It’s been 3 days since we became like this, kulitan, tawanan at asaran. Nae-enjoy ko na rin ang pag-stay rito sa Artasia to the point na hindi ko na naiisip kung anong klase ng buhay itong pinapasukan ko ngayon. Ang iniisip ko lang ngayon ay paano ko mapapalabas ang kapangyarihan na mayroon ako. “Open sesame.” Narinig ko na ang boses ni Cade at bago pa sila magtalo ni Brent kung anong magic word ang makakapagpabukas sa pintuan ko ay pinagbuksan ko na sila. ˝Goodmorning, Princess. Pasok na tayo.” Nakangiting aya ni Brent. Tumango naman ako atsaka lumabas dahil saktong naka-ready na rin ako. Late ko naman nang napansin na hindi nila kasama si Klein, napatingin tuloy ako sa bracelet na ibinigay niya sa akin. “Ren, bakit mukang babae si Ethan? Nakita ko rin na puro pink ang gamit niya.

