1: Welcome to Artasia Academy
Isang linggo na ang nakalipas nang i-celebrate ko ang 18th birthday ko. Today is the first day of vacation, when I don’t have to go to school I really like to hang out at home with my mom but this time, it’s very different from usual. Napagkasunduan kasi namin na magbabakasyon ako ngayon sa isang lugar without her by my side.
At first hindi talaga ako sangayon, it was too sudden pero sabi niya ay kailangan ko raw iyon, na hindi sa lahat ng oras ay nasa tabi ko siya, that’s when I realized na I should act my age, 18 na ako and I need to enjoy my life to the fullest.
“Eira anak, let’s go. Naghihintay na si Seth sa labas.” tumayo na ako at kinuha ang maleta ko. To be honest, I’m really excited about this vacation but something’s bothering me. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin alam kung saang lugar ako dadalhin ni mama.
Pagbaba ko ay agad kinuha ni tito Seth ang mga dala ko. Matalik siyang kaibigan ng parents ko and at the same time, nagtatrabaho siya bilang family driver at bodyguard namin ni mama. Nasa ibang bansa kasi si papa kaya kinailangan niya ang tulong ni tito Seth.
“Ma, saan ba talaga ako magbabakasyon? It’s been one week already nang mapagusapan natin ‘yon pero hanggang ngayon wala pa rin akong ideya kung saan mo ako pagbabakasyunin.” sabi ko nang mag umpisa na kaming bumyahe. She just smiled at me, wala talaga siyang balak ipaalam sa akin.
Throughout my childhood I lived quite a sheltered life. Most of the time nasa bahay lang talaga ako. Masasabi ko na ngang anti-social o outcast ako. Hindi ko alam kung bakit pero ganun ako lumaki, if I still remember isa lang ang naging kaibigan ko pero naglaho siya ng parang bula.
“Ma, where exactly are we going?” I asked out of curiosity , tumingin ako sa labas ng bintana. Nasa kagubatan na kami, wala akong nakikitang establishments at malayo na kami sa main road. Seriously where are we? Bago pa ako magtanong ulit ay hininto na ni tito Seth ang kotse, bumaba sila kaya naman bumaba na rin ako. Wala akong nakikitang bakasyunan sa hinintuan namin, don’t tell me na dito sa gubat na ito ako mag s-stay?
“Maㅡ” hindi ko na nagawang ituloy pa ang sasabihin ko nang may bigla na lang sumulpot na lalaki sa gilid namin, lumapit ito sa amin at yumuko na para bang nagbibigay galang.
“Sorry anak, I know it’s too sudden but you’re going with him, siya na ang magdadala sa’yo doon. Sila ang makakasagot sa mga tanong na gumugulo sa isipan mo ngayon. Promise me na mag iingat ka ha? Alam kong makakabalik ka, hihintayin kita.” Mom said out of nowhere, malinaw naman ang mga sinabi niya pero wala akong naintindihan.
“Ma, anong nangyayari?” Inabot ni tito Seth ang gamit ko doon sa lalake, tinignan ko si mom and I was waiting for her to explain what’s happening ngunir mukhang wala siyang balak ipaintindi sa akin ang sitwasyon.
“Ion, dalin mo na siya.” utos ni mama, hindi ko na nagawang magsalita pa dahil hinawakan ako noong lalake and in just blink of an eye, I traveled instantaneously to a breathtaking scenery.
Naglalakihang building na tila palasyo, mga nagtataasang puno, the green fields and the blue sky made a combination that I felt something out of the world. Nasaan ako? Panaginip ba ito?
This was a truly amazing feelings to witness a natural scenery that could exists only in my imagination pero nang magflashback sa isipan ko kung paano ako napunta rito, agad kong kinusot ang mga mata ko dahil baka namamalik mata lang ako pero mukhang totoo ang lahat ng nakikita ko ngayon. Nilingon ko ang lalaking nagdala sa akin dito at marahan siyang ngumiti.
“Welcome to Artasia Academy” Bati nito, okay what exactly is going on? I don’t have any idea, I supposed to be in a vacation pero academy? Don’t tell me na mag-aaral ako sa araw ng bakasyon ko? Hindi ito parte ng plano ko.
“Ah Ion, anong lugar ‘to? Paano tayo napunta dito?” tanong ko pero nginitian niya lang ulit ako at nag umpisa na siyang maglakad, no choice naman ako kung hindi ang sumunod sa kanya.
“Hindi ako ang makakasagot sa tanong mo pero just trust your mom, hindi ka naman niya ipapadala dito ng walang dahilan.” hindi na ako nagsalita pa at nagpatuloy na lang sa paglakad hanggang sa makarating kami sa isang malaking building, may pagkapalasyo ang style nito. Hindi ko alam na may ganitong eskwelahan dito sa Pilipinas.
Habang naglalakad hindi ko maiwasang tumingin sa paligid pero tila natigilan ako dahil sa mga nakikita ng dalawang mata ko. Yung babaeng nakaupo sa wooden chair, she yank the piece of paper from the floor and send it flying into a trashcan. What the hell was that?
“Magic is something that everyone has heard of, yet not everyone believes it exists but as you can seeㅡ”
“No way!” nagreact na agad ako kahit hindi pa siya tapos magsalita. I really do love magics pero parang ang hirap paniwalaan ng mga nangyayari. Inabot ni Ion ang kamay niya at saka ako inalalayan para tumapak sa isang malaking kulay gintong platform, he suddenly snapped his finger at agad akong napakapit sa kanya dahil bigla kaming umangat. Elevator magical style? That was cool tho.
Paghinto namin sa 3rd floor, nagpatuloy kami sa paglakad hanggang sa makarating kami sa isang malaking pintuan. Kumatok si Ion at saka ako sinabihang pumasok, nilingon ko siya dahil sinara niya ang pinto at iniwan akong mag isa rito sa loob. This room is really beautiful and spacious, naglalakihan din ang mga painting at bintana.
“Magandang araw Eira,” Bati ng lalaking I think ay nasa late 20’s or something, ngumiti ako ng bahagya at saka yumuko.
“Magandang araw din po.” wow. What’s with the polite greetings? Paano niya nga pala nalaman ang pangalan ko? Inaasahan na ba talaga nila na darating ako sa lugar na ito? So many questions are flooding my mind pero hindi ko magawang magsalita.
So it was planned from the start? Kaya pala ayaw sabihin sa akin ni mama kung saan ako magbabakasyon dahil hindi ordinaryong lugar ang pupuntahan ko. Now that explains everything.
“By the way, ako nga pala si Arthur Sage, you can just call me Mr. Sage. Kaibigan ako ng mga magulang mo, here.. Take a seat.” Inalalayan niya ako papunta sa sofa at marahan naman akong naupo roon.
“Pwede ko ho bang malaman kung ano ang ginagawa ko sa lugar na ito?”
“Because you belong here, alam kong mahirap tanggapin at paniwalaan pero dito ka talaga nababagay and in the first place, sa mundong ito ka ipinanganak, sa mundo kung saan nag-eexists ang magic at powers.”
Napanganga na lang ako dahil sa narinig na iyon. “Wait, what do you mean? Nasa ibang mundo tayo?”
“Not literally, we’re still somewhere in the Philippines, this is a hidden world. Malayo ito sa mundong nakasanayan mo. Ang Artasia ang tahanan mo Eira, gusto kang mabigyan ng normal na buhay ng magulang mo kaya inilayo ka nila sa mundong ito, but they know it’s impossible lalo na’t espesyal ka.”
Tumango ako ng marahan kahit hindi ko nagegets ang mga sinasabi niya. It’s really creeping me out, they don’t expect me to believe that all of sudden, right? Pero mukha naman siyang seryoso.
“What makes me special? Kung totoong lugar ito para sa mga taong may powers or magic then I don’t belong here, wala ako noon.” I shrugged pero nginitian niya lang ako ng makahulugan.
“Masyado pang maaga para masabi ‘yan, gusto ko lang malaman mo na ikaw lang ang makakapagligtas sa Artasia.”
“Eh?”
“We need your help.” Tumayo siya at nagpunta sa balkonahe kaya naman sumunod ako. Doon ko nakita ang labas ng Academy, those villages and mountains na parang walang buhay, kabaligtaran nito ang academy na may well kept gardens, gorgeous trees and many bushes decorateㅡ
“Nawawalan na ng bisa ang spell na inilagay namin sa buong Artasia para mapanatili ang kaligtasan at kagandahan nito, unti-unti na itong nasisira dahil sa mga legions. Sa ngayon, ang Academy na lang ang pinakamaayos at safe na lugar dito sa Artasia...”
“...At once na tuluyang masira ang spell na iyon ay magiging visible na ang buong lugar na ‘to sa normal na tao and we can’t let that to happen.”
I don’t know why pero ang lapit ng puso ko sa lugar na ito, hindi pa nagsisink in sa utak ko ang mga nangyayari pero gusto kong makita ang dating itsura nito, kung talagang dito ako ipinanganak, malamang dito rin lumaki si mama.
“Okay, hindi pa malinaw sa’kin ang lahat pero paano ako makakatulong?” Hinarap ako ni Mr. Sage, halatang nabigla siya sa sinabi ko. Hindi siguro inexpect na papayag ako ng ganoon kabilis.
“Kailangan mo munang mahanap ang seven guardians, sila ang poprotekta sa’yo para magawa mo ang misyon na ‘to, pagnagather mo silang lahat, dalhin mo sila sa’kin.”
“Paano ko sila mahahanap?” Tanong ko at bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko habang nakangiti.
“As expected, kind hearted ka rin gaya ni Ellana.” ngumiti ako ng malawak, I’m really blessed to have a mother like her, wala ng mas babait pa kay mama kaya naman kung ipinadala niya ako rito para mas lumawak pa ang isipan ko at maimulat ako sa mundong itinago niya sa akin, then I guess I’ll do my best to make her proud at makabalik sa kanya.
“I’ll let you rest for today, may ibang tao ang mag eexplain sa’yo tungkol sa mga guardians.. Ion, dalhin mo na siya sa magiging kwarto niya.” Bago ako tuluyang umalis ay tinawag ako ni Mr. Sage.
“Maraming salamat, Eira.” ngumiti lang ako at tuluyan ng lumabas ng office niya, I look around to see beautiful paintings all around the hallway. Kung tutuusin ay para lang naman akong nasa normal na eskwelahan pero hindi talaga normal ang mga tao. I really can’t believe that this is happening.
“Malaki ang Academy kaya kung maaari, manatili ka lang sa kwarto mo and don’t wander around. Malaki kasi ang posibilad na maligaw ka.” Sabi ni Ion nang umakyat kami sa ikaapat na palapag at huminto sa harap ng pintuan na may kulay na black and white. Feel ko talaga nasa palasyo ako, may mga carved statues sa hallway at meron ding pulang carpet sa kahabaan nito.
“Ito ang magiging kwarto mo, hindi ka pwedeng manatili sa girl’s dorm, you’re too special for that.” Ngumiti ako ng pilit at nagpasalamat. What’s with the special treatment? Hindi ako sanay.
Pagpasok naman sa kwarto ay talagang napanganga ako. Sobrang laki nito para sa isang tao. It has a fantasy style decor, the wall is painted with white and black. May sitting area din at fireplace. Yung kama naman ay nakapwesto malapit sa balkonahe. Are they serious about this? Sobrang sosyal ng kwarto na ito.
Nagpatuloy ako sa paglakad at dumiretso sa kama, pinagmasdan ko lang ang gamit ko. Ano naman kaya ang kayang gawin ng clumsy na tulad ko para sa lugar na ito? I don’t even have a power so what’s so special about me?
Matapos kong maayos ang mga gamit ko ay naisipan kong lumabas ng kwarto, walang katao tao sa floor na ito pero napansin ko ang iba’t-ibang kulay ng mga pintuan, pakiramdam ko naman na wala akong makakausap dito kaya sinubukan kong gamitin iyong platform. Ginaya ko lang ang ginawa ni Ion kanina at natuwa ako nang gumana iyon.
Ihahakbang ko na sana ang paa ko ng makarating ako sa lobby pero may bigla na lang tumulak sa akin pabalik. Umangat ulit ang platform at saka ako tinignan noong lalaki.
“Sorry miss, nagmamadali ka ba? May humahabol kasi sa’kin, sasamahan na lang kita kung saan ka man pupunta. Pasenya na talaga mabilis lang ‘to.” paliwanag niya at napatango lang ako. Huminto kami sa 3rd floor at hinatak niya ako papunta sa balkonahe.
“T-teka, anong gagawin mo?” Tanong ko ngunit bigla na lang niya akong pinasan, the next thing I know tumalon na siya habang buhat ako. Napapikit ako sa takot, feeling ko sumakay ako ng drop tower,
Nang makababa kami ng buhay ay napabuntong hininga na lamang ako. The hell?! Marahan niya akong ibinaba at saka nginitian.
“Sorry, nabigla ka ba? Ako nga pala si Cade. Ikaw? What’s your name?” Inabot niya ang kamay niya at hinawakan ko naman iyon para makipagkamay.
“E-Eira.”