It’s been a week already since I came here and I’m getting used to it. Sinubukan naming hanapin ang ibang guardians pero nahihirapan kami, masyadong malaki ang campus.
“Princess Eira, gising ka na ba?” Agad kong binuksan ang pintuan nang marinig ang boses ni Brent, he kept on calling me Princess Eira kahit na sinabi ko nang walang princess sa pangalan ko.
“Bakit?” Tanong ko at late ko nang napansin na nasa hallway din si Klein kasama niya.
It seems that this floor is exclusive for me and the guardians only. Kaya pala iba-iba ang kulay ng mga pintuan dito sa floor na ito dahil dito rin pala ang magiging kwarto nila. Sobrang espesyal ng trato nila sa amin. I wonder why, malaki ba talaga ang maitutulong ko sa lugar na ito?
“Wala pa rin ba kayong balak pumasok sa klase?” Tanong ko dahil hindi sila nakasuot ng uniform.
“Kinausap ko na si Ms. Eve. Alam ko naman na may gusto siya sa’kin kaya pumayag siya sa pakiusap ko na hindi muna tayo umattend ng klase, hindi pa naman tayo kumpleto, eh.” nakangiting sabi ni Brent, confident na confident pa siya sa sinabi niyang may gusto sa kanya si Ms. Eve, this guy is really unbelievable.
Umiling na lang ako at pinapasok sila sa kwarto para mas makapag usap kami ng maayos.
“Saan tayo maghahanap ngayon?” Walang emosyon na tanong ni Klein. Nahihirapan kaming maghanap, hindi rin naman namin pwedeng abusuhin ang ability nila dahil nakakabawas din iyon sa energy nila.
“What if kung maghiwalay tayo sa paghahanap this time?” Suhestiyon ko.
“Stupid, paano kung mapunta ka na naman sa maling lugar?” Iritang tanong ni Klein. Bumuntong hininga lang ako at hindi na nakipagtalo pa sa kanya.
“Wag mo akong talikuran. Kinakausap pa kita.” he said out of nowhere, hindi ako natakot sa sinabi niya instead, nabuwisit ako kasi nakaharap ako sa kanya at never akong tumalikod pag nakikipag usap. Alam ko naman kung ano ang gusto niyang iparating, na walang pinagkaiba ang likod ko sa harap ko. Ugh, seriously. He really know how to pissed me off.
“Oo na sige na. Ako na flat, masaya ka na?”
“Wala akong sinabi.” he just crossed his arm at saka tumingin sa bintana ng parang wala lang. Tinitigan ko siya ng masama pero agad ding nawala dahil biglang sumulpot sa harap ko ang nakangiting mukha ni Brent.
“Okay lang ‘yan Princess Eira, bawi naman sa mukha eh.”
“Ay wow, salamat. Nakakataas ng self confidence ‘yang sinabi mo.” note the sarcasm.
“You’re welcome.” nginitian niya pa ulit ako at napahawak na lang ako sa noo ko.
“Maghiwalay tayo sa paghahanap, nakalagay naman dito sa mapa yung mga hindi ko pwedeng puntahan. Magkita na lang tayo sa may fountain after 30 minutes.” hindi ko na hinintay ang sagot nila at agad na tumakbo palabas.
Wrong move. Dapat pala ay nagpalit muna ako, nakalimutang kong naka-uniform pa rin ako... Now I’m getting everyone’s attention.
Tinago ko na lamang ang mukha ko at nakayukong tumakbo ngunut bigla na lang akong napaatras dahil sa pagtama ng ulo ko sa isang matigas na bagay.
“Oh, it’s nice to see you again miss. By the way, I forgot to introduce myseld last time. I’m Adam. You seemed to be special. What’s with the uniform?” .
Nanlaki na lang ang mata ko nang makita ang lalaking nagkontrol sa akin noon. Hinawakan niya ang baywang ko at saka hinatak palapit sa kanya. I tried not to panic at agad tinapakan ang paa niya with full force, nang maramdaman ko ang pagbitaw niya ay sinamantala ko na iyon para tumakbo palayo. I can’t let him to control my f*****g body again.
But damn! He’s chasing me. Ano bang kailangan niya sa akin?
“I’m wondering why someone like you would be here.” tila natigilan ako, yang mga paa ko. Hindi ko na ito magawang ihakbang pa.
“See? You can’t even protect yourself. Anong ginagawa mo sa lugar na ‘to? Wala kang kahit anong kakayahan. You don’t have a power to begin with.” nagpunta siya sa harapan ko at saka marahang hinawakan ang baba ko. Is he controlling me again?
“You’re too fragile and weak.” hinawakan niya ang pisngi ko. He lean closer as if he’s going to kiss me. Ugh! I can’t move. What the hell.
“Manyak!”
“Manyak!”
Isang matinis na boses ang nanggagaling sa itaas, dahil doon ay umatras ang lalaki at sabay kaming tumingala sa isang kulay green na ibon. Lumilipad lang ito sa may ulunan niya and what happened next? Hindi ko alam kung dapat ba akong tumawa. Naglabas ito ng puting liquid na nanggaling sa puwetan niya at saktong nahulog ‘yon sa mukha ni Adam.
“Manyak!”
“What the hell!” Sigaw ni Adam na halos mabura na ang mukha sa kakapunas niya roon. He lost his focus kaya naman nawala na ako sa pangcocontrol niya sa akin. I get that chance para makatakbo ulit pero mukhang kahit anong gawin ko ay hindi ko siya matatakasan.
This time marahas niyang hinila ang braso ko. He’s eyes become darker.
“Wag kang tumingin sa mata niya, once na tumitig ka sa kanya at dumikit ang labi niya sa kahit anong parte ng katawan mo, you can be his subject to his mental control.” Kusa na lang akong napapikit. Naramdaman kong may lumapit sa likuran ko at yung paglipad ng ibon malapit sa may ulunan ko.
“Good job, Sugar.” sabi ng lalaki sa likuran ko and in an instant nawala na ako sa kamay ng lalaking pilit kumokontrol sa akin.
“Gilagid, Gilagid!” sigaw ng ibon.
“Ipiprito kita Sugar! Wag mo ko ipahiya. Amo mo ko.” The guy cleared his throat at saka hinarap si Adam.
“You know that’s against the rules, right?” tanong niya ngunit dinuro lang kami nitong pareho.
“Hindi pa tayo tapos.” banta ni Adam pero hindi ko na hinayaan ang sarili ko na matakot sa kanya, instead hinarap ko ang lalaking tumulong sa akin.
Tinignan ko lang siya, I wasn’t able to talk. Gusto kong tanungin kung isa siya sa mga guardians pero hindi ko magawang magsalita. Medyo nakakaintimidate siya.
“What a pain in the ass.” bulong niya bago ako tinalikuran.
“Wait!” nilingon niya ako with his bored expression, kasabay noon ay ang pagdapo ng ibon sa balikat niya. “S-salamat.”
“Don’t need to thank me.” tinalikuran niya ulit ako pero natigilan siya nang may isang boses ang sumigaw mula sa likuran ko.
“Clyde!” boses iyon ni Brent, hindi ako pwedeng magkamali. Bago pa ako makalingon kung saan siya naroon ay nakatakbo na siya ng mabilis papunta sa mismong harap noong lalaking tinawag niya sa pangalang Clyde. Nagsimula silang mag-usap habang ako ay nakatayo lang dito at pinapanuod sila.
“Ineenjoy mo ba ang pagiging tanga?” napalingon ako dahil sa sinabi ng taong iyon. Sa pananalita pa lang ay alam ko ng kay Klein nanggaling ang boses na ‘yon.
“Nacontrol ka na ng Adam na ‘yon and yetㅡ”
“Pasensya ka na ah, ano bang malay ko? Wala akong kahit anong kapangyarihan para protektahan ang sarili ko.” inirapan ko siya at saka tumakbo papunta kila Brent.
“Hindi ka nag bibiro?” tanong ni Clyde kay Brent at nabigla na lang ako dahil dumapo sa akin iyong green na ibon and if I’m not mistaken, Sugar ang pangalan nya.
“See? Sugar likes her. Siya nga kasi yungㅡ”
“Okay okay..” hinarap ako ni Clyde at saka yumuko sa harapan ko na ikinabigla ko.
“Pasensya sa inasal ko kanina. Let me introduce myself properly. I’m Clyde Omarn, one of the seven guardians. My elemental power is Wood. It’s nice to meet you Princess Eira.” Napangiti ako kasi may nahanap na naman akong guardian pero ano nga iyong tinawag niya sa akin?
“Wag ka maniniwala kay Brent. Eira lang ang pangalan ko, walang princess.” nahihiyang sabi ko at saka lumingon kung saan ko iniwan si Klein. Wala na siya roon.
“Ihahatid ka na namin sa kwarto mo, pagtapos sasamahan ko ‘tong kaibigan ko para magkaroon na rin siya ng matinong kwarto.” Tumango lang ako sa sinabi ni Brent at mabilis kaming nakabalik sa kwarto ko. Hindi rin sila nagtagal at agad ding nagpunta kay Ms. Eve.
Nadidisappoint ako sa sarili ko. Marami pa ring tanong sa isip ko ang hindi nasasagot. Bakit ako ang napili nila? Ni hindi ko nga magawang protektahan ang sarili ko. Magiging burden lang ako sa mga guardians kung nagkataon. Like why someone like me would be here? I’m too fragile and weak. Lahat ng sinabi ni Adam ay totoo so bakit ako?
“Could you stop making that face?” agad akong napalingon sa may balkonahe. Nakakunot noo ko lang siyang tinignan. He seems to be in a mood. Well lagi siyang nakasimangot, but this time it’s different.
“Wag ka nga basta-basta sumusulpot at saka next time, try mong gumamit ng pintuan.” iniwas ko ang tingin sa kanya at saka kinuha ang cellphone ko. Hindi ko ito magamit dahil walang signal sa lugar na ito. Gusto kong tawagan si mama.
“Pinapatawag ka ni Mr. Sage, may bisita ka daw.” Iritang sabi ni Klein at hindi na ako nagtanong pa. Kumaripas na agad ako ng takbo papunta sa office ni Mr. Sage pero pag pasok ko tila natigilan ako. Am I seeing things? Tama ba ito o namamalik mata lang ako?
“Papa.” tawag ko at mabilis niya akong nilingon. Tumakbo ako papunta sa kanya at saka siya niyakap. Marami akong gusto itanong pero mukhang wala siyang masyadong oras.
“Hindi ako magtatagal anak, nandito ako para ibigay sa’yo ‘to. Wag na wag mo itong iwawala, marami ang magtatangkang kumuha niyan sa’yo pero pilitin mong wag ‘yan mapunta sa kamay ng ibang tao.” inabutan niya ako ng isang gintong pocket watch. May nakaukit sa labas nito at kung hindi ako nagkakamali ay crest iyon ng Artasia.
“Kailangan mo ‘yan para magawa ang misyon mo and here..” May isinuot pa siya sa leeg ko. An enchanting necklace with silver sword pendant and black gem on it.
“Wag mong tatanggalin ‘yan sa katawan mo.” tumango lang ako kahit hindi ko alam kung para saan ang mga ito at kung bakit kailangan ko silang pahalagahan.
“And one more thing, I know it’s hard and unfair pero pilitin mong wag mainlove sa isa mga guardians. Hindi ko pa maiexplain sa’yo ngayon but promise, pagbalik ko. Sasagutin ko lahat ng tanong mo...”
“..Sorry kung nangyayari ito, gustong gusto ka naming bigyan ng normal na buhay, gustong gusto ka namin ilayo sa lugar na ‘to pero hindi natin pwedeng takasan ang kapalaran mo.. Ipangako mo sa’kin na mag-iingat ka.”
“Teka paㅡ” hindi ko na siya nagawang pigilan pa dahil nawala na siya ng parang bula sa harapan ko. Napahigpit na lamang ako ng hawak sa necklace na ibinigay niya at saka pinagmasdan ang pocket watch na may crest ng Artasia.
Kung maraming tao ang gustong makuha ang bagay na ito. Bakit sa akin pa nila ipinagkatiwala? Sarili ko nga ay hindi ko magawang protektahan. Ang bagay pa na ito?
Ano bang meron sa akin?