Unti-unti nang nagkakaroon ng buhay ang palapag na ito. Rinig na rinig ko ang pagtawa ni Brent mula sa kwarto niya. Mukhang masayang masaya siya dahil nagkita na sila ng kaibigan niyang si Clyde.
Naubos na rin ang oras ko kakatingin sa mga binigay sa akin ni papa. Hindi ko namamalayan na madilim na pala sa labas, sa isang linggong pananatili ko rito isang beses pa lang akong nakapunta ng cafeteria. Lagi kasi nag-iinsist si Ion na dalhan na lang ako ng pagkain dito sa kwarto. Hindi talaga ako sanay sa ganitong special treatment.
Bumuntong hininga ako at saka itinago ang pocket watch, kinuha ko rin ang jacket ko at nang susuotin ko na iyon..
“Where are you going?” mabilis kong naibato ang jacket kay Klein pero nasalo niya iyon.
“What the hell?” ibato niya iyon sa akin pabalik.
“Sinabi ko ng sa pintuan ka pumasok eh.”
“Ano sa tingin mo yung pinasukan ko? Sa susunod kasi isara mo yung pinto ng balkonahe mo.” walang emosyong sagot niya. Hindi ko na siya pinansin pa at sinuot na yung jacket.
“Aayain kong kumain yung dalawa.” sabi ko bago tuluyang lumabas. Kakatok na sana ako sa kwarto ni Brent pero nabuksan na niya iyon.
“Tara na sa cafeteria, gutom na rin ako, eh.” nakangiting aya niya sa akin nang lumabas sila ng kwarto. Nakatingin lang ako sa kanya. Paano niya nalaman na aayain ko sila?
“Ang cool talaga ng hearing ability mo.” nakangiting sabi niya kay Clyde. So aside from his wood elemental power, may other ability din pala siya gaya ni Brent. Ano kaya yung kay Klein?
“Oo nga pala, Princess Eira. Sabi ni Ms. Eve, basahin mo raw yung book of history sa library bukas, baka daw makatulong ‘yon para magkaroon ka ng idea about sa lugar na ‘to.” tumango lang ako at nagsimula na rin kaming maglakad papunta sa cafeteria, malayo pa lang ay naririnig na namin ang ingay sa loob.
“Dito na tayo pumwesto.” sabi ni Clyde nang maupo siya sa lamesa na malapit lang sa may counter, for some reason nakikita ko sa kanya si Klein. Pareho silang cold.
Maya-maya lang ay nakaorder na rin kami ng pagkain, normal ang mga bilihin dito wala namang espesyal.
“Mauubos mo ba lahat ‘yan?” sabay na tanong sa akin ng dalawa nang makita ang laman ng tray ko. Two slice ng pizza, isang lasagna, salad at Ice tea.
“I’m actually a big eater, hindi lang halata.” nakangiting sabi ko at saka nilantakan ang mga pagkain.
You know that feeling you get when you’re being stared at? Nararamdaman ko iyon ngayon, I swear. Naiilang akong kumilos. Pakiramdam ko na sa akin lahat ng atensyon ng mga estudyante.
“Hindi ba natin siya aayain?” Lumingon ako kung saan nakatingin si Brent. It was Klein he was talking about, he’s eating alone ignoring our presence, halos dalawang lamesa lang ang layo niya sa amin.
“Mukha namang ayaw niya makisama sa atin.” sabi ko at saka nagpatuloy sa pagkain.
“Tss, lakas ng loob ng babaeng ‘yon na hindi ako ayain.” pareho kaming napalingon ni Brent dahil sa biglang pagsasalita ni Clyde. Panandaliang nagkaroon ng katahimikan sa pwestong inuupuan naming tatlo.
“What? Sinabi ko lang yung narinig kong sinabi niya.” Uh, he have a much better hearing range than we do nga pala. Hindi na ako nagsalita at nagpunta na lang sa pwesto ni Klein. Tiningala niya lang ako pero pagtapos noon ay ipinagpatuloy niya ang pagkain as if he didn’t notice me. Seriously? I was being nice here.
“Why don’t you join us? Malungkot kumain ng mag isa.”
“Sinong nagsabing malungkot ako? I’m fine by myself.” malamig na sabi niya. Ugh. What a pain.
“Tss, lakas ng loob ng babaeng ‘yon na hindi ako ayain, you’ve just said that. Haven’t you?” His eyes widened in shock pero agad ding bumalik sa usual blank face niya. Uh come on.
“I don’t know what you’re talking about.” napairap na lang ako. Bahala siya sa buhay niya, I was about to walk out pero nanlaki na lang ang mata ko ng makitang inilapag nila Clyde iyong tray nila sa lamesa ni Klein, ganun din ang tray ko.
“If you don’t want to join us, kami na lang ang lalapit.” Nakangiting sabi ni Brent, hinatak niya pa ako para maupo na rin.
“I don’t need you here, don’t draw attention to yourself.” He still being cold after mag effort ng dalawa? I can’t believe this guy.
“Can you stop being cold? We’re trying to make friends with you.” I clenched my fist in annoyance. He doesn’t have to be that rude, mahirap para sa akin ang makipagkaibigan but still pinipilit ko pa rin.
“Dinala ka ba nila sa lugar na ‘to para makipagkaibigan?” He throw a glare at me and at that point narealize ko kung gaano kaarogante ang lalaking kausap ko. He’s not even worth it to have friends.
“Fine.” tumayo ako at saka nilabanan ang masamang tingin niya sa akin. There were so many mean things I wanted to say but I couldn’t. Walang kahit anong lumabas sa bibig ko and just like that, umalis ako ng cafeteria. Sinubukan pa akong pigilan ni Brent pero wala rin siyang nagawa.
I’m just making myself to look stupid in front of that guy, ano pa ba yung hindi ko maintindihan? He hates me, so please Eira. Stop being an idiot.
ㅡ
Maaga pa lang ay nag aasikaso na ako, kailangan ko pang pumunta sa library. Sure ako na may libro doon kung saan mas maiintindihan ko pa ang mga bagay-bagay tungkol sa lugar na ito. Nabanggit din ni Brent na basahin ko raw yung book of History, so I decided na magsuot pa rin ng uniform kahit hindi ako papasok sa klase, hindi naman siguro tama kung papasok ako sa school library ng nakasibilyan lang, in the first place estudyante pa rin naman ako.
This time sinigurado kong isinara ko ang pinto sa may balkonahe. I really don’t want to see his face. That cold hearted monkey, nakakapang init siya ng dugo. Maisip o marinig ko lang ang pangalan niya ay parang gusto ko ng magtantrums sa bwisit.
Kinuha ko ang mapa sa drawer at sinigurado ko rin na dala ko ang pocket watch na binigay ni papa, pareho ko iyong itinago sa bulsa at saka lumabas.... but it seems that today is not my lucky day.
Halos sabay kaming lumabas ni Klein and not to mention na magkatapat kami ng kwarto. I tried my best to act like I didn’t saw him at nagpatuloy sa paglakad but it’s really annoying dahil sinusundan niya ako. Gumamit lang ako ng hagdan at ganun din siya. He always like to do deadly stunts so bakit siya gumagamit ng hagdan? Is he trying to piss me off?
“I’ll go with you.” bored na sabi niya pero hindi ko siya nilingon, wala akong naririnig. “Don’t be so childish, I don’t like to make friends with you and I never did, kaya lang ako nakikipagusap sa’yo dahil isa ako sa mga guardians. Don’t get the wrong idea.”
As if naman may pakialam ako and in the first place, bakit ba siya nag eexplain? Wala akong balak ipagpilitan ang sarili ko sa kanya.
“Naiintindihan mo ba? Kaya pwede ba? Don’t act like you forgot why you’re here.”
“Hey! Listen to what people are saying!”
“Ah may nagsasalita ba? Kala ko may tumutulang unggoy sa likuran ko, eh.” I didn’t bother to turn my head, I’m trying to be sarcastic here but it seems na anytime ay magbabackfire iyon sa akin.
“Iniinis mo ba ako?” nanlaki na lang ang mata ko nang bigla siyang sumulpot sa harapan ko. Mapilayan sana ‘yang paa niya para hindi na siya makatalon ng ganoon kataas.
“So you’re going to ignore me now?” tanong niya habang nakikipagtitigan sa akin. Akala niya ba siya lang ang may kayang magbigay ng cold expression? Tch.
“Ikaw na nagsabi na kaya ka lang nakikipag usap sa’kin dahil guardian ka. So from now on, mag usap lang tayo kung may kinalaman ‘yon sa pagiging guardian mo. Don’t talk to me so familiarly and for your information, ayoko rin makipagkaibigan sa tulad mong napaka-arogante.”
Now I’ve done it, yung gustong sabihin last night. I really don’t want to say that but he left me no choice.
Hindi niya ba alam na maraming tao ang gustong magkaroon ng kaibigan? Pero siya, siya na mismo ang nilalapitan but still nagagawa niya pa rin magsabi ng masasakit na salita... na parang pinandidirihan niya kami. Kung sa akin okay lang eh, but to say those things in front of other guardians? That’s bullshit.
Kung ano man ang rason, he must say it in a nice way, he doesn’t need to say rude things para lang layuan siya ng tao.
“Do you even know what kind of face you’re making right now?” umabante siya kaya napaatras ako. He kept on stepping forward hanggang sa tumama na ang likuran ko sa pader. Is he trying to intimidate me? “You look so frightened, natatakot ka ba pagkaharap ako?”
His eyes become darker again just like before. Yung tingin niyang nakakalunod.
“Medyo makapal din yang ilong mo, eh no? Bakit naman ako matatakot sa’yo? Tabi! You’re wasting my time.” Itinulak ko siya at saka nagmadaling bumaba hanggang sa makalabas ako ng main building. Nakalagay dito sa mapa na nasa katabing building lang ang library kaya kailangan ko ng pumunta doon kung hindi, lalo lang masisira ang araw ko.
Nanghihina ang tuhod ko but somehow, I still managed to drag myself to the library. Dito sa building na ito ay normal lang lahat. Almost parang nasa pangkaraniwang school lang. Maraming estudyante sa hallway, walang platform na parang elevator, tanging hagdan lang dahil tatlo lang naman ang palapag dito. Malayong malayo ito sa itsura ng Main building na halos magmukha ng palasyo.
Nasa last floor ang library kaya hindi ako masyadong nahirapang hanapin. Pumasok ako doon at nakitang may ilang estudyante ang may kanya kanyang mundo, napatagil pa sila sa mga ginagawa nila at sumulyap sa akin.
“Don’t wander off by yourself.” nilingon ko lang si Klein. Bakit niya ba ako sinusundan?
“May kinalaman ba ‘to sa pagiging guardian mo? Wala naman ‘di ba? Stop following me.” nagpatuloy ako sa paglakad pero agad din akong napahinto ng magsalita ulit siya.
“It’s my duty to protect you whatever the situation is, kaya sa ayaw o gusto mo. Susundan kita.”