Isang linggo ang lumipas simula noong sumugod ang legions sa Academy. Nabigo silang sakupin ang Artasia dahil na rin sa ginawang pagsasakripisyo ni Eira. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap ang nangyari. Masaya akong nakikita na bumalik na sa dati ang Artasia, maligaya ang mga tao, maganda ang paligid pero mas magiging maganda sana ito kung kasama namin si Eira. “Klein.” Tawag nila Cade sa likuran. Marahan akong lumingon sa kanila bago ako tabihan dito sa balkonahe ng kwarto ni Eira. “Nami-miss mo na ba siya?” Tanong ni Zen at hindi ko mapigilang maluha. “I’m sure masaya siya kung nasaan man siya ngayon.” Sabi ni Ethan habang nakayuko. Panandalian kaming natahimik bago pumunta sa office ni Mr. Sage. “Ngayong nasa ayos na ang Artasia ay makakapamuhay na tayo ng normal.” Panim
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


