2: The seven guardians

2153 Words
Gaya ng sinabi ni Cade, sinamahan niya ako kung saan man ako pupunta and to be honest, hindi ko naman talaga alam kung bakit ako lumabas ng main building. “Paanong wala kang special abilities?” tanong niya. Nabanggit ko kasi na kararating ko lang sa lugar na ito at wala akong kahit na anong magic o power. “Hindi ko rin alam, wala naman sa plano ko ang mapunta sa lugar na ‘to, basta nangyari na lang eh.. Teka saan mo ba ako dadalhin?” Kanina pa kami naglalakad, wala rin masyadong estudyante sa field kasi linggo ngayon. Napansin ko rin na may iilang tao ang tumitingin sa akin. “Nandito na tayo.” sabi niya at tumingin ako sa paligid, nasa may garden kami kung saan maraming paru-paro ang lumilipad at nakadapo sa mga bulaklak. “Wow.” Iyon lang ang lumabas sa bibig ko at saka nilingon si Cade. Nakangiti lang siya habang sinusubukang hulihin ang mga paru-parong malayang lumilipad. “Sino nga pala yung humahabol sa’yo?” “Crap! Buti pinaalala mo, mauna na ko, ah? Baka itinapon na nun yung mga alien figures ko. Bye Eira! See you soon..” kinawayan inya ako at mabilis lang din siyang nawala sa paningin. Ang weird niya. Naupo ako sa wooden chair malapit sa may entrance ng hedge maze, I was wondering kung magkakaroon ba ako ng kaibigan sa lugar na ‘to. Cheerful naman akong tao, hindi naman ako masamang tao at lalong hindi naman nakakatakot ang itsura ko but still ang hirap pa rin para sa akin ang magkaroon ng kaibigan. Uh! Curse this hair color, dahil rito ay nasasabihan akong weirdo, may nagsasabi na feeler daw ako dahil halatang kinulayan ko lang. Pareho namang itim ang mga buhok nila mama at papa kaya hindi ko maintindihan kung bakit kulay gray itong sa akin. Maybe I really do belong here, noong makita ko si Cade unang pumasok sa isip ko na normal lang sa lugar na ito ang may inborn na hair color maliban sa itim. Kung tutuusin para lang naman akong nasa isang tagong probinsya, what makes it different is yun nga, may mga kapangyarihan ang tao rito but still, I feel outcast dahil wala nga akong abilities. “Hoy.” agad akong napatingala sa boses ng lalaking iyon, he got this lustful aura. Uh what’s his problem? Nananahimik ako rito. “W-why?” lumuhod siya sa harapan ko at marahang kinuha ang kamay ko. My eyes widened when all of a sudden he kiss the back of my hand. What was that for? Nginisian niya ako and my legs seemed to move of their own accord. I don’t know what’s going on pero nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa mapunta ako sa likuran ng isang lalake and the next thing happen? Naitulak ko na siya sa may fishpond. May parang kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko and I came back to reality that I was being controlled! Damn. Nilingon ko iyong lalaki kanina, I’m sure na siya ang may gawa nito pero bago pa ako makahakbang papunta sa kanya ay may humatak na sa braso ko. Halos bumaon na ang mga kuko nito sa balat ko. “Who do you think you are?” Tanong niya at bago ko pa maibuka ang bibig ko para magpaliwanag ay naitulak na niya ako sa fishpond. I clenched my teeth at saka naglakas loob tumayo. Sinamaan lang ako ng tingin ng lalaking nasa harapan ko, how can he do that thing to me?! Ano man lang yung hinintay niya yung paliwanag ko? “Bakit mo ko tinulak?” mabilis niyang nahawakan ang damit ko at hinatak palapit sa kanya, my whole body was shaking and found myself unable to look into his dark eyes. “I-I was being controlled.” nginisian lang niya ang isinagot kong iyon. Ugh, seriously nararamdaman ko ng malapit na akong mainis sa pagkatao ng lalaking ito. Wala akong pakialam kung gwapo siya at maganda ang buhok niya dahil sa may pagka-asul ito but damn! He’s so arrogant. “Paano kita paniniwalaan? Naaamoy kong wala kang special abilities.” diretsong sabi nito, he really got this cold eyes, nakakalunod. Anong klaseng tao ba ang isang ito? He’s a monster! “May humalik sa kamay ko, okay? And then after thatㅡ” nanlaki na lang ang mata ko nang bigla niya akong buhatin in bridal style, tumalon siya ng napakataas at nang tumingin ako sa ibaba, doon ko nakita ang lalaking kumokontrol sa akin kanina. “Siya, siya yung nagㅡ”                                                             “Shut up! You’re annoying.” walang kaingat-ingat niya akong ibinaba at saka sinabihang umalis. Hindi ko na rin kayang magtagal pa kasama ang lalaking iyon kaya bumalik na ako sa kwarto at nagpalit ng damit. What’s with that guy? ㅡ                                            Monday at paniguradong marami ng estudyante ang magkakalat sa buong campus, mananatili lang ba ako rito o mag aaral din ako gaya ng ibang nandito? Wala akong idea. “Ms. Eira.” agad akong napabangon nang marinig ko ang boses ni Ion, binuksan ko naman ang pinto at nakitang may dala-dala siyang tatlong pares ng uniform. “Magsisimula ka ng pumasok sa klase.” sabi niya kaya kinuha ko ang mga hawak niya. Rubber shoes lang ang meron sa mga bagahe ko, I guess okay na ‘yon. “A-anong sched ko?” “Hihintayin kita rito sa labas.” hindi niya sinagot ang tanong ko kaya nag-asikaso na rin ako. Kinakabahan na naman ako. Ano naman kaya ang ituturo nila sa akin? Mabilis lang akong nag-asikaso para hindi matagalan ang paghihintay ni Ion, sakto lang din sa akin yung uniform, white longsleeve with black school blazer at puting ribbon neck tie. Yung skirt naman ay kulay itim din and it stops before mid tight. Ang lakas maka-anime school uniform but wait... Wala akong gamit pang eskwela. Kamusta naman iyon? Masyadong mabilis ang mga pangyayari and in the first place, dapat ay nagbabakasyon ako. “O-okay na..” sabi ko nang puntahan ko si Ion sa labas. Ngumiti siya ulit at saka ako inalalayan papunta sa isang kwarto dito sa second floor ng main building. Ang tahimik, may klase ba talaga? “Ito ang magiging permanent classroom mo, hintayin mo na lang ang magiging instructor mo.” sabi niya at nawala na lang siya bigla sa paningin ko. Bumuntong hininga muna ako bago pumasok, parang nanlambot naman ang mga tuhod ko nang makitang walang tao doon. Ito ba talaga ang classroom ko? Lumingon lingon pa ako sa paligid pero ako lang talaga ang narito kaya naman naupo na lang ako sa isa mga upuan. Lumipas ang sampung minuto, ni isa ay wala pa ring dumadating na kaklase ko kaya tumayo na muna ako at sumilip sa may bintana. Tanaw na tanaw ko rito ang mga gumagamit ng powers o magic nila. Ngayon ko lang din napansin na puti ang uniform nila at itim na ribbon habang sa lalaki naman ay itim na necktie, halatang outcast talaga ako dahil parang ako lang yata ang namumukud tanging nakaitim. “Goodmorning.” Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses at doon nakita ang isang magandang babae. Holy mother! She looks like a living doll. No, a goddess to be exact! Para siyang dyosa, I can’t take off my eyes on her. “G-goodmorning din po.” lumapit ako sa kanya at tumingin sa pintuan, inaasahan ko kasi na may mga kasama siyang estudyante pero mukhang wala talaga. “Ako lang po ba ang estudyante nyㅡ” Hindi ko na nagawang ituloy pa ang pagtatanong dahil sa malakas na kalabog mula sa may bintana, hindi ko makita kung ano iyon dahil nakaharang yung kurtina. “Klein, stop messing around.” sabi ng babae at napanganga na lang ako nang makita ang lalaking kulay asul ang buhok, could it beㅡ “Pasensya ka na Eira, isa siya sa magiging kaklase mo, actually dalawa pa lang kayong estudyante ko for now, but soon madadagdagan din kayo.” sabi ng babae ngunit hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. No way! Paanong siya pa ang naging kaklase ko? What on Earth? That’s not a good idea. “Ms. Eve, sinasabi mo ba na itong pusa na ‘to ayㅡ” Hindi pa man natatapos ng aroganteng lalaki na iyon ang pagtatanong ay tumango na ang instructor na tinawag niya sa pangalang Ms. Eve and what did he just call me? Pusa? I can’t believe this guy. “Seryoso ba kayo? Pero wala nga siyang special abilities, I can’t even sense her power.” Kung makapagsalita siya ay parang wala ako rito. Nailing lang si Ms. Eve at saka ako tinignan habang nakangiti. Pagtinitignan ko siya ay para akong nanunuod ng commercial, ang ganda talaga niya, eh. How to be her? “Ah.. Nabanggit po sa akin ni Mr. Sage na may ibang mag eexplain sa akin tungkol sa seven guardians, kayo po ba ‘yon?” Tanong ko na medyo napapakamot pa sa batok, ramdam na ramdam ko ang masamang tingin na ipinupukol sa akin noong Klein. “Totoo nga yung ikwinento sa akin ni Sage na manang-mana ka talaga kay Ellana...Anyways the answer to your question is yes. Actually kaklase mo yung seven guardians at isa na doon si Klein but the thing is.. Hindi pa namin nakikita yung anim. Hindi pa sila nagpapakita sa amin pero sure ako na nandito lang din sila sa Academy.” “Wait, isa po sa guardians ‘tong unggoy na ‘to?” Itinuro ko si Klein at saka niya ako sinamaan ng tingin. “Unfortunately yes, kung titignan mukhang hindi maganda ang naging una niyong pagkikita pero trust me Eira, Klein is the strongest among the guardians, you can rely on him.” ayokong sumangayon sa sinabi niyang iyon pero tumango pa rin ako bilang respeto. “So okay, sorry for the late introduction, I’m Eve Valliente, you can just call me Ms. Eve. I am your one and only instructor, so if ever na may problema o gusto kang malaman wag kang mahiyang lumapit sa’kin..” “..First, can you introduce yourself? Ikaw din Klein. Name, age and when did you get here.” lumingon ako sa may bintana kung saan nakasandal si Klein. Bumuntong hininga ako at saka humarap kung saan naroon si Ms. Eve. “G-goodmorning, I’m Eira Arvelon, 18 years old. K-kahapon lang po ako dumatin.” ngumiti si Ms. Eve kaya naupo na rin ako. “Klein Herron, 19. 12 years ago.” walang emosyon na pakilala niya. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko, that means 7 years old pa lang ay nandito na siya sa Academy? Anong ibig sabihin noon? “Okay, so now na kilala niyo na ang isa’t-isa, ieexplain ko na sa’yo ang tungkol sa seven guardiansㅡstay here Klein.” sabi ni Ms. Eve dahil akma na sanang aalis ang unggoy na iyon. Huminto siya at bumalik sa pinagsasandalan niya kanina. “Ang guardians ay ang pitong may makapangyarihang ability sa Artasia. They symbolizes the seven colors of rainbow. Red, Green, Indigo, Violet, Yellow, Orange and Blue...” “...Each one of them have an associated powerful element, Fire, Wood, Ice, Lightning, Wind, Earth and Water.” “Sila ang mga taong poprotekta sa’yo Eira. Soon, malalaman mo rin kung bakit kailangan ka nilang protektahan. Si Klein, kinupkop na namin siya dito sa Academy ng mamatay ang pamilya niya. Maaasahan mong tutulungan ka niya para maibalik sa ayos ang artasia at magbayad ang mga legions..” I don’t why pero bigla akong nakonsensya, I mean kaya pala ganoon na lang ang ugali ng lalaking iyon dahil walang pamilya ang gumagabay sa kanya. I should be nice to him, or maybe not? Mukhang galit sya sa akin, eh. “Sure ako na nabanggit na sa’yo ni Sage ang legions. Grupo iyon ng mga artasians na gumagamit ng i***********l na dark spells. Sila rin ang pumatay sa pamilya ni Klein and now inuunti unti na nila ang pagsira sa buong Artasia at pag nagawa nila iyon. It will be the end for us..” “..Hindi na rin magtatagal ang spells na inilagay namin para proteksyonan ang buong lugar na ito kaya as soon as possible sana ma-gather mo na ang guardians at pagnagawa mo ‘yon, maii-explain na namin sa’yo kung ano talaga ang misyon mo rito. Tumango lang ako, unti-unti ko nang naiintindihan ang nangyayari, alam ko wala akong kakayahan or what pero hindi naman nila ako pagkakatiwalaan ng ganito kung isa lang akong ordinaryong tao. I need to find out soon kung anong klase ng abilities o kapangyarihan meron ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD