bc

Arrange Marriage with My Fiance

book_age18+
6.1K
FOLLOW
30.0K
READ
billionaire
second chance
arranged marriage
submissive
independent
boss
drama
bxg
serious
realistic earth
like
intro-logo
Blurb

Unedited and Under Editing

Disclaimer

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, songs, and incidents are either product of author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is/are purely coincidental.

R18+ | COMPLETED | FILIPINO

Arrange Marriage Series Book 2

I highly recommend you to read "Arrange Marriage with My Ultimate Crush" first before you read "Arrange Marriage with My Fiance"

Arrange Marriage Series

#1 Arrange Marriage with My Ultimate Crush

#2 Arrange Marriage with My Fiance

#3 Arrange Marriage with My Ex

Happy ending is what we always wish whenever we love a person. Kapag nagmamahal, palaging pinagdarasal ng isang tao na sana ay siya na nga ang huli. We are always looking forward to spend the rest of our lives with the person we love.

Thamara Clarisse Villanueva and Zkat Aidenry Lee were on their way to happy ending, with a healthy relationship and live-in status since college days, walang naging problema sa relasyon nila. They are a good match, a loving girlfriend and a loyal boyfriend. Looks like they were perfectly matched with each other.

Akala ng lahat ay tuloy-tuloy na sila patungong alapaap sa sobrang tibay ng relasyon nila. Pero hindi pa pala.

Zkat Aidenry Lee met an accident and after that, the world that they've created for each other started to become chaotic. Everything changed like they did not exert a lot of efforts in making their relationship strong and to save their relationship, they were arranged for marriage. Ngunit makakaya nga ba silang ayosin ng arrange marriage kung ang tinitibok ng puso ay hindi na maalala ng isip?

chap-preview
Free preview
Prologue
Thamara "Thamara, please stay. Please take me back." I can literally hear the pain from Nico's voice while he is drunk and begging. "Nico, please. Masaya na ako ngayon. Please, umuwi ka na. Lasing ka na, Nico," pakiusap ko sa kaniya. Nandito kami sa labas ng bar, pinilit ko pa talaga siyang puntahan kahit delikado para sa 'kin na pumunta sa ganitong lugar. "No! No!" He reached for my hand, sobrang desperado ng mga kilos niya. "Please, Thamara, a-ako na lang ulit. Mas sasaya ka sa 'kin." "Nico, I'm sorry," paghingi ko ng tawad sa kaniya. "Pero hindi na tayo pwede. I already have a life with Zkat, mahal namin ang isa't-isa—" "Hindi! Alam kong mahal mo pa rin ako! Mahal na mahal mo pa rin ako, Thamara! Napilitan ka lang na mahalin siya kasi wala ako sa tabi mo! Bakit ba hindi mo aminin? Choose me, Thamara!" Hirap na hirap na akong ipaintindi sa kaniya ang lahat. Napakahirap magpaliwanag, hindi ko alam kung papaano. I'm just here kasi nag-aalala ako sa kaniya. Hindi na iba si Nico sa 'kin. He is my ex-boyfriend at kahit wala na akong nararamdaman sa kaniya at matagal na kaming tapos ay mahalaga pa rin siya sa 'kin. Gusto kong linawin sa kaniya ang lahat, gusto kong bago man lang kami magpakasal ni Zkat ay maging maayos ang buhay niya. I heard my phone rang kaya agad kong kinuha 'yon at nakita kong ang fiance ko ang tumatawag. "Nico, kailangan ko nang umalis, hinahanap na ako ni Zkat," I said and I was about to answer the call but he grabbed my phone. "Hindi pa tayo tapos mag-usap, Thamara! Kailangan linawin natin 'to. Ako ang mahal mo bakit hindi mo aminin?! Hiwalayan mo na si Zkat dahil ako naman talaga ang mahal mo!" Nagsimulang mabuhay ang galit sa dibdib ko dahil sa kakulitan niya at kawalang-galang. "Ano ba, Nicolai?! Give me back my phone!" singhal ko at pilit inagaw ang cellphone ko pero iniilag niya. "Thamara, please. Please, ako na lang ulit. Ako na lang, Thamara." "Hindi na nga pwede! Hindi na, Nico! Ikakasal na kami ni Zkat at magkaka-baby na kami. Please lang, Nico. Ako na ang nakikiusap sa 'yo, pakawalan mo na ako, mag-move on ka na." "No!" pagpupumilit niya. "Ako ang mahal mo! Ako dapat ang pakasalan mo—" "Matagal na tayong tapos, nasisiraan ka na ba ng bait?" Nahablot ko ang cellphone ko mula sa kamay niya at nakita kong patuloy na tumatawag si Zkat. Lumayo ako kay Nico bago ko sinagot ang tawag ni Zkat, nilingon ko pa si Nico at nakita ko siyang umiiyak lang sa kinatatayuan niya. "Love?" I heard his deep voice on the other line. "Nasaan ka?" "Ahh—nasa condo ka na ba?" tanong ko. Ayaw kong malaman niyang nandito ako sa Club Lavista at pinuntahan si Nico. Ayaw kong pag-awayan pa namin ito. "Wala pa, love," sagot niya. "Actually, I just called kasi si Kuya Jason, nagpasama sa 'kin na uminom. Eh problemadong-problemado 'yon. Ayaw niya raw kasi talagang magpakasal. Okay lang ba na samahan ko siya, Love?" "Oo naman," walang pag-atubiling pagpayag ko. "Didiretso ka na kay Kuya Jason?" "Opo, Love. Hinihintay niya ako. Actually on the way na ako. Teka... nasaan ka ba?" "Ah—nag-grocery lang ako, Love," pagsisinungaling ko. Mamaya ko na lang ipapaliwanag sa kaniya kapag nasa bahay na kami, mas maipapaliwanag ko 'yon sa kaniya nang mas mabuti at mas magkakaintindihan kami. "Sana sinabi mo. Nasamahan sana kita," aniya sa kabilang linya. "Wag magbubuhat ng mabibigat, Love. Please lang, doble ingat na baka mapa'no pa ang baby natin." Napangiti ako sa sinabi niya, napakamaalalahanin niya talaga. "Oh sige na. Wag kang magpakalasing masyado dahil magmamaneho ka pa pauwi." "Opo, Love," malambing niyang sabi. "Thank you, I love you." "Sige. I love you." Binaba ko ang cellphone ko nang nakangiti ngunit laking gulat ko nang may biglang yumakap sa 'kin mula sa likuran kaya nagpumiglas ako at tinulak ko ang kung sinumang bastos na 'yon. "Nico, ano ba?!" sigaw ko. "Please! Tantanan mo na ako! Isang pagkakamali talaga na pinuntahan pa kita dito." "Thamara—" "No, Nico!" mariin kong sabi. "Tama na, please! Respeto na lang ang hinihingi ko sa 'yo. Tantanan mo na ako, mag-move on ka na. Ayusin mo na ang sarili mo!" "Pero kung hindi ako umalis, ako naman talaga ang makakatuluyan mo dapat 'di ba?" Sunod-sunod na pumatak ang luha niya. "Ako naman talaga ang mahal mo diba?" "Nico, all we had before was just like a game. Sobrang bata pa natin no'ng mga panahong 'yon. I thought I loved you too, pero hindi. Akala ko rin minahal kita pero hindi. Kaya rin siguro hindi kita pinigilan no'ng umalis ka, nalungkot ako pero kinaya kong wala ka sa buhay ko, Nico," paliwanag ko sa kaniya, I may sound harsh but he needs to hear this to wake him up. "Pero kung si Zkat 'yong mawawala sa 'kin, iniisip ko pa lang, hindi ko na kaya." Tumulo ng sunod-sunod ang luha ko. "Tham—" "Yes, minahal kita, Nico. Pero bilang kaibigan lang. You were nice to me, I was happy with you but all of that was just pure friendship. Kaya please, Nico. Respetuhin mo sana ang relasyong meron kami ni Zkat. Kasi mahal na mahal ko siya. Kung talagang mahal mo ako, hahayaan mo na kami." Akala ko ay naiintindihan niya ang mga sinabi ko pero laking gulat ko nang bigla niya na lang akong kinabig at hinalikan niya ang labi ko. Hindi ako agad nakagalaw sa gulat, I was caught off guard. "Wow naman! Ang galing!" Mabilis kong tinulak si Nico nang marinig ko ang boses ni Zkat. Nanlaki ang mga mata ko nang paglingon ko ay nakita ko nga ang fiance ko na nakatayo ilang hakbang ang layo mula sa kinatatayuan ko. "Love—" Umigting ang panga niya at masama niya kaming tiningnan bago niya sinugod si Nico at walang pakundangang sinuntok, kaya naman ay mabilis ko silang inawat. Pati ang mga bouncer sa club na nakakita ay tumulong rin sa pag-awat sa kanila. Sa wakas ay nahila ko rin si Zkat palayo. "Love—" "Wow, Thamara! Hindi ko alam na ang Club Lavista ay grocery store na pala ngayon!" sarkastiko niyang sabi. "You're unbelievable!" "Zkat! It's not what you think, let me explain. Please, let me explain," pagsusumamo ko. May kung anong kakaibang takot at kaba ang lumukob sa buo kong pagkatao. Natatakot akong iwan niya ako. "This is bullsh*t!" singhal niya at marahas na binawi ang mga braso niya mula sa pagkakahawak ko at malalaki ang hakbang na naglakad palayo. Akmang hahakbang na ako para sundan siya pero nilingon niya akong muli. "Wag na wag mo akong susundan," banta niya dahilan para mapahagulhol nalang ako sa kinatatayuan ko. Paano ko pa maayos 'tong lahat? Nang makaalis ang sasakyan niya ay mabilis akong pumara ng taxi para magpahatid sa condo namin ni Zkat, paniguradong doon kami magkikitang dalawa kailangan kong ipaliwanag at ipaintindi sa kaniya ang lahat. Sa kamalas-malasang pagkakataon, nasa daan pa lang ako habang nakasakay ng taxi ay bumuhos ang napakalakas na ulan kaya naman nag-minor ng takbo ang taxi na sinasakyan ko dahil madulas ang daan. Hindi nawala ang kaba sa dibdib ko habang nasa daan kami, panay ang tingin ko sa daan dahil gustong-gusto ko nang marating agad ang condo. "Manong, ito na po ang bayad, salamat po." Hindi ko na kinuha ang sukli at mabilis akong pumunta sa unit namin. Please, Zkat. Please, let me explain, pipi kong panalangin. Binuksan ko ang condo gamit ang sarili kong susi at agad hinalughog ang buong unit para hanapin si Zkat. Ngunit mukhang hindi pa siya nakakarating dahil walang kahit anong bakas niya ang loob ng condo. That's when I started dialing his number, hoping that he would answer my call pero hindi siya sumasagot. "Zkat please, mag-usap naman tayo," wala sa sarili kong sambit, alalang-alala na. Ida-dial ko na sana sa ikaapat na pagkakataon ang number ni Zkat nang bigla akong naka-receive ng tawag mula kay Mommy Jesselle, ang ina ni Zkat. Kinakabahan man ay sinagot ko pa rin 'yon ngunit agad akong napakunot-noo nang marinig ko ang hagulhol niya mula sa kabilang linya. "M-Mommy? B-Bakit po kayo umiiyak? B-Bakit po kayo napatawag?" "T-Thamara..." Nanginginig ang boses niya. "Mommy?" "T-Thamara... p-pumunta ka agad dito sa hospital... si Zkat" Nanlaki ang mga mata ko at naging triple ang bilis ng t***k ng puso ko. "P-Po? Ano pong nang—" "Thamara—T-Thamara... n-naaksidente si Zkat. Nabangga ng truck a-ang.... ang m-minamaneho niyang kotse."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

read
832.4K
bc

Wildly and Desperately (TAGALOG/SPGR18+)

read
633.2K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
292.5K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
416.1K
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
325.5K
bc

My Ex, My Boss, My Husband R-18

read
557.0K
bc

Fight for my son's right

read
147.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook