Without You

3694 Words
Sa isang area ng hotel malapit sa garden nakapuwesto ang magkaibigang Lyra at Maricar. With a breakfast spread for them, hindi mapakali si Maricar na patingin tingin na animo'y may inaantay. "Car, tingin ko tulog pa si Migs." pansin nito sa kaibigan. "Sabi nya kasi kagabi gigisingin nya ako para mag-almusal." sagot nito na kinuha ang tasa ng kape at humigop dito. "Oh, I don't think maaga syang magigising. After I left your room to get my phone, I joined our batchmates sa hotel bar for the after party. Hindi na kita niyaya knowing you're so tired and it's not your crowd." Kumugat pa ito sa bagel na may cream cheese. "And then later on I saw Migs passed by kasama si Cassie towards the lobby. Hindi ko alam saan sila pumunta." Sudden stab of pain hit Maricar in her chest upon hearing Cassie's name. Napansin ni Lyka ang pagbabago ng mood ng kaibigan. "I get you, I'm more than annoyed than jealous of Cassie. Hindi kasi natural yun paraan nya para makipag-close sa atin. Ano ba naisipan ni Migs, besides we're leaving ano sila mag long distance relationship when we're in LA?" Nabigla sa sudden realization si Maricar na ang kasintahan ni Miguel ay si Cassie. "Pero ano ang ibig sabihin ng nangyari sa kanilang dalawa?" tanong nito sa sarili. "There goes your answer." Iniharap pa nito ang screen ng cellphone sa kaibigan. Nasa live stories ng social media account ni Cassie na nasa kotse ito. Bagaman hindi kita ang binata sa screen, alam ni Maricar na ito ay ang kotse ni Miguel. Sumunod dito ang isang eksena fifteen minutes after na tila nasa isang restaurant ang dalawa at kumain ng almusal. She scrolled back sa naunang mga stories nito. Masipag itong mag post sa social media at ang mga eksena ng nakaraang gabi ay tila nasa overlooking na lugar ito, with blaring sounds and other voices celebrating. Nahagip sa isang video si Miguel. A voice from the background na syang nagre record ng video gamit ang phone ni Cassie. "Bro, tulungan mo naman ako kay Lyra" sa pamilyar sa kanila ang boses nito, si Vic. Isa pang boses na hindi kita sa camera ang nagsabi, "Cassie, introduce me to Maricar. I saw her photos from the party last night. I never thought she could look that hot." Sumagot si Cassie sa nagsalita, "But Migs here is like his brother diba Migs? Paalam ka muna sa kuya. But I'm like here big sister now, so yes, I'll help you." Napatingin si Miguel sa direction ng camera at naputol na dito. Dito na binitiwan ni Maricar ang cellphone ng kaibigan. "What the hell, right?" Ang lakas ng tawa ni Lyra sa napanood. "Big sister? Hello!" Tahimik pa rin si Maricar. Naglalaro ang emosyon sa loob nito. Thinking ano ang ibig sabihin ng naganap sa kanila ni Miguel. He asked if he regretted what happened. Ang sagot nya dito ay hindi. Ngunit ngayon, she's starting to regret it. "Are you okay, Car?" tanong ni Lyra. "Huwag mong isipin yun guy na irereto sayo ni Cassie." Maricar looked at Lyra, almost in tears. "I don't care about that guy nor Cassie." "E bakit ganyan ka, don't mind them." pag-aalo pa nito sa kaigan. Naglalabang ang emosyon sa mukha ni Maricar kung sasabihin ito sa kaibigan. She sighed and said, "I've been in love with Joaquin since I don't know when. Last night he kissed me. We more than kissed actually." "What?! Teka tama ba narinig ko?" Napatayo na si Lyra sa narinig na rebelasyon. "Something happened between you and Migs?" pabulong ngunit madiin nitong tanong. Mahirap na baka may makarinig sa kanila. The meaning in Lyra's question registered in Maricar's mind. "Hindi naman umabot sa ganun. Paano ko ba explain... we made out. Oh my, I never thought I'll here myself say these." "Where is Miguel right now? Lagot sa akin yan kakambal ko na yan. How can he do that while girlfriend nya si Cassie and..." biglang inihinto nito ang kasunod na sasabihin. Too late. Sa narinig ni Maricar, natauhan din ito sa sinabi ng kaibigan. "I need to prepare and go home, Lyra. We have so much to do before leaving for LA." Sa isipin na makakasama niya rin si Miguel doon ang lalong nagpagulo ng isip ni Maricar. MIGUEL VERA RESIDENCE "Mom, where's Lyra? She's not answering my messages and calls." Tanong ni Miguel sa ina nang makarating ito sa kanilang bahay. "She's been here a while. Sabay silang umalis ng hotel ni Maricar." He's been dreading the thought na galit sa kaniya si Maricar. Ang huling tinuran nya ay gigisingin ito para mag-almusal. It was hard for him to leave her last night. Pinili nyang iwan ito at iproseso ang mga pangyayari. Pabalik sa kaniyang suite, Vic called him for an after-party ng swimming team. They're on their way to Antipolo in one of their team mate's house. Karamihan sa kanila ay aalis pauwi sa iba-ibang bansa para sa kanilang bakasyon bago magtungo sa mga papasukang kolehiyo. Ang grupo nina Cassie ay kasama rin sa inimbitahan at ang ilan dito ay nasa Hotel Vera upang isabay nya. Sinalubong siya ni Cassie habang ang dalawa pa nitong mga kaibigan ay nasa lobby ng hotel naghihintay. Pataas na ang araw nang makaalis sila at inaya siyang mag breakfast ng mga kasamang babae. He wanted to call Maricar and Lyra to let them know his whereabouts but his cellphone battery died hours ago. His wire charger in the car was not working. Habang daan ay bumili sa convenience store ng bagong wire charger. Nasa restaurant sila ng mga kasamahan nang magpadala siya ng message sa kambal at kay Maricar. Tinatawagan din nya ito pero ring lang at walang sagot. Matapos maghiwa-hiwalay ng mga kasama, bumalik sya sa hotel ngunit wala na rito ang kapatid, kasabay itong umalis sa entourage ni Maricar. "Ligo lang ako Mom and lipat ako sa kabilang bahay." Him referring to the Cruz residence. "Okay hurry up. If I'm not mistaken papunta at sa Isla Mirari si Maricar to visit her grandparents before you all leave for LA." Dinalawang hakbang ni Miguel ang hagdan paakyat sa kwarto nito upang magmadali. CRUZ RESIDENCE "Sir, wala po si Mam Mricar. Umalis sila kasama si yaya Medy and Lito. Naiwan ako dito para relyebo sa bodyguard ni Sir Gray." Si Mario, ang isa pang bodyguard ni Maricar. "Kanina ko pa sya tinatawagan, hindi ako maka contact." "Eh sir, baka po kasi naka off ang phone ni mam sa chopper" sagot nito. Hindi na tumuloy pumasok si Miguel and walked heading back home. INSULA MIRARI Ang isla na tinatawag nilang Insula Mirari ay pagmamay-ari ng mga lolo at lola ni Maricar na sina Hans at Nancy Uy Kho, ang mga magulang ng kanyang nanay. Matapos magretiro nang pamahalaan nina Iggy at Miracle ang kanilang mga negosyo, dito na namalagi ang kanyang lolo at lola. Malayo ang tanaw ng anak na nakatayo sa balkonahe ng napakalaking mansion sa mataas na bahagi ng isla. Sa Oras na ito tanaw ang mga nagliliwanag na mga bituin. NIlapitan ni Miracle ang anak. "Maricar, anak, you should get back and rest. Maaga ang alis natin bukas pabalik sa bahay. We need to prepare for your LA flight soon." tawag nito. Nang hindi lumingon si Maricar, nilapitan nya ito, "What's the matter, anak?" Anyo ng kalungkutan ang nasilayan nito sa anak. "Nanay, I don't think I can go to LA..." sambit nito. "Bakit? Matagal nyo nang plano ang pag-aaral doon ng magkakasama. Anong problema? Okay sa akin syempre na dito ka na lang din mag-aral." "I want to be out there and explore the world on my own. Lumaki ako na lagi kong kasama sina Lyra and Joaquin. I depend on them on almost anything. I'm afraid maski sa LA ganun pa rin ang mangyayari. The last weeks of highschool, they've been busy with a lot of things and I'm left to myself. I felt lonely and afraid that they'll live their lives and leave me..." tumingin ito sa ina, "but I get to know Brent and some of his friends too... and it felt good. "I'm happy nakapag-explore ka rin ng ibang mhga kaibigan, para sa paglago mo bilang ikaw, ang mga tao at pangyayari sa buhay natin ang humuhubog sa atin." Dugtong pa nito, "Is it all there is to it? Maaari mo naman gawin sa LA ang bagay na iyan, ang palawigin ang social circle mo." Matiim na tiningnan ng ina si Maricar. "I guess it's time to tell someone... wala akong ibang masasabihan nito and I need you to support me. I can't even tell Lyra about it." isang buntong hininga ang pinawalan nito. "Nay, I've been feeling something more for Joaquin. I can't explain it. It's more than brotherly. And it hurts me to be with him knowing it's not reciprocated. Ang tingin nya sa akin ay pareho kay Lyra, isang kapatid. Growing up together, lahat ng magaganda nyang katangian ang nagiging batayan ko ng isang mabuting lalaki. I'm confused baka dahil lagi syang andyan kaya ganito ang nararamdaman ko..." naluluha nitong tinuran. Dugtong ni Maricar, "Kung magkakasama kami sa LA, hindi ko alam ang gagawin ko. Ipinakilala nya sa amin si Cassie at nakakasama namin sya pero no one knows gaano ito kasakit para sa akin." "Oh my dear... come here." Niyakap ni Miracle ang anak. "Besides, paano ko ipapaliwanag sa tatay nang hindi ko sasabihin sa kaniya ang nararamdaman ko. I don't want to tell a lie to him. I still want to pursue studying abroad but not in LA, nanay." "You got accepted in other schools too, bakit hindi mo subukan? Kakausapin ko ang tatay mo." tanong ni Miracle sa anak. "Talaga nanay? You'll support me?" Namimilog ang mga mata ni Maricar sa pagka-bigla. "Oo anak. As much as I love Migs and Lyra like our own children too, I have your best interest. Kung ano ang pasya mo, I will support you. Hindi ako makikialam kung saan patungo ang istorya ninyo ni Migs, only time can tell if you're destined for each other. But as your mother, if it pains you to be with him then I don't want to see you hurting." CRUZ RESIDENCE "Yaya Medy, ulitin ko lang po kung tama ang sinabi nyo na umalis na si Care at hindi nyo puede sabihin sa akin kung saan?" Dahan dahan na ulit ni Miguel. "Eh hijo, hindi ko rin alam talaga saan mismo ang punta nya. Akala ko nga magkakasabay kayo nina Lyra aalis diba?" sagot nito. Lumakad si Miguel patungo sa gitna ng kwarto ni Maricar at umupo sa pinakamalapit na upuan sa study desk nito. Napapikit si Miguel na sapo ang ulo at naisabunot ang mga kamay sa sariling buhok. He opened his eyes and looked around the room. Kinuha ang cellphone at tinawagan ang kakambal. "Lyra, do you know na umalis si Care?" "Yeah diba umalis sila ni ninang for Insula Mirari after her birthday party?" sagot nito. "Umalis sya out of the country. Hindi mo rin alam?" May diin na sinabi ni Miguel. "Hindi ko alam. I was busy the past few days and every time I call her, she's not answering nor replying my messages. " maririnig ang pag-aalala sa tono ni Lyra. "Why would she do this? Ghosting us?" tanong ni Miguel. Mabilis ang naging pag sagot ni Lyra, "You're asking me? I was with her that morning after the party. Inaantay ka niya para mag-almusal pero ang kasama mo mag-almusal ay ang girlfriend mong si Cassie. And that is after you kissed her. What the hell Migs?" Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Miguel at di nakasagot. Dinugtungan pa ito ni Lyra. "Let me correct myself you 'more than kissed' ano yun Migs? It's awkward enough for me to know you kissed kaya I did not push for details. Ngayon, ikaw magtatanong sa akin, may malalim bang dahilan si Maricar?" "Lyra, hindi nya ako binigyan ng tsansa para makapagpaliwanag. Walang sagot sa text at tawag. Ilan beses ko sya pinuntahan pero iniwasan nya ako." May hinampo sa boses ni Miguel. "Hindi lang ikaw Migs, hindi lang ikaw." malungkot na dugtong ni Lyra. Matapos ang pag-uusap ng kambal ay nanatili lamang si Miguel sa silid ni Maricar. Sa pag-ikot ng kaniyang paningin, nakita nya ang mga gamit nito. Ang regalo nya dito sa nakaraang birthday nito na bear at ang name star certificate. Dinampot ni Miguel ang isa pang bagay. Nanikip ang dibdib ni Miguel sa nararamdamang sama ng loob. Ang iPod na ibinigay nya dito ilan taon na ang nakakaraan. Mula noon ay palagi itong dala ng dalaga. Ngunit sa pag-alis nito na hindi niya alam kung saan, tila ay iniwan nito ang mga ala-ala na kanilang pinagsamahan sa matagal na panahon. Hindi napigilan ni Miguel ang pagpatak ng kaniyang mga luha. It tore his heart to lose Maricar not just as a friend but as someone who owns his heart. Locked it. At umalis na dala ang susi. FIVE YEARS LATER MIGUEL Isang link ang ipinadala ni Lyra kay Miguel kung saan makikita sa video ang masayang eksena. Ang anggulo ay kuha mula sa cellphone na hawak ng isang tao. Kita rito ang isang babae na maiksi ang buhok. Nakatalikod ito ng bahagya sa kumukuha ng video. Wearing a light tank top and is laughing heartily. Makikita na tila may kausap ito na hindi kita sa camera. Maya-maya pa ay lumakad patungo rito ang isang lalaki. Yumukod ito at tila nag iwan ng halik sa babae. Maririnig ang boses ng isa pang lalaki, ang kumukuha ng video,ang pagkanta nito ng birthday song. May kinuha ang babae sa lamesa at nang itaas ito ay may kandila na hinipan ng katabi nito. The woman turned. Her face now captured by the camera. Maricar looking all too happy while holding an eggpie with a candle. Ang lalaking katabi nito, squeezed her in a tight hug and a quick kiss on a cheek na ikinatawa ni Maricar. Birthday ni Maricar nang nakaraang linggo. Ang video ay nakita ni Lyra kung saan naka tag ang isang social media account nit Maricar. Sa loob ng limang taon, daig pa nya ang stalker na parating sumisilip sa social media accounts nito. Walang selfie or kung anuman na makikita nya ang babae. Puro gamit or lugar ang mga kuha nito. Close up ng niluluto nito, halaman, o mga tanawin. Sinubokan ni Miguel na minsang magpadala ng messages dito. Kumbaga na sees-zoned ang kaniyang mga mensahe. Nabasa nito ang mga iyon ngunit hindi sinagot. Hindi lang iisang beses na pinanood ni Miguel ang video. Paulit-ulit nyang pinapood, titingnan ang bawat detalye ng kilos, ng mga salita. Dumilim ang mukha ng lalaki. "Masaya ako na masaya siya. Pero lalong nadudurog ang puso ko na hindi ako parte o dahilan ng mga tawa mo ngayon." Her laughter. Ang nagniningning nitong mga mata. God how he missed them. The way she looks now still mesmerized him. Maganda na noon si Maricar pero ngayon, makalipas ang panahon, she's gorgeous. He felt a pang of jealousy towards the guy na kasama nito. "Boyfriend ba nya ito? Gaano na sila katagal?" Pilit iwinaksi ni Miguel ang nararamdaman. "She's moved on. Iniwan nya ako. Kami ni Lyra. Kinaya nya na mabuhay at maging masaya ng wala ako. Bakit ko hahayan na maramdaman ang ganito? Kung may dapat ako maramdaman ay galit at sama ng loob." Umuwi mula sa Los Angeles, California si Miguel nang nakaraang taon nang makatapos ito ng kolehiyo. Bilang simula ng kaniyang pagsabak sa mga negosyo na pag-aari ng pamilya Vera. Ibinigay sa kaniya ang pamamahala ng mga commercial estates ng pamilya. Kasama dito ang mga hotel, malls, at office buildings. Sa ngayon ay galing ito mula sa isang meeting sa Singapore kung saan may partnership sila sa ilan proyekto doon ng magbubukas na bagong mall. Kalalapag lang ng private jet ng mga Vera kung saan ang kanilang private hangar kung saan nakaparad ang private jets and choppers. "Mr. Vera, your car is approaching. We can leave now sir." si Andie ng personal assistant ni Miguel ang pumukaw sa atensyon nito. "Migs, I know how tired you must be from your meetings and travel. But I need you back in the office." si Mateo. "It's okay dad. Papunta na rin naman ako dyan para tapusin ang ilang paperworks." sagot nito sa ama na kausap sa cellphone. "Anything urgent?" "Your ninong Iggy is here and we've been discussing this project for some time now. Dahil area mo ito, kailangan nila ng commercial spaces, fifty branches in the first year, you might as well handle this directly." tugon nito. "Okay. Expect me in thirty minutes max. I just had lunch with him ang ninang Miracle last weekend. Funny they did no mention anything." si Miguel. "Ah Migs-- " Napakunot ang noo ni Miguel nang hindi itinuloy ng ama ang sasabihin. "Maricar is here also. You might want to know before you come in." dagling idinugtong ng ama nito. VERA CORPORATION Bumukas ang pinto ng conference room kung saan sa loob ay nakaupo sa palibot ng conference room table si Mateo, Iggy, Maricar, at isang lalaki. Ang kasama ni Maricar sa video. Mateo's eyes roamed around the room. Humakbang ito at pumuwesto sa malaking lamesa kasunod si Andie. Nakahawak sa sandalan ng swivel chair, he looked directly at the woman in front of him. "It's been a while..." hindi pa rin ito umuupo. "Migs, why don't you take a seat so we can start discussing this project." Pag-agaw ni Mateo ng atensyon sa anak. Nagsalita si Iggy. Ipinakilala ang katabi ni Maricar. Ang isang lalaki na kasama nito sa video. Sa paliwanag ni Iggy ito ang mamamahala ng operasyon ng mga bubuksan nilang stores. Tumayo si Ralph at iniabot ang kamay kay Miguel. Inabot naman ni Miguel ang kamay nito. Hindi kaila sa itsura nito na hindi ito natutuwa sa mga nangyayari. "Glad to finally have met you. I've heard so much about you from Maricar." anito. Hinila ni Miguel ang silya at nagsimula nang umupo. "Yeah? Good to know because I haven't heard from her for f*****g five years." Hindi na napigil ni Miguel ang kanina pang pinipigil na emosyon. Napapikit ito para pigilan ang sarili. Lumapit si Andie dito, "Sir would you like to go to your office first?" Tumingin si Andie sa lahat, "Wala pa po kasing tulog itong si Sir Migs. Back-to-back meetings and travel. I could join in and take notes for him." Magsasalita sana si Mateo at Iggy ngunit napigil ito nang nakapikit pa ring si Miguel nang itaas nito ang isang kamay upang patigilin ang assistant na si Andie. "Ayokong magkunwari na sa harap ninyo na pinakamalapit sa akin na makipagngitian sa oras na ito na parang walang nangyari." Ibinuka nito ang mga mata and looked at Maricar in front of him. Hindi nakawala sa paningin nito na hawak ni Ralph ang isang kamay nito sa tila hindi gumagalaw na si Maricar. Ito ang lalong nagpasidhi ng namumuong galit kay Miguel. Ibinalik nito ang tingin sa mga mata ni Maricar. "We need to talk. Now. Just the two of us. In my office." dugtong pa nito. "Hindi ko maatim na palabasin ng kwartong ito ang mga magulang natin just to have some privacy." Tumingin ito kay Andie, "Bring her there." And he left the room. Umiinom ng tubig si Miguel nang maramdaman ang pagapasok ni Maricar sa pinto kasunod ang pagsari ni Andie nito. Nanatiling nakatayo ang babae sa gitna ng kaniyang opisina. Ipinilig ni Miguel ang ulo sa direction nito. "Why?" pain evident in his voice. Hindi pa rin nagsasalita si Maricar. Nagsimulang dumaloy ang luha na kanina pang namumuo sa mga mga mata nito. Doon na lumakad si Miguel patungo dito. Hinawakan ng mukha ng babae at pinalis ng dumadaloy na luha. "You broke my heart pero ngayon na nasa harap kita, hindi ko matiis na makita kang lumuluha." nagsisimula na rin gumaralgal ang boses ni Miguel. Matiim na tinitigan nito ang babae. "I deserve to know why. Magsalita ka, please." halos pabulong nitong nitong sinabi. "I was confused about my feelings. Hindi ko maintindihan kung ang pagtingin ko sa'yo. And I was afraid it was not reciprocated. Na kaibigan lang ang pagtingin mo sa akin." sagot nito. "And you decided it best to leave me behind?" May hinanakit na tanong nito. "I was young then. I never imagined my life to be away from you. But I had to do it to save myself." lumuluha nitong sabi. "May sarili kayong mga buhay pero ang mundo ko sa inyo lang umiikot. Lalo na sa iyo... You had Cassie then..." "But there is no Cassie and I. At hindi mo ako binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag." "Masakit din sa akin ang mga nangyari na iwan ko kayo, ikaw. It is what it is. I'm sorry for not responding to your messages. Looking back, it was painful, but it was for the best at least for me. Selfish? Maybe yes. If I stayed, I might not have survived it later. I had to find myself too." Isang mahabang katahimikan ang isinagot ni Miguel dito. "And today? What becomes of us?" basag ni Miguel sa katahimikan. "We've grown up, Migs." Hindi nakawala sa pandinig ni Miguel ang paraan ng pagtawag nito sa kaniya. Binitiwan nito ang babae at lumakad patungo sa kaniyang mesa. Walang salita na nakatingin lamang ito. Bumabalong ang naghahalong emosyon. Sumeryoso ito kapagdaka at kinuha ang telepono. "Addie, please bring back Miss Cruz in the conference room. I'll talk to my dad and ninong Iggy about this project. I'll wait in dad's office to talk to them. Bring in Mr. Fuente after ten minutes." Ibinaba nito ang telepono. "Miss Cruz, I will assign Mr. Fuente for this project, he's the best in my division. I'm known to be professional since I started. BUt this is too much for me right now." Pumasok si Andie upang sunduin si Maricar. "Thank you, Mr. Vera." Nakatalikod man ang babae ay habol ito ng tingin ni Miguel. Kuyom ang mga kamay sa ibabaw ng mesa. Hindi nito napigilan na tawagin ito sa isip.  "Care--" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD