3: Darkwoods

2008 Words
“Tatlo lang naman ang rules sa Academy, first don’t harm any person using your special abilities or powers. Dito sa loob ng academy ay pili lang ang lugar kung saan gumagana ang mga kapangyarihan ng estudyante.” “..Second, no contacts outside the academy. Meaning, bawal ang ano mang komunikasyon sa pagitan ng estudyante at mga artasian na nasa labas ng academy, mahigpit din i***********l ang komunikasyon sa normal na tao..” “..Third is to follow the rules, sino mang lumabag dito ay mapaparusahan. Malaya kang gawin ang kahit na ano as long as hindi ka makakapanakit at hindi ka magkakaroon ng komunikasyon sa mga artasian na nasa labas ng academy.” Pagtapos i-explain ni Ms. Eve ang tungkol sa mga dapat kong malaman ay dinismiss na niya ang klase, mabilis ding umalis si Klein kaya minabuti kong hanapin muna ang ibang guardians. Ilang beses ko man tangkaing hingin ang tulong ni Klein ay hindi ko magawa dahil sobrang pangit ng unang encounter namin sa isa’t-isa. Nabanggit sa akin ni Ms. Eve na kulay blue ang sinisymbolize ni Klein kaya naisip ko na baka sa hair color ko malalaman kung sino ang iba pang guardians. I really don’t know what do they look like kaya susundan ko na lang ang instincts ko. Lumabas ako ng main building at nagpunta sa field pero naibaling ko ang atensyon sa may garden kung saan ako pumunta kahapon. Naalala ko bigla ang sinabi ni Cade at kulay ng kanyang buhok. “See you soon.” Does that mean na alam niyang magkikita pa kami? Isa kaya siya sa guardians? Sinubukan kong pumunta doon, nagbabakasakali na makita ko si Cade pero isang estudyante lang ang nakatambay doon. “Hi miss. May nakita ka bang lalaki? Kulay pula iyong buhok niya, matangos ang ilong at may katangkaran.” “S-si Cade Zevallos ba?” Namula na lang bigla ang mga pisngi niya at tumango lang ako marahan. “I’m not sure pero dalawa lang naman ang tinatambayan niya. It’s either dito sa garden or sa darkwoods.” “Saan ko makikita yung darkwoods?” Tumayo siya at lumabas sa may garden kaya naman sumunod ako sa kanya. Tinignan niya ako at saka siya tumuro sa may gubat. “Doon.” “Ah sige miss, salamat ah.” Tumango lang siya at nagmadali na rin akong pumasok doon sa may gubat. Sinigaw ko ang pangalan ni Cade, halos hindi ko na rin matanaw ang field dahil mukhang malayo na ang narating ko. Ang tanging nakikita ko na lang ay mga nagtataasang puno. “Cade!” lumingon ako sa paligid, nagbabakasakali na makikita ko siya but in just blink of an eye, the atmosphere suddenly changed. Kinilabutan ako at parang napako na ang mga paa ko mula sa kinatatayuan. I came here without thinking, paano kung nagsisinungaling pala ang babaeng iyon? No. Please, negative thoughts wag ngayon. Kailangan ko mahanap si Cade, malakas ang instincts ko na isa siya sa guardians. “Cadㅡ” Hindi ko na nagawang ituloy pa ang pagsigaw because of that strange growl. Pinagpawisan ako at lumingon lingon sa paligid, ako lang ang tanging narito at nasa madilim na parte na rin ako ng gubat dahil natatakpan ng malalaking puno ang sinag ng araw. This place seems so dangerous, gusto ko nang bumalik pero ang mga paa ko, they become unconscious. Hindi ko maigalaw, pinilit kong i-relax ang sarili ko and finally, nagkaroon na rin ako ng lakas para tumalikod at tumakbo pabalik ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay bigla na lang akong napaupo, ni hindi ko na nga napansin pa ang bagay na tumusok sa kamay ko. What exactly am I seeing right now? Half human half wolf? What on earth is that? A mythical creature, nag-eexist ba talaga sila?! Ramdam kong namumuo na ang luha sa mga mata ko, hindi ko magawang kumilos. Iyong matutulis niyang pangil at kuko, yung mapupula niyang mata na nakatitig sa akin. Nakakatakot, dito na ba ako mamamatay? Napapikit ako nang makita ko ang paghakbang nito pero agad din akong napamulat nang maramdaman kong may bumuhat sa akin. “Seriously, you’re such a pain.” kusang tumulo ang luha ko nang makita si Klein. “T-thankyou.” pinunasan ko ang luha ko habang buhat niya pa rin ako at nagpapatalon-talon siya sa sanga ng mga puno hanggang sa makalabas kami ng gubat. “Stupid, that’s not a compliment.” this time marahan nuya akong ibinaba nang makabalik kami sa field. Sa sobrang panghihina ay napaupo ako sa damuhan at tinignan ang kamay kong nagdudugo. “Lumayo na tayo ritoㅡ” “May barrier ang labas ng gubat para sa mga lycan. They can’t go outside. Hanggang darkwoods lang sila, ano ba kasing ginagawa mo doon? Hindi ka ba aware na pwede kang mamatay pag pumasok ka ng gubat na ‘yan?” Umiling lang ako sa tanong niyang iyon, wala akong kaalam alam sa lugar na ito. I feel so hopeless! ㅡ Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nang maramdam ang p*******t ng ulo. What happened? How did I lost consciousness? Tumingin ako sa paligid at doon nakita si Klein. “You’re so weak, paanong ikaw angㅡ” “Hindi ko naman ginustong nandito ako and for your information, hindi ko alam kung bakit ako ang napili nila.” Agad na dipensa ko nang bumangon ako at humawak sa kamay ko na nakabandage na. “Ms. Eira.” napalingon ako sa pintuan at marahan iyong binuksan. “I-ion. Bakit?” “Pinabibigay ni Mr. Sage, baka daw makatulong. May kasama ka ba sa loob?” Tumango lang ako at saka kinuha ang mapang inabot niya. Sobrang laki pala talaga ng lugar na ito. Nakasulat na rin dito ang mga hindi ko pwedeng puntahan. “Kasama ko yung isang guardian. Salamat dito.” ngumiti lang siya and as usual, nawala na lang siya bigla. Pagsara ko ng pinto ay agad akong pumasok ng banyo para magpalit ng damit. Hindi pa ako nakakapaghanap sa boy’s dorm, sure ako na may makikita ako doon. Imposible naman na walang kwartong tinutulugan ang ibang guardians. “Are you planning to do reckless things again by yourself?” Tanong ni Klein paglabas ko ng banyo. Nandito pa pala siya. “Anong gusto mo? Tumunganga lang ako? Paano mo nga pala nalaman kung saan yung kwarto ko?” “Tanga ka ba talaga? Mas matagal ako sa’yo rito and for your information nasa tapat lang ang kwarto ko. Tara, babalik tayo sa darkwoods.” pumunta siya sa balkonahe pero nanatili akong nakatayo sa kinatatayuan ko. No way! Siya na ang nagsabi na ikamamatay ko ang pagpasok sa gubat na iyon. At teka? Sinabihan niya ba ako ng tanga? “Ano pang tinatanga tanga mo diyan? You have me this time, hindi ka mapapahamak.” wow. So he’s acting like a guardian now and can he stop calling me stupid?! We’re not even that close para sabihan niya ako noon in a casual way. Mabilis kong tinago ang mapa sa bulsa ko at naglakad papunta kay Klein. Pinasan niya ako at saka tumalon ng walang alinlangan mula sa balkonahe. I swear. Ikamamatay ko ang mga ganitong stunts. Pagbaba namin, inilapag niya agad ako at tumakbo papunta sa darkwoods. Nakasunod lang ako sa likuran niya, sinubukan ko ring tanggalin ang kabang nararamdaman ko. “Cadㅡ” hindi ko naituloy ang pagsigaw dahil tinakpan ni Klein ang bibig ko. He’s too close, damnit. Hindi ba siya aware na inches na lang ang pagitan ng mga mukha namin? Is he doing this on purpose? “Don’t shout, maririnig ka ng mga lycan. Just scan the surroundings, pag may nakita ka sabihin mo sa’kin.” pabulong na sabi niya at tumango lang ako. I let out a big sigh, finally bumitaw na siya. Muli kaming nagpatuloy sa paglakad at gaya ng sabi niya, tumitingin tingin lang ako sa paligid. Napansin kong may tao sa hindi kalayuan, I am not quite sure myself pero pakiramdam ko talaga meron. Ito na naman ako sa stupid instincts ko. “Klein.” pabulong kong tawag nang hatakin ko ang damit niya. Huminto siya agad at sinundan kung saan nakaturo ang daliri ko. Slowly but surely, naglakad kami papunta doon. I thought it was Cade pero iba pala. Thimik niyang inaamoy ang hawak niyang bulaklak pero nang mapansin niya ang presence namin ni Klein ay agad niyang naibaling sa amin ang atensyon. “Princess? Ikaw na ba ‘yan?” Tanong niya nang lumapit siya at hawakan ang dalawa kong kamay. “Ah hindi, E-eira yung pangalan ko. Isa ka ba sa mga guarㅡ” “I knew it, Princess Eira. Ako nga pala si Brent Alviar, touch my body.” hinatak niya ang kamay ko at saka iyon inilagay sa dibdib niya. Eh? “I’m one of the guardians, nararamdaman mo ba?” Ngumiti ako ng pilit at saka tumango. Okay, medyo malayo siya kay Klein, I mean yung personality. “Princess Eira, take me with you. Nabobored na ako dito.” “Ah ano, Eira lang yung pangalan ko ah. W-walang princess, ano nga pa lang ginagawa mo dito sa gubat?” medyo naiilang ako sa kanya. “Isang linggo na ako rito, hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya naisip ko na dumito muna sa gubat. May mga makakain naman dito, nagkahiwalay kasi kami noong kaibigan ko nang mapunta kami sa academy na ‘to.” sabi niya at mukhang hindi na nakatiis si Klein kaya sumingit na siya sa usapan. “Anong special ability mo? What elemental power do you have?” Seryosong tanong niya. “I can end someone’s life by stabbing them using my chin, that’s my ability.” nagkaroon ng matinding katahimikan sa pagitan naming tatlo. May mas w-weird pa ba sa mga sinasabi niya? Kanina pa kami nag-uusap pero parang wala akong nagegets. “Stupid! Gusto mong payukuin kita?” Ubos pasensyang tanong ni Klein. Honestly, I didn’t expect that he can be such a bad mouthed sa itsura niyang ‘yan. And on the other hand, paano ko ihahandle ang kaweirduhan ni Brent? “Violet ang kulay na sinisimbolo ko. My ability? I can move at extraordinary physical speed just like my elemental power which is Lightning. Wanna try?” Tanong niya nang bigla niya kaming hawakan ni Klein. And in just blink of an eye, nakabalik na kami sa field. That was so fast! Para na kaming nagteleport. “Wow. Ang cool non!”sabi ko nang bumitaw na ako kay Brent. Nagthumbs up siya at mapatapos noon ay nagpunta kami sa kwarto ko para doon mag-usap. “Kilala mo ba yung ibang guardians?” “Hmm oo, si Clyde, yung kaibigan na nabanggit ko kanina. Sabay kaming hinigop ng portal pero nagkahiwalay kami nung atakihin kami ng lycan. Until now, hindi pa kami nagkikita.” Tumango lang ako at para bang bigla na lang sumikip ang dibdib ko. What’s this? I feel a burning sensation inside my body, as if i was beingㅡ “Princess Eira, anong nangyayari? May masakit ba sa’yo?” Hinawakan ni Brent ang magkabilang balikat ko. Gusto ko mang magsinungaling sa kanya ay hindi ko magawa. “Hindi ko maintindihan, parang bigla na lang nag-init yung buong katawan ko.” sagot ko at marahan naman niya akong inihiga sa kama at kinumutan. “Bantayan mo muna ‘yang pusa na ‘yan, may pupuntahan lang ako.” bilin ni Klein at mabilis siyang tumalon mula sa balkonahe. Tinignan ko naman si Brent, nakangiti lang siya sa akin. “Magpahinga ka muna, babantayan kita.” ngumiti ako sa sinabi niyang iyon at saka marahang pumikit. Yung pakiramdam na iyon. What was that? Never pa akong nakaramdam nang ganoon dati. Anong ibig sabihin noon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD