Everything he says is just to throw me off guard so I turn away from him, trying to pretend that he’s not here. Ang hirap-hirap basahin ng ugali niya, hindi ko malaman kung galit ba siya sa akin o concern.
“Good morning, saan ko makikita yung book of History?” tanong ko sa librarian na halos ka-edad ko lang. Ngumiti ito at tumuro sa bandang itaas.
“Section 30, nasa second floor.”
“Salamat.” Agad akong tumingala sa may second floor, malaki laki rin ang library, bawat book shelf ay may naka-indicate na section. Umakyat ako roon at hinanap ang section 30 na sinasabi ng babae. Nang mahanap ko na iyon ay agad kong inisa-isa ang mga title ng libro. Masyadong marami ang libro sa library na ito ngunit kahit ganoon ay napaka-organize nito kaya hindi ako nahirapang hanapin ang librong hinahanap.
“I can get it for you.” Napalingon ako sa lalaking nagsalita. He got this orange hair color. Uh! Could it be, another guardian? Tumuro siya may bandang itaas ng book shelf at nakitang iyong book of history ang tinutukoy niya.
“Abot mo ba?” Tanong ko dahil halos magkasing laki lang kami. Although medyo lamang siya ng ilang inches. Nginisian niya ako at saka mas lumapit pa, halos nakasandal na ako sa bookshelf habang nakasandal ang kamay niya sa mga librong nasa likuran ko.
“Mukha lang akong maliit pero mahaba ‘to.” Pilyong sabi niya. The hell? That sounds so wrong and weird and p*****t.
“W-what are you talking about?”
“You know what I’m talking about.” Ngumisi siya at mas lumapit pa sa akin. I can’t move because of the situation, he almost kiss me pero may librong humarang sa pagitan namin. I sigh in relief. That was close!
“Pervert.” Walang emosyon na sabi ni Klein. Tinanggal niya ang libro sa pagitan namin noong lalaki at saka iyon inabot sa akin.
“Basahin mo na ‘yang book of history na ‘yan.” Utos niya sa akin pero nakatingin pa rin ako doon sa lalake. He sure is a p*****t pero malakas ang pakiramdam ko naㅡ
“Hindi ko akalain na may manyak pala sa mga guardians.” Diretsong sabi ni Klein. Wala siyang kaemo-emosyon nang sabihin nIya iyon. He always wear that expression when he’s talking to people. Robot ba siya o ano?
“That’s our nature you know?”
“Our? Wag mo ko itulad sa’yo.” Okay, kamusta naman? Kung mag-usap sila ay parang wala ako rito. Parang hindi na nila ako nakikita.
“Anong pangalan mo?” Pagsingit ko bago pa sila magkainitan at kung saan pa mapanta ang pointless nilang pagtatalo.
“Zen Cordale, do you happenend to be Eira?” Tumango ako sa tanong niyang iyon.
“Kilala mo ako?”
“Oo, nabanggit ka sa akin ni Cade.” Nanlaki ang mata ko sa sinagot niyang iyon. Does that mean na kaibigan siya ni Cade at siya iyong humahabol sa kanya noon that time?
“I’m actually looking for you, nagkaroon kami ng konting pagtatalo dahil pinipilit niya akong magpakita sa’yo and to be honest wala akong pakialam sa pagiging guardian. Ilang araw na siyang nawawala kaya na pagdesisyunan ko ng magpakita sa’yo dahil baka matulungan mo ko sa paghahanap sa kanya..”
“..Hindi ko naman alam na dito pa tayo magkikita at hindi ko inaasahan na ikaw yungㅡ”
“Mawalang galang na..” Pagsingit ni Klein bago nito tignan si Zen na tila sinusuri ang buong pagkatao nito. “What’s your ability?”
“Clairvoyance, I can see visions of events, people and places that are far away. My elemental power is Earth.” Simpleng sagot ni Zen. Kaya pala nakita niya agad iyong librong hinahanap ko. I envy them so much, kahit anong ability wala ako.
“Yung about kay Cadeㅡ”
“Now isn’t the time to be talking about that. Basahin mo na ‘yang libro.” Pagputol ni Klein sa gusto kong itanong. Seriously, sinisira niya talaga ang araw ko, hindi ba akong pwedeng makipag-usap sa guardian na bagong kilala ko?
“Ikaw? Anong pangalan mo?” Tanong ni Zen.
“Klein Herron, his ability is to ruin someone’s mood and to cut people off while they’re talking.” Ako na ang sumagot kahit hindi naman ako ang tinatanong niya. Napairap na lamang ako at saka bumaba para mabasa na itong libro.
Hindi ko naman inaasahan na pupunta rito sila Brent at Clyde. I wasn’t able to focus because of them. Dito pa talaga sila sa harap ko nagpakilala sa isa’t isa at nagkwentuhan.
Hindi ko na lang pinansin at nag umpisa na sa pagbabasa. Unang bumungad sa akin ay ang isang ancient map ng Artasia. It was surrounded by sea, so ibig sabihin nasa isang isla itong lugar na ‘to? Well obvious naman dahil nga iyon yung nakalagay sa mapa. How stupid.
“Ang Artasia ay binubuo ng limang bayan: Ang Aeradale, Labyrinth, Valdell, Astrakane at Ashblood..”
“..Bawat bayan na ito ay pinamumunuan ng limang malalakas na Artasians na hindi kalaunan ay tinawag na heneral dahil sa kakayanan nitong mapasunod ang bawat nasasakupanㅡ”
“Bakit mo binabasa ‘yan? Gusto mo kwento ko na lang? Dito kami nags-stay ni Cade sa library kaya maramirami na rin kaming nabasa na libro.” Kinuha ni Zen ang libro sa harapan ko at saka niya iyon sinara.
“Ipinangalan ang lugar na ito kay Princess Artasia, sabi nila isa daw siyang fallen angel, she have the ability to physically appear to people and she uses that ability para makapamuhay ng normal.. pero hindi iyon nagwork, nilalayuan siya ng mga tao dahil wala siyang tirahan at kaalam-alam sa mundong ginagalawan niya..”
“..Nang marealize niya na hindi siya tanggap ng mga tao, she find a new place to stay after she leave that cruel world. Nanirahan siyang mag-isa, she became alone. But one day a demon appeared in the shape of animal, she have struck a bargain to cheat her happiness and made a deal to that demon..”
“..Binigyan siya ng kapangyarihan at dahil doon ay bumuo siya ng lugar kung saan magiging masaya siya, lugar kung saan magiging malaya siya, lugar kung saan hindi rin normal ang mga tao gaya niya at lugar kung saan tanggap siya ng mga nasa paligid niya. Una niyang ginawa ay ang seven guardians na ituturing siyang prinsesa, mamahalin at poprotektahan siya..”
“..Pero isang araw, nalaman niya ang kapalit ng kapangyarihan na iyon. A demon of destruction actually dwell inside her body and at that time she became frustrated, nagkulong siya sa kwarto ng ilang araw hanggang sa ayun na nga, the Demon has awakened..”
“..That was the time kung saan muntik niya ng masira ang mundong ginawa niya, ganoon kalakas ang kapangyarihan niya at mahirap itong kontrolin, pero sa tulong ng mga guardians. Naiwasan ang tuluyang pagkasira ng buong isla..”
“..Ayun, sabi nila theory lang ‘yon, wala naman talagang nakakaalam kung paano nagsimula at kung paano nabuo ang Artasia kaya useless din kung babasahin mo ‘yan.” kwento niya at napatango lang ako. Parang ang tragic if ever totoo man iyong mga sinabi niya.
“Hindi rin ako naniniwala sa kwentong ‘yan. Normal naman kasi yung kapangyarihan noong dating prinsesa ng Artasia, eh. ‘Di ba Princess Eira?” Tanong sa akin ni Brent.
“H-ha? Malay ko.” Nagkibit balikat lamang ako at maya-maya ay nilapitan na kami noong unggoy, maninira na naman siya ng mood.
“Tama na ‘yang kwentuhan, tara na. Kailangan pa natin maghanap.” Sabi niya at saka naglakad palabas.
“What made him so cold?” Tanong ni Zen nang tumayo na kami at ibalik ang libro kung saan iyon kinuha kanina.
“He lost his family at an early age kaya siguro naging ganyan siya. Sanayin niyo na lang sarili niyo.” sabi ko at saka kami lumabas ng library. “Isasama ko na lang sa akin si Zen, sa darkwoods kami maghahanapㅡ”
“Hindi. Lahat tayo maghahanap.” maawtoridad na sabi ni Klein at saka siya naglakad papunta sa darkwoods, nagkibit balikat na lang ulit ako at saka sumunod sa kanya. Ganoon din yung tatlo.
“Eira my lady.” tawag ni Zen kaya naman nilingon ko siya. Another weird name to call me. “What’s your special ability?”
“Actually wala, eh.” Medyo nahihiya ko pang sagot.
“Ha? Imposible naman ‘yon, hindi mo ba namana yung kapangyarihan at ability ng dating Prinsesa ng Artasia?” Kumunot ang noo ko, saan ba pupunta ang usapan na ito?
“What do you mean?” Tanong ko pero nilapitan kami ni Klein. Magkasalubong na naman ang mga kilay niya.
“Ano? Mag k-kwentuhan na lang ba tayo rito?”
“Bro, may regla ka ba?” Natatawang tanong ni Zen kaya kahit ayokong tumawa ay natawa pa rin ako. Ganoon din sila Brent at Clyde na nasa likuran lang namin.
“Shut up! Gusto mo bang mahanap yung kaibigan mo?”
“Tama na yan, tara maghanap na tayo.” Aya ko at nagpatuloy kami sa paglakad hanggang sa makarating na kami sa loob ng darkwoods.
“Mag-ingat kayo, may parte dito sa gubat na bigla-bigla na lang kumakapal yung hamog, mahihirapan tayong makalabas pag napunta tayo doon.” Paalala ni Brent.
“Kabisado mo na ba yung buong gubat na ‘to?” Tanong ko.
“Hindi gaano, malawak itong darkwoods na ‘to pero wag ka magalala, teritoryo naman ni Clyde yung gubat, remember? Wood yung elemental power niya.” Tumango lang ako at ngumiti. Bigla namang tumalon si Klein sa sanga para mas makita niya ang paligid.
“May nakikita ka?” tanong ni Zen.
“Wala. Clyde, paliparin mo ‘yang ibon mo. Mas makikita niya ng malawak ‘tong gubat.” Utos ni Klein at maya- maya pa ay lumipad na rin si Sugar habang kami ay nagpatuloy sa paghahanap.
“Hide! Bloodlust aura are approaching this way.” Ani Klein at mabilis akong nahatak ni Brent patalon sa mataas na sanga ng puno. Nagtago lang kami at nakitang may babaeng dumating, nakasuot ito ng puting dress at mahaba ang kanyang buhok. Mukhang hindi siya ordinaryong tao kaya kinilabutan ako.
“Sino yan?” Bulong ko, medyo nanginginig pa ang boses ko sa takot.
“Baobhan. Fairy na umiinom ng dugo, puntirya niya ang mga young travelers. Madilim dito sa gubat kaya nakakapaggala siya ng ganyan.” Paliwanag ni Clyde dahil kasama rin namin siya rito. Habang si Klein at Zen ay magkasama sa kabilang puno. We look down and watched baobhan in silence, mukhang naghahanap siya ng mabibiktima.
Nang tuluyan siyang mawala ay agad kaming bumaba at nagpatuloy sa paghahanap. Sinundan ko lang silang apat, sinigurado kong hindi sila mawawala sa paningin ko but suddenly, the mist became thicker and thicker. The surroundings was barely visible and soon disappeared. Crap!
Nawala na sila ng tuluyan sa paningin ko. Hindi ko magawang sumigaw dahil baka maagaw ko ang atensyon ng lycan at nung baobhan. Anong gagawin ko?
“Shh...” Someone grabbed me from behind. His right hand covered my mouth and I wasn’t able to let go on his grip. Crap! Wala akong laban, unti-unti na rin kaming lumalayo sa lugar na iyon.
Klein!