sinabi ko ay hindi nawala ang ngisi niya sa labi. "Ano?!" singhal ko. "Why are you grinning? May nakatatawa ba?!" masungit kong tanong. I really don't like the air of this guy! He's very annoying! "Binasa mo ba 'yong letter ko?" he chuckled. "Sabi ko do'n, gumaganda ka lalo kapag naiirita. Nakaka-in love ka lalo." Tumawa siya nang malakas na para bang may nakatatawa. "Binasa ko ang letter mo—" "Tapos kinilig ka?" tudyo niya. "Hindi!" diin na diin kong sabi. "Weh?" "Paano ako kikiligin? Bukod sa napaka-corny mo, napakapangit pa ng sulat-kamay mo!" Tinuro ko siya, iyong gigil na gigil at diin na diin. "Ito tatandaan mong damuho ka, hindi kita magugustohan kaya tigilan mo na ang ka-corny-han mo. Maghanap ka na lang ng ibang babaeng madadale mo total babaero ka naman!" Binirahan ko ng alis agad matapos kong sabihin 'yon. Ang kapal talaga ng mukha ng damuhong 'yon. Over-confident ang g*go, akala mo naman sobrang gwapo. In fairness gwapo siya, pero babaero. Allergic ako sa gano'n. Tsk! "Hey, Boo. You're so grabe naman. Baka na-hurt na si Zkat sa mga sinabi mo," saway ni Thalia sa akin. "That was so harsh!" "Pabayaan mo siya. Para na rin matigil na siya kakukulit sa 'kin. Naaalibadbaran ako sa kaniya," iritado kong sabi. "Nasaan na ba si Oli?" "He told me na he needs to usap with his prof muna about his grades. Don't worry, maya-maya, I'm sure he'll be here na." "Oh sige," sabi ko at lumakad papuntang waiting shed. "Hapon na rin, kung hindi pa siya darating, magta-taxi na lang ako." "Naku, Boo. That's bawas ipon na naman. I thought you're saving until you find a part time job to earn?" "Eh saan ba ako makakakuha ng part time job? Kai-eighteen ko pa lang," sabi ko. "Eh kung mag-vlog na lang kaya ako? Balita ko malaki-laki rin 'yong kita do'n." "Pwede rin. I'll support you na lang," nakangiwing ani Thalia. Kailangan ko na talaga ng mapagkakakitaan. Paubos na ang perang iniwan sa 'kin nina Papa at Mama. Hindi din naman kalakihan 'yon kaya mauubos talaga. Mabuti nga at nakapasa ako sa scholarship ng school, kung hindi, matagal na akong nakatigil sa pag-aaral. "Sorry, Girls. May pinagawa pa sa 'kin ang prof ko. Babagsak yata ako sa isa kong subject, patay ako kay Daddy," sabi ni Oli nang sa wakas ay dumating rin siya. Oliver and Wrathalia are my only friends here in school. Sila lang din ang nakaaalam ng totoong estado ko sa buhay,na ulila na ako. Namatay sa car accident ang mga magulang ko at heto ako, nag-iisa na lang sa buhay. "I'm sure you can do it, Oli. Ikaw pa ba?" nakangiting sabi ni Thalia. "Tara na. Kanina pa kami nag-wait dito ni Tham. It's late na, 'di ba I told you I'll sabay sa inyo pag-uwi because my car is on a maintenance and my driver is on a vacation pa?" "Oo na, napaka-conyo mo!" sabi ni Oli. "Tara na, ihahatid ko na kayong dalawa." "Yey! Thanks, Oli." Sumakay kami sa kotse ni Oliver, nasa tabi ako ng driver's seat habang nasa backseat naman si Thalia. "By the way, usap-usapan kanina ang sagutan niyo ni Zkat ah? Anong nangyari?" tanong ni Oliver habang nagmamaneho. "The usual," si Thalia na ang sumagot para sa 'kin. "Paano naman kasi, Zkat is very annoying, he is very desperate to court Boo, eh Boo hates playboys pa naman. So ayon, rejected." Narinig kong pahagalpak na natawa si Oliver. "Mukha namang seryoso siya sa 'yo, hindi ko na siya nakitang may kasamang iba't-ibang babae simula no'ng kinulit ka. Tyaka buong campus nakaaalam na nanliligaw siya sa 'yo, malamang sa kaniya ka rin babagsak dahil wala nang mangangahas na manligaw pa sa 'yo." Napairap ako sa iritasyon. Paanong hindi malalaman ng buong campus? Bukod sa sikat siya dahil galing siya sa maimpluwensiyang pamilya at napakaraming baliw na baliw sa kaniya, gumawa ba naman ng senaryo ang damuho. He declared in front of everyone that he's courting me, sa gitna mismo ng field ng school siya nagkalat. Nagpa-tarpauline pa ang damuho ng "I will court you Thamara Clarisse Villanueva" with his flowers, balloons and everything. That's how annoying he is. "Eh bakit kasi di mo pagbigyan si Zkat? Mukha namang maganda ang intensiyon niya sa 'yo. Baka makatulong pa, remember that he's a Dean's lister and a graduating student, 'pag naging kayo, matuturuan ka niya sa mga lessons panigurado—" "Kung hindi pa ako buntis," giit ko sabay iwas ng tingin. "Sa landi ng lalaking 'yon, paniguradong tutuhugin ako ng siraulong 'yon, agad-agad, aanakan niya lang ako for sure, sinong kawawa? Ako." "Edi wag kang pumayag, 'pag nagpumilit, kasuhan mo ng harassment. Bigyan mo ng chance, malay mo, siya na pala ang prince charming mo. Happy ending gano'n." "Salamat na lang!" sabi ko sabay ngiwi. "I agree with Oli, Boo. Tyaka he is gwapo and hot kaya, matalino pa. Did you know that at the age of eighteen, millionaire na siya?" Napairap ako. "Malamang, Thalia. Alam mo kung gaano kayaman ang pamilya nila, palagi silang laman ng mga magazine top one hundred richest family—echos na 'yan." "What I mean is self-made millionaire," giit ni Thalia. "He managed to build his own name in the industry, Boo. Can you imagine that?!" Umangat ang kilay ko. "Oh? Nasaan paki ko? Kahit humiga pa siya sa napakaraming salapi, hindi niya mabibili ang matamis kong oo. Mayaman siya sa pera, babaero naman. Pag kami nagkatuluyan, paniguradong mamumuti pati buhok ko sa kili-kili sa sobra na konsumisyon." Pareho silang natawa sa sinabi ko, akala yata ay nagbibiro ako. Pero hindi, sa ugali ng lalaking 'yon, sa dami ng babae no'n, paniguradong sakit lang ang makukuha ko sa kaniya. Kaya Zkat Aidenry Lee, salamat na lang sa efforts mo, di kita kailangan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD