MARICAR
Culinary Institute or America at the Hyde Park
New York campus imbes na sa Los Angeles ang pinasukan ni Maricar para sa kurso nitong Baking and Pastry Arts. Pinili nitong mag dormitoryo sa loob ng kolehiyo imbes na sa manirahan sa labas.
Kung tutuusin, hindi problema ang gastusin maski pa araw araw na ihatid ng kotse si Maricar at manirahan sa isang bahay sa New York. Ngunit para dito, ang normal na buhay estudyante ang isa sa mga gusto niyang maranasan. Yun nga lang, hindi pumayag ang kaniyang nanay na wala itong bodyguard. Para sa kaniya ay hindi ito kailangan pero pinayagan na rin ni Maricar upang mapanatag ang mga magulang lalo na ang ina.
Mula pa sa pagkabata ay si Lito at Mario na ang mga nakasama nitong bodyguards. At maging ang kaniyang yaya Medy ay nakamulatan na nito mula nang siya ay isinilang. Ngunit gusto niyang maranasan ang maging independent. Hindi sa bawat galaw ay nakalaan na lahat ng bagay. Mula sa bahay at mga kaibigan na lagi siyang parang baby ng mga ito.
Sa kabutihang palad ay nakilala niya ang mga kapwa estudyante na sina Ralph at Drew. Si Ralph ay isang Fil-Am na kung saan ang ina nito ang Filipino. Samantalang si Drew naman ay isang Amerikano.
Nang makatapos sila sa kani-kanilang kurso, lumipat si Maricar sa isang condo malapit sa campus upang ipagpatuloy ang isang taong post graduate food management. Ito ay bilang paghahanda sa pagbukas ng sariling café restaurant pagbalik sa Pilipinas.
Sa pagpasok ni Ralph sa kwarto ng kaibigan na kagigising pa lamang, "Hey girl, come on, wake up. It's your birthday! We need to go out and party!"
Tamad na tamad naman si Maricar na maski hapon na ay naka pyjama pa rin.
"I'll just stay here. Inaantok pa ako."
Hinila ni Drew ang unan na yakap ni Maricar. "Wake up sleeping beauty. We brought some stuff for your birthday."
Napamulat si Maricar at umupo sa kama na tila inaantok pa rin. Sporting a short hair, wearing a tank top and pyjama pants, gone was the nerdy teenager from years ago. With her defined and toned physique, bumagay ito sa kaniyang slim and tall figure.
"We brought booze and all, except a cake." Binubuksan ni Ralph ang refrigerator nito at kinuha ang isang eggpie na naroon.
"You seem sleepy. Must be from stalking your non-boyfriend?" Turan ni Drew
Maricar chuckled.
"Don't deny it." Pointing at her iPad. Nakabukas ang isang entertainment article about Miguel Joaquin Vera. Kasama nito ang isang local celebrity na sikat gumanap ng sexy roles.
"Your non-boyfriend has ladies passing through revolving doors. Halos iba iba ang kasama kada buwan." si Drew.
Ang boses ni Ralph ang bumasag sa usapan ng dalawa. "The famous Maricar eggpie! Ito na ang birthday cake mo. Teka lagyan natin ng kandila."
Sinimulan ni Drew na kunan ng video ang parating na si Ralph dala-dala ang eggpie na may kandila. Nagsimula itong kumanta ng Happy birthday. Iniabot naman ni Ralph ang eggpie dito.
Nang matapos ang kanta, hinalikan ni Ralph ang kaibigan sa noo nito. "Happy birthday to the most phenomenal person in the universe."
Sumunod naman si Drew na pinatay na video at bumati na rin sa kaibigan.
"Happy birthday to you. Now let's eat."
MIGUEL
Maraming nang tao ang naghihintay para sa project kickoff ng Bituin Café. Ito ang bagong café restaurant na idadagdag para sa high-end food line ng MK Foods ng pamilya ni Maricar. Kape at pagkaing lokal ang konsepto ng menu nito. Hinaluan ng konting twist ni Maricar upang maipakilala sa international market. Plano rin kasi niya na magbukas sa ibang bansa at maipakilala ang mga pagkaing Pinoy.
Masasamyo ang amoy ng kape at ilang pagkain. Sa labas ng conference hall ay may buffet style na hain ng mga pagkain at may mga barista rin na handang kumuha at magprepara ng order ng mga bisita.
Dumiretso si Miguel sa loob upang makausap si Mr. Fuente para sa isang briefing bago ang mismong programa. Kinailangan pumunta ni Miguel dito as an official business function.
"Mr. Vera, good morning, sir." salubong ni Mr. Fuento dito. "For the first three flagship branches, construction will be underway next week. Sa programa mamaya parte ng press release ay ang contract signing ninyo ng exclusive partnership ng mga brancges ng Bituin Café sa ating mga commercial spaces. Pirma nyo na lang ni Ms. Cruz ang kulang na syang gagawin mamaya."
Inanunsyo ng emcee na magsisimula na ang programa ay may isang video presentation na ipapakita para sa mga audience.
Iginiya ng isang usher si Miguel upang maupo sa presidential table. Nang maupo ito ay sya ring pagdating ni Maricar kasama ang mga magulang nito. Muling tumayo si Miguel. Yumakap at humalik ito sa pisngi ng mga magulang ng babae. Maski pa sa nakalipas na mga taon na hindi sila nagkita nito, hindi nawala ang pakikipag-ugnayan ni Miguel sa dalawa.
Miguel reached out to Maricar and hugged her too. He placed his cheeck on her cheek and whispered , "Congratulations... Care— Ms. Cruz."
Maricar was slightly schocked at Miguel's sudden movement. Nang makabawi. She also placed here arms around him briefly. "T-thanks."
Nang maghiwalay ay hindi makatingin si Maricar na tila ibinaling ang mga mata sa paghanap ng kanilang uupuan. Dumating kapagdaka ang mga magulang ni Miguel kasama si Lyra.
Nang sinundang araw ay nagkasama sila ni Lyra na parang walang anumang nangyari. Sa umpisa ay nagkalabasan ang mga ito ng samaan ng loob at nagkaayos.
"Lyra, Tito Mateo, Tita Lanie. Thanks for joining us." si Maricar.
Lanie hugged Maricar, "Of course we'll be here. We're so proud of you."
MIguel was looking on. Nakatingin ito sa mukha ng dalaga na walang salita. He was mesmerized by the kind of lady Maricar turned into. Gone was the shy, aloof, and nerdy teenager. Ang nandito ngayon ay isang babae na puno ng kumpyansa sa sarili, matalino, maganda, at nakangiti. Maging ang pananamit nito ay ibang iba. Bumagay sa kaniya ang maiksing buhok, accentuating her slender neck. The softness in her jawline and her high cheeckbones. Those inviting eyes sans the eyeglasses and luscious pink lips inviting to be kissed nang makita niya ito.
Nang yakapin niya ito kanina, Miguel felt comforted. Halos ayaw na niya itong bitawan ngunit hindi nya ito maaaring hindi pawakawalan. Napakaraming tao dito at hindi iyon ang lugar.
Nang makaupo na ang lahat at nakapagsimula na ang programa, pinadilim ang buong venue upang ipalabas ang isang video introduction ng Bituin Café. Katabi nya ang dalaga at ramdam nya ang mumunting mga pagdikit ng kanilang braso sa tuwing gagalaw ito.
He sighed.
"Ano ka ba naman Migs, apektado masyado."
Bahagyang tiningnan ang katabing si Maricar.
"While you don't mean anything to her anymore." Bulong nito sa sarili.
Ipinakita sa presentation ang konsepto ng tindahan, ang mga pagkain at inumin dito. May konseptong social entrepreneurship ito kung saan ang mga kape, maging gatas, itlog, at iba pang gagamitin para sa mga pagkainin dito ay bibilhin ng MK Foods mula sa iba't ibang maliliit na magsasaka sa iba't ibang parte ng Pilipinas.
Maging ang recorded interview kay Maricar upang ipakilala ang kumpanya at mga adhikain nito tungkol sa scholarship grants sa anak ng mga magsasaka ay ipinakita rin.
Sa duluhan ay may tribute pa ang staff ni Maricar ng isang montage ng mga litrato at short clips ng pagbe-bake nito mula noon hanggang sa ngayon.
Maricar with Lyra and Miguel in the Cruz kitchen while she was baking. May short clip na nagsasabuyan sila ng harina. Mayroon din kung saan nagtitinda sila ng cookies at lemonade sa harap ng mansion ng mga Vera bilang fund raiser nung sila ay nasa elementarya. Natawa ang mga manonood sa itsura nilang batang bata at mga naka shades. Hanggang sa mag high school kung saan nasa charity bake fest ang dalaga at may award sa pinakamaraming benta. Nasa kusina si Miguel at Maricar habang nagvi video si Lyra na sinasabi niya sa video, "This is the best egg pie ever!" napatawa naman ng mahina si Maricar sa nakita ng mabilis na nasulyapan ito ni Miguel.
Sumunod ay ang mga clips at litrato ni Maricar sa baking school sa New York. May malalaking cakes na tila at ginawa ni Maricar at kasama pa sa litrato ang dalawang lalaki, sina Ralph at Drew. May isang kuha ito na puro icing ang mukha ganun din ang mga kaibigan. Ang huli ay isang madilim na litrato kung saan ay silhouette sa isang kusina nakatungo ito hawak ang rolling pin. Tanging isang parte ng kusina ang nasisinagan ng ilaw kung kaya hindi gaano kita ang mukha nito kundi ang mga kagamitan at ilang mga baked cakes and pastries na nasa paligid nito.
Hindi namalayan ni Miguel na hawak nito ang kamay ni Maricar sa ilalim ng mesa. Tila nabigla rin si Maricar na magkahawak na pala sila ng kamay ng binata.
"Uhm... S-sorry." si Maricar na ilalayo ang kamay.
Bagkus na hindi binitawan ng binta at inilapit ang ulo nito sa dalaga. "I'm so proud of you. And seeing those college pictures, I'm happy now seeing that were happy."
Taliwas sa mga salita na sinabi nito ay may lamlam sa mga mata nito na tila malungkot.
Nakatingin lang si Maricar dito hindi alam ang isasagot. Buti na lang at tinawag na sila ng emcee upang pumunta sa harap para sa ceremonial signing of contracts.
Tumayo si Miguel upang alalayan si Maricar. He placed his hand on her elbow on their way. May kung ilang libong boltahe ang gumapang sa katawan ni Maricar in that slight physical contact at napasinghap ito. Naramdaman din ito ni Miguel.
Siya namang paglapit ni Ralph upang iabot ang mga kontrata sa kanila. Dito ay iginiya na ni Ralph ang dalaga para pumuwesto sa isang bahagi ng mesa na nakaharap sa mga tao. Si Andie naman ay iniabot sa kanila ang mga pens na gagamitin.
Nang makapirma ay nagpalitan ang dalawa ng kontrata upang pumirma muli sa kopya. Nakangiti ang dalawa at nang matapos at nagpalakpakan ang mga tao.
Tinawag si Miguel sa upang maghatid ng mesahe.
Sa speech nito, inilihad muli ni Miguel ang tungkol sa pag-unlad ng negosyo ng dalawang kumpanya at ang mga mabubuting adhikain nito.
Sa huli ay tinuran ni Miguel ang isang personal na mensahe.
"On a personal note, mayroon din akong mensahe. Mula sa aming pagkabata, Maricar has always loved the kitchen lalo na ang baking. Hindi lang dahil sa mga sangkap nito kung kaya napakasarap ng mga mga naging produkto ng kaniyang kusina. Kundi rin dahil sa napakahabang mga oras, pagsisikap, at ang pagmamahal na iniuukol nya para dito. Bago pa man makilala ng mga tao ang pinakamasarap na egg pie, natikman ko na yan mula pa sa mga naunang practice ng ating esteemed baker. Mula sa sunog, hilaw, matigas, malambot, matamis... nalasahan ko na yan hanggang ma perfect niya ito. She never gives up and is very passionate about baking. With that same attitude, I'm sure Bituin Café will be a great success. I'm very proud of you." Tumingin pa ito kay Maricar sa huling tinuran.
Sa huli ay si Maricar ang nagsalita. Isang prepared speech nito ay napaka natural nitong inihayag. Malayong malayo sa dating Maricar na halos ayaw humarap sa mga tao.
"To my family, Nanay, Tatay, Tres, and Gray who are here..." tumingin din ito sa mga Vera, "Tito Mateo, Tita Lanie, Lyra, and Miguel... thank you all for always being very supportive of me." Naluluha naman sina Miracle, Lanie, at Lyra na nakatingin dito.
Lumingon din si Maricar sa kabilang panig. "Ralph... and Drew who's not here today, thank you for all those sleepless nights we have been conceptualizing all these. From a college dream, it's now a reality."
At pinasalamatan din nito ang lahat ng tao na naroon.
Natapos at nagsimula nang mag-alisan ang mga tao nang ayawin ni Lyra ang kaibigan.
"Car, we prepared a dinner get together tonight sa bahay. Please be there, intimate lang, we have some friends coming over. Para makapag network ka na rin, now that you are in the business world."
"Yes nabanggit nga ni Nanay. Will be there isama ko si Ralph para may makilala na rin sya dito ng mga connections. Siya kasi ang bahala sa operations ako sa mas tutok muna sa food sourcing and kitchen." sagot nito.
"Migs, dinner? Remember tonight?" si Lyra sa kambal.
"Yes, I'll be there. But I might be late as I'll be coming from a meeting. You know how bad traffic is." sagot ni Miguel.
"Oh yeah, the traffic. Medyo nakakapanibago nga e. Dapat pala maaga tayo bumiyahe, Ralph." nasambit ni Maricar na ikinakunot ng noo ni Miguel.
"You live few houses away from the house..."
Napatingin naman si Maricar. "Oh now, I just transferred in my own condo in Global CIty."
"With Ralph?"
Tumango ito, "Oh yeah, sa New York pa lang we lived together."
Naglipat ang tingin ni Miguel mula kay Maricar tungo kay Ralph na may kausap sa may di kalayuan.
Walang salitang nagpa-alam ito tila nagpupuyos ang mukha sa tinitimping galit.
Si Lyra, "You mean Migs doesn't know?"
Nagkibit balikat si Maricar. "Now he knows..."
MIGUEL
Lulan sa sasakyan pabalik sa kaniyang opisina, hindi mawaglit sa isip ni Miguel ang video tribute para kay Maricar. Gusto niyang matuwa para dito na tila ba naging masaya ito na wala siya sa buhay nito.
Hindi niya maikakaila na maraming babae ang dumaan sa buhay niya sa panahong lumipas na hindi nagpakita sa kanila si Maricar. Sikat na swimming varsity player, fraternity member, mataas ang grado, may pera. Wala nang masasabi pang dahilan kung bakit ang isang Migs Vera ay hindi kumpleto at masaya.
Lingid sa lahat, sa tuwing mag-isa at matutulog na siya, bumabalik ang pait at sama ng loob. Gustuhin man niyang ikuwento sana kay Maricar ang nangyari sa maghapon tulad noon, pero wala ito. Iniwan siya.
Ilan beses niyang naitanong sa sarili, "Do you even think of me?"
May mga oras na tumitingala ito sa mga bituin sa langit at kinakausap ang isang tala na ipinangalan nito sa kaniya. "Ganun na lang ba yun Care? If you don't love me back like the way I love you, how about the friendship we've shared? Wala lang ba sa'yo ang lahat ng pinagsamahan natin?"
Nakita niya ang pasilip sa ilang bahagi ng naging buhay nito. Masakit man isipin, pero sa mga panahon na lumipas, naging masaya ito na wala siya sa buhay ng babaeng una niyang inibig. At iniibig.
VERA RESIDENCE
Halos tumigil ang oras nang sa paglingon ni Maricar ay mapako ang tingin sa parating na si Miguel. He looks dashing in his suit. Lumilingon ito sa mga taong bumabati at kinakamayan ang mga lumalapit dito. Parang slow-motion na panaginip ito sa kaniyang paningin.
He has cleearly matured in the years they had been apart. Maski pa nag stalk siya sa social media accounts nito, hindi ito mahilig mag post. Kung sa madalas ay nagshi-share lang ito ng ilang quotes at mga company press releases ng mga proyekto nito. Kung minsan naman ay naita-tag ito ng mga kaibigan. Nung nasa kolehiyo, laman ito ng feature sa campus news dahil sa madalas nitong pagkapanalo sa swimming. Hindi rin miminsan nya itong nakita sa mga posts ng mga babaeng naugnay dito.
Nang sa kalaunan na nakabalik na ito sa Pilipinas ay habang nasa golf o di kaya ay may mga kasamang kabigan. Madalas ay sa mga new articles niya ito nabasasa lalo na sa mga cover ng business magazines at celebrity magazines.
Kulang na lang ay bumuka ang mga bibig ni Maricar sa pagkakatitig dito. Naramdaman na lang niya na tumabing sa kaniyang view si Ralph at nawala ang mala slow motion na eksena ni Miguel.
"Car, baka naman tumulo pa ang laway mo sa pagtitig sa non-boyfriend mo ha. Nakakahiya ang ganda ganda mo pa naman tonight. Puro alta sosyedad ang tao dito. Mga dugong bughaw ng Maynila."
Tila nagising si Maricar sa sinabi nito. "Hindi ah, anong sinasabi mo dyan..."
Ralph chuckled. "Tara sayaw tayo. Baka bukas ang headline imbes yun Bituin Café ay yun inatake ka sa puso sa sobrang pagka-in-love."
Nahampas pa ni Maricar si Ralph ng bahagya at nagkatawanan ang mga ito. Tumungo na sa dance floor where they were swaying at a slow song.
Miguel saw the pair together. May bumalong na galit dito nang makita ang kamay ni Ralph na nakahawak sa mga baiwang ni Maricar. Samantalang ang mga kamay ng dalaga naman at magkasalikop sa batok nito. Sa isip nito, hindi niya akalain na papayagan ito nang mga magulang to live with a man. Sa Amerika pa lang ay nagsasama na ang mga ito.
Pumasok sa isipan ni Miguel ang mga taon kung saan sama ng loob at pangungulila kay Maricar ang kaniyang naramdaman. Yun naman pala ay masaya ito sa piling ng iba. Kung tutuusin hindi naman siya naging santo nang mga panahon na iyon. Marami rin mga babae ang dumaan sa buhay ni Miguel. Bilang sikat na school athlete at sa kaniyang kaguwapuhan ay babae na ang humahabol sa kaniya. Ngunit walang naging seryoso sa lahat ng kaniyang naka relasyon kundi sa pisikal lamang.
Kumuha ng kopita ng alak si Miguel sa dumaang waiter at lumagok dito. Iniisip na umalis na sa piging na iyon, hindi niya alam kung kakayaning matagalan na may kasamang ibang lalaki si Maricar. Doon lumapit ang isang babae dito.
"Migs, hello there baby." isang young socialite na si Alysa. They had history years ago sa minsan umuuwi ng bansa si Miguel mula sa school break nito.
"Alysa..." hinagod ni Miguel ng tingin ang babae. "It's been sometime since we last saw each other."
"Yeah, too long if you'll ask me." sagot nito. "So wala kang date tonight?"
"Just me" sagot nit Miguel.
"Well, now you have." at iniangkla pa nito ang kamay sa braso ng lalaki.
Maski pa si Alysa ang kasayaw ni Miguel, hindi nito maiwasan na sulyap sulyapan si Maricar.
Her off shoulder gown accentuates her slender body. Ear cuff earrings na bumagay sa maiksi nitong buhok. One slit goes up to her mid-thigh on one side of the gown. Hindi mahahalata sa kaniyang anyo ang pait na dumadaloy na sama ng loob at sakit sa nakikita habang nasa bisig ito ng ibang lalaki.
Maraming nakilala si Maricar sa gabing iyon. Ang ilan pa rito ay mga school mates nila na ngayon ay mga negosyante na rin o namamahala na ng negosyo ng kanilang mga pamilya. Many were surprised ay Maricar's transformation.
Hindi rin maiwasan na mag group picture na tila reunion ang mga ito. Sa ibang kuha ay magkatabi pa sina Miguel at Maricar tuwing tinatawag ito ng mga kakilala.
Pumasok sa loob ng bahay si Maricar upang tumungo sa rest room. Nang sa babalik na ito ay nakasalubong si Miguel kasama si Alysa.
Pinong ngiti ang iniwan ni Maricar sa dalawa ng makasalubong ang mga ito. Si Alysa ang bumati naunang bumati rito.
"Maricar Cruz..." at hinangod pa siya nito ng tinging, "Congratulations on your new venture. I'm Alysa by the way." Inilahad nito ang isang kamay. Habang ang isa pa nitong kamay ay nakapulupot kay Miguel.
KIlala ito ni Maricar, isa sa mga socialite influencer na maraming followers sa social media. Galing ito sa angkan na kilala rin sa mga negosyo ang pamilya.
"Hi, thank you. Nice to meet you."
"We'll keep going then. I'll go ahead, nice party." At saka naman ito bumaling kay Miguel. "I'll wait for you in my place. Don't keep me waiting for too long baby."
Patuloy nang lumakad si Maricar nang marinig nya ang pahabol na sinabi nito kay Miguel.
At may balak pa palang escapade ang dalawang ito.
Maricar was making faces na hindi nakikita ng dalawa. Kung may makakapansin sa kaniya, magtataka ito sa parang bantang inaasal nya ngayon.
Parating si Drew mula sa Amerika na hindi nakahabol sa launching kaninang umaga dahil sa delayed flight nito. Lumabas muna si Ralph para antayin ang kotse ni Drew sa may gate ng malaking bahay.
Maya maya pa, napansin ni Maricar na tila nagmamadali si Lyra na palapit sa kaniya at may pinipilit na sabihin dito na sundan siya sa loob. Humingi ng paumanhin si Maricar sa mga kaharap at sinundan si Lyra.
Makikitang nakaupo si Miguel. May dugo na umaagos mula sa kilay nito. Si Ralph naman ay nakatungo. Drew fussing over him. Sa pagpasok ni Maricar at Lyra, napatingin ang mga ito sa kanila.
Shocked ang mukha ni Maricar sa inabutang eksena.
"What happened to you?" Mabilis na nilapita ni Maricar si Miguel.
Kasunod nila ay pumasok din ang driver ni Miguel at isang kasambahay na may dala dalang yelo at mga bimpo at first aid kit.
"I'm sorry for hurting your friends." ani Miguel na ngayon ay nilapitan ng driver nito at inabutan ng bimpo. May pasa rin ito sa ibang bahagi ng mukha.
"What?" Nang nilapitan nito si Drew, napansin nya ang pamulula ng kamo nito at at isang bahagi ng panga. Nahintatakutan si Maricar ng makita ang mukha ni Ralph na putok ang labi, may blackeye at pasa sa panga.
"Car, akala ko ba swimmer yan? E parang boxer sumuntok." si Ralph na halos pikit na ang isang mata. "Tell me why I should not sue him for wrecking my face?"
"You did this to him?" Tanong ni Maricar kay Miguel.
Nilalagyan ng tape ang cut ni Miguel na ngayon upang di na umagos ang dugo dito.
"Ang naalala ko na lang all of a sudden nasa lapag na ako and ay face is being beaten to a pulp." si Ralph
"That's when I hit him." Pag-amin ni Drew sa pananakit kay Miguel. "Pinigilan lang kami ng security, drivers, and bodyguards sa labas."
"Yeah... I-I saw them kissing outside... and I thought, you and Ralph..." sagot ni Miguel hindi makatingin kay Maricar. "I though he was cheating on you, okay."
Iniwan sila ni Lyra upang harapin ang mga bisita na walang kaalam alam sa mga pangyayari.
Matapos tulungan ang mga kaibigan, nagpaalam na ang mga ito upang umuwi. Ayaw ng mga ito na magpa check-up pa nakapagpa first aid naman na ang mga ito. Sa kabilang gate ng bahay ito ipinasundo upang hindi makita ng mga bisita ang mga namamaga nitong mga mukha.
Maiiwan si Maricar upang makaharap pa sa mga bisita. Nagpasya sila na sa bahay nila na matutulog si Maricar at sa condo ang dalawang kaibigan didiretso upang makapagpahinga na ang mga ito.
Nang matapos ang party, umakyat si Maricar sa kwarto ni Miguel. Kakatok sana ito ay bumukas ang pinto at bumungad ang nakatayo nang binata. Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Maricar sa namamagang mukha ng nito.
"Bakit gising ka pa?" tanong nito at sinipat ang suot nitong long t-shirt na puti. Ang long sleeves at coat nito ay nasa ibabaw ng kama.
"I'll be going." si Miguel.
"Saan ka pupunta?." si Maricar.
"I don't stay here anymore. I have my own place."
"With your condition, just stay here. Baka wala kang kasama sa bahay mo. You should be observed for 24 hours. Unless may naghihintay naman pala sayo doon." Bahagyang hinila pa ni Maricar ang lalaki papasok ng kwarto.
Napahawak si Miguel sa ulo nito at umupo sa kama. Dagli naman lumapit dito si Maricar na nag-aalala.
"Ano? Saan ang masakit? Are you okay?"
Nagmulat si Miguel looking at her. Kinuha ang kamay ng babae at itinapat sa dibdib nya.
Maricar can feel the pounding of Miguel's heart.
"Dito masakit." napatingin si Maricar sa magkasalikop nilang mga kamay sa tapat ng puso ni Miguel.