Starting Over Again

4056 Words
MARICAR Nakapatong ang kamay ni Miguel sa kaniyang kamay. Dinala nito iyon sa tapat ng dibdib nito. Ramdam niya ang pintig ng puso ng lalaki. She can also feel his hard toned muscles and the heat of his body. Unti unti ay ang sariling t***k ng puso na rin ang naririnig ni Maricar. Kasabay ng t***k ng puso nito na nasa kaniyang mga palad. Tuwina na, parang tumitigil ang oras para kay Maricar apag andyan si Miguel. Dahan dahang inilalapit ni Miguel ang mukha nito sa kaniya. Hindi na nakapag isip pa si Maricar kundi naipikit na lamang ang kaniyang mga mata nang maramdaman ang pagdami ng maiinit nitong mga labi sa kaniyang naghihintay na labi. Sa una ay mahagod ito, naninimbang. Nang iginalaw na rin ni Maricar ang mga labi upang tugunin ito ay nagsimula itong maging mapusok. She felt his need in his kisses. Ang sama ng loob nito sa mga taong lumipas. Ang naglalabang poot at pangungulila sa mga halik nito. All of his emotions being poured unto her. Sapo nito ang kaniyang ulo, napahawak na rin si Maricar sa batok ni Miguel. Tinutugunan ang bawat halik. Both punishing and enticing her at the same time. "Joaquin..." Lalong naging mapusok ang paghalik ni Miguel dito nang marinig ang dati nitong tawag sa kaniya. "Care... my Maricar." Ang lahat ng pangungulila dito at umahon mula sa napakalalim na bahagi ng puso ni Maricar. All her repressed feelings over the years are pushing from here core and the sudden burst of emotions was just to much for her. Naramdaman ni Miguel ang mga luha na nagsimula nang dumaloy sa kaniyang mga pisngi. Sinapo ang magkabilang mukha niya. Dahan dahang inilayo ang mga labi nito mula sa kaniya. She felt the loss when his lips left hers. She can feel his gaze on her. Ang mga daliri nito pilit na pinapahid ang kaniyang mga luha na patuloy na tumutulo. "Ssshhh. Shhh... Don't cry... please." She heard his soft plea. Dahan-dahan nagmulat si Maricar at tumingin diretso sa mga mata ni Miguel. Hanggang sa hinaplos nito ang mukha ng binata. "I'm sorry... Sorry, Joaquin." And she cried her pain. "Sshhh. Come here." Bahagyang hinila ni Miguel ang umiiyak na si Maricar upang yakapin ng mahigpit. Ipinatong ang baba nito sa ulo at bahagyang hinahalikan pa ang buhok ng dalaga. MIGUEL Nagsisimula nang pumasok ang liwanag mula sa blinds ng kwarto ni Miguel. Dahil na rin sa pagod at sa buhos ng emosyon sa nagdaang gabi, hindi na ito nakaalis pa patungo sa condo nito. In his arms he can feel the soft body of Maricar that perfectly fits in his embrace. Kanina pa siya gising, hindi makapaniwala na nasa mga bisig niya ang babaeng matagal nang minamahal. Is this a dream? Takot lang ba ako matulog ulit para magising sa isang panaginip lang pala? Staring at Maricar's face na nagsisimula nang magmulat ng mata. Such an angelic face. "Good morning" he whispered to her. "Good morning." bulong din nito na tila nahihiya at ibinaon ang mukha sa unan. Pilit naman itong hinila ni Miguel upang huwag itago ang mukha. "Don't hide from me. Open your eyes." Sumunod naman ito sa kaniya at dagling sinundan ng pag-aalala ang mga mata at hinaplos ang sugat ni Miguel at mga pasa sa mukha. "Are you okay? We need to put more ice on your face." Sa tatayo sana si Maricar ay pinigilan ito ni Miguel. "Don't leave me." "Maksi isang kiss lang okay na sigurado ako. Lalo pa kung mas maraming kiss." He playfully told her. Nagsimula naman mamula ang mukha ni Maricar sa tinuran nito. Tinaklubang pa ang bibig. "What? No. Hindi pa nga ako nakakapag-toothbrush." Bagkus naman inalis ni Miguel ang kamay nito na nakatabing sa bibig ni Maricar at biglang kinabig ang batok nito palapit sa kaniya. He took his time nibbling her lips, her chin, her cheeks, and back to her lips. "You're real and not just a dream." usal nito. Maricar was breathless at the sensations she felt from his kisses. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Miguel. Napatulak si Maricar sa gulat ngunit tila hindi manlang natinag si Miguel dahil nanatili siyang nasa bisig nito. Si Lyra. "Okay I saw you car downstairs" nakatingin ito kay Miguel. "And you, alam ko na di ka nakauwi." Nagpalipat lipat ng tingin ito sa dalawang nasa kama. "And you're both fully dressed so... good news ba yun or bad news?" Pinamulahan ng mukha si Maricar. "Lyra!" pa-angil na sabi ni Miguel dito. "Okay! Okay! Breakfast is ready. Let's go." Nagsimula na itong lumabas matapos maglapag ng ilan pirasong damit na para kay Maricar. Maririnig pa ang malakas na boses nito sa labas, "False alarm, hindi pa kayo magkaka-apo!" Lalo pang namula ang mukha ni Maricar sa narinig. "E kung simulan na natin ngayon yun apo na hinihintay nila?" nagtaas-baba pa ang kilay ni Miguel na biro kay Maricar. "Isang pinong kurot sa tagiliran ang isinukli nito dito, "Anong apo, bakit tayo na ba?" BITUIN CAFE Naging abala si Maricar sa mga sumunod na araw dahil sa nalalapit na opening ng Bituin Cafe branches. ng finishing touches na lang ang natitira sa flagship store at tiwala ang lahat na handa na sila bago pa man ang deadline. Tinawag ng isang staff si Maricar mula sa kusina at sinasabing nandoon na ang kakausap dito para sa ilang natitira pang detalye sa ukol sa ibang branches. "Okay, I'll just clean up. Paki serve ng drinks and pastries sina Mr. Fuente." sagot ni Maricar na hindi lumingon sa kausap sapagkat abala ito sa paglalabas ng mga tinapay mula sa oven. Dahan dahang inilalabas ni Maricar ang isang tray ng tinapay mula sa oven gamit. Ang dalawang kamay nito balot ng oven mittens. Napapikit pang sinamyo ang mabangong amoy na nagmumula sa oven. Nakangiti ito sa tuwa nang makita ang mga magagandang hugis at kulay ng mga niluto kung kaya ubod ng tamis ng kaniyang mga ngito. "Oh my gosh, these are amazing" mahinang bulong nito. Nang sa pag-ikot niya upang ilagay ang tray sa kalapit na utility table, tsaka lang nito napansin na hindi siya nag-iisa doon. Miguel was by the doorway na nakangiting pinapanood siya. "And you are amazing." bati nito, "The places smells great. Freshly baked goodies." "Oh what brings the mighty boss down from his office?" biro ni Maricar. "Well... una I need to see you. And second, you're meeting the mighty boss." naglalakad si Miguel patungo sa kaniya Just the feeling of Miguel approaching gave her goosebumps. Masaya siyang makita ito dahil mahigit isang linggo na mula nang huli silang nagkita. Bukod sa pagiging busy ay sinasadya niyang si Ralph ang humarap sa grupo ng Vera group nang malaman na nagiging madalas na ring magpakita si Miguel. "Hmmm. Let me just freshen up a bit nakakahiya humarap kina Mr. Fuente na puro ako harina." she even chuckled to hide her slight discomfort at the way Miguel is intently looking at her. "Tayo lang naman dalawa so I'm okay seeing you like this." Umupo si Miguel sa pinakamalapit na stool kay Maricar. "Uhmm ganun ba? Nasaan sina Mr. Fuente?" She kept on busying herself removing her apron, cleaning up the table. Miguel caught her hand. Napatingin si Maricar sa kamay nito na hawak ang kanyang pulsuan. "Relax Care. Sit." Sumunod naman ito dito. Umupo siya sa stool na kaharap. "Migs..." usal nito. "Joaquin. You used to call me Joaquin. Ikaw lang tumatawag sa akin ng Joaquin." diin nito. "We work together now so it's just right to call you that... uhm... m-malilito kasi yun mga tao who knows you as Migs or Miguel if I call you that." naiilang na paliwanag nito. "Walang ibang tao dito ngayon Care. Ako ang nalilito sa inaasal mo." Maricar slightly pulled her wrist from Miguels touch. "Okay..." "Why do I get the feeling you said that para lang matapos ang conversation." Walang siyang isinagot dito. Miguel sighed. "Ralph and Drew will be joining the meeting too. They said I'm needed today for some last decisions. Baka nasa labas na sila. We can meet them there too." Naiiling si Miguel na sinundan ang dalaga na palabas sa main area ng cafe kung saan naroroon ang mga kaibigan. Sa isang area kung saan nakaupo ang sina Ralph at Drew nakalatag ang ilang mga papeles. Nagsimulang magpaliwanag si Ralph sa mga bagay na kailangan pag-usapan ukol sa ilang mga pagbabago para sa iba pang branches ng Bituin Cafe na sa tingin naman ni Maricar ay nasa tamang direksyon. Ngunit kailangan nilang mapapayag ang kumpanya ng Vera upang hindi sila lumabag sa mga prohibisyon ng lease contract. "And those are the things we need for approval." si Ralph na malamig ang tono dito. "For someone asking for my approval, a little more enthusiasm would be nice." sagot ni Migs dito. "Mr. Joaquin, hindi ko pa kayang makipag-plastikan sa kalagayan ng black eye ko ngayon." Itinuro pa nito ang shades na suot maski nasa loob sila ngayon ng building. Kunot-noo naman na nagpalipat-lipat ng tingin si Miguel kay Maricar at kay Ralph. "Mr. Joaquin? Why are you calling me that?" si Miguel. Sumagot si Drew. "Kasi sa lahat ng kwento Joaquin ang name mo kaya nakilala ka namin na Joaquin. Are you not Miguel Joaquin Vera?" Tumingin ito kay Drew. "Because she's the only one who calls me Joaquin and everyone else, I'm Miguel or Migs." "Excuse me... kukunin ko lang yun pie that I prepared for us." Tumayo sa Maricar na nagsisimula nang mamula ang mga pisngi. Napapangiti si Miguel na inilapit ang katawan sa lamesa at medyo pabulong pang tinanong sa dalawa. "So, lagi ba niya ako kinukwento sa inyo?" Nagkatinginan naman ang dalawa. "Madalas oo lalo na nung una. Ikaw at si Lyra. Kapag ikaw, madalas nga lang may kasunod na luha." si Ralph. Sumeryoso ang mukha ni Miguel. "Eto naman si Ralph." tampal pa nito sa balikat ni Ralph. "Oo and it seems napaka close ninyong tatlo." "I hate to snoop pero may nakuwento ba sya how she feels about me?" "Ay sorry, our loyalty is with Maricar. So it's a no. Lips are sealed." parang nag-zipper pa ng bibig si Drew sa ginawa. "Huwag kang masyadong confident Mr. Migs." Diniinan pa ni Ralph ang pagtawag dito ng Migs. "Kung may binabalak kang manligaw sa kaibigan namin, mahaba ang pila." "Eto naman si Ralph, honey. Oo nga at mahaba ang pila lalo pa noong nasa New York kami. Pero wala siyang pinapansin doon maski isa." "Yung kausap natin last Monday na boss nung coffee beans company, he seems interested in her too. Maski pa ako ang dapat kausapin, lagi gusto si Maricar. Pupunta raw mamaya dito meron na naman daw last minute na concern. But I'm sure excuse lang yun..." Sabay tingin nito kay Miguel at dinugtong pa, "Parang yun isang kakilala ko. Biglang naging hands on." Hindi naman natinag si Miguel sa patutsada nito. "Ay, tingin ko di yun bet ni Maricar..." saway nito sa katipan. "But... may isang masigasig na lumilipad pa from UK para lang dalawin siya. And I heard na dadating to support her on the launching week para na rin magbakasyon dito." Tumingin si Drew kay Miguel. "Ay oo matindi yun parang MU na ata. School mate nyo daw yun dati, Brent ang pangalan." Pabigla naman ang pagsagot ni Ralph na nagsimulang pumindot sa cellphone nito. "Ay eto sya, teka yun last na punta nya sa NY bago kami umuwi dito." Patuloy ito sa paghahanap sa cellphone. "Eto o, diba bagay sila. Papasa na ba sayo big brother?" ipinakita nito ang kuha ng mga nakangiting sina Maricar at Brent sa isang bench sa Central Park. Tumango lang si Miguel upang makumpirma na ito nga ang kilala niyang Brent. Siya namang pagtunog ng cellphone ni Maricar na sa pagmamadaling makaalis at idahilan ang pagpunta sa kusina, naiwan nito iyon sa mesa. Nagliwanag ang mukha ni Ralph nang makita sino ang tumatawag dito. "Wow, serendipitous. Pinapag-usapan lang natin, biglang tumawag." Kinuha ni Ralph ang cellphone at sinagot na videocall ang tawag ni Brent. Nakipag usap ito doon at sinimulang ilibot nito ang video upang ipakita ang bawat sulok at kagamitan ng café. Maging ang mga staff nito ay bumati sa lalaking nasa cellphone. "Hi Sir, nice to see you again!" bati ng isang babaeng staff. Nang hindi na ito kuha sa camera kinikilig pa nitong sinabi sa kapwa staff, "Ang pogi talaga. Parang artista sa ibang bansa." Sa paglabas ni Maricar mula sa kusina dala ang ilang pagkain at tinapay kasunod ang isa pang staff, iniabot ni Ralph ang telepono dito. Isang matamis na ngiti ang bati nya dito at may kaway pa sa screen. Nagsimula na lalo pa magdilim ang anyo ni Miguel sa nasasaksihan. "It's too early there for you to call. Oh look who's here." Puna ni Maricar dahil madaling araw pa lang sa bansa nito. Inilayo ni Maricar ang cellphone upang makasama sa screen si Miguel. Tumango naman si Brent nang makita nito si Miguel na hindi man lamang ngumingiti. "Hey there Migs! Been years man." bumaling naman ito kay Maricar "Okay gotta go and sleep some more. You might have important matters to discuss." Sabay nag flying kiss pa ito na ikinatawa ni Maricar bago nawala ang binata sa screen. Nakangiti pa rin si Maricar nang ibaba ang cellphone at napatingin kay Miguel na walang anumang ngiti sa mukha. Bagkus na nakakunot ang noo nito at salubong pa ang mga kilay. "Teka we need cash, diba Ralph may money exchange sa lower ground floor ng mall, samahan mo nga ako." awkward na paghila nito kay Ralph na dahan-dahan tumayo. "Kain tayo." Inilapit ni Maricar ang pagkain na dala kay Miguel. Walang salitang kinuha lang ng binata ang mga iniaabot nito. Mahabang katahimikan at tanging ang tunog ng mga kubyertos ang maririnig. "You and Brent continued communicating over the years?" tanong ni Miguel dito. "Yes. Social media, calls." sagot ni Maricar. "I see." matagal na sinundan nito. "He visited you in NY so I heard." "He goes there every now and then and we meet up when he's in town." wala lang sa loob na sagot ni Maricar na pinapagpatuloy ang pagkain. Tumigil si Miguel sa pagkain at tumingin sa dalaga. "Are you involved with him?" naiiritang tanong nito. Nang hindi nakasagot agad si Maricar, dinugtungan pa ni Miguel. "Romantically? Or with anyone else I don't know?" "Ha? Ano bang tanong yan." "Just answer me. I have to know." nauubos na ang pasensya ni Miguel. "We're close friends. He will own franchise branches of Bituin in London kaya madalas kami mag-usap about business." paliwanag nito. "Ralph should be able to handle those or Drew." Bumalik na ito sa pagkain "What? Why do you even care? This is my business Migs." "I'm so frustrated with you right now. Kung tayo lang dalawa ngayon, I would have kissed you senseless." naisuklay pa ni Miguel ang isang kamay sa buhok nito sa inis. Napakurap naman si Maricar na nakatingin dito, naguguluhan. "Call me Migs or Miguel again and I'll kiss you maski nasa public tayo." sa tingin ni Maricar ay seryoso ito. "Okay, Joaquin." Natawa ng bahagya si Miguel. "Matutuwa ba ako na ayaw mo pahalik sa akin kaya mo lang ako tinawag na Joaquin? It feels good to hear it from you.Lalo na nung huli mo yan sinabi before today." Pinamulahan ng mukha si Maricar ng maalala kung kailan iyon. Nung gabi na halikan siya nito. Lalo naman natawa si Miguel. Bahagyang sinuntok ni Maricar ang braso ni Miguel. Iniakbay ni Miguel ang isang braso dito at hinila payaka sa kaniya ang dalaga. "Lahat ng pinag-usapan natin kanina na gusto mong gawin sa Bituin branches, approved yun lahat." Napatingala si Maricar dito, "Talaga? Thank you." Iilan pulgada ang layo ng kanilang mga labi. Miguel can feel the sudden rapid breathing of Maricar feeling the sizzle between them. Iniikot nito ang isang braso pa dito at placed Maricar's head at the crook of his neck. Hinigpitan ang yakap nito. Maricar felt Miguel's soft kisses on the top of her head and the tightening hug he is giving her. Ipinikit nito ang mga mata at gumanti ng mahigpit na yakap. "Yes Care. Lahat ng gusto mo, approve sa akin." Bulong pa nito. "Patatagalin pa ba natin? Pagdating ng araw you will own what I own pag kasal na tayo. Kaya ikaw na ang bahala." Natatawa at namumula si Maricar na kinurot ang tagiliran ni Miguel na nagpabitaw ng yakap nito. "You! Get serious!" "But I am serious." Tawa lang ng tawa na iniiwasan ni Miguel ang mga kamay ng dalaga na balak pang kumurot uli sa kaniya. Sa labas ng branch ay nakahinto lang na nanood ang dalawang mga kaibigan na si Ralph at Drew. Tila kinikilig sa nasasaksihang eksena. TWO MONTHS AFTER Sa ngayon ay sa mansyon ng mga Cruz umuuwi si Maricar habang gamit ng mga kaibigan ang kaniyang condo. Samantalang may iba pa man properties ang mga ito, minabuti nitong kasama ang mga magulang sa libreng oras. Hindi dahilan para kay Miguel na hectic ang kaniyang oras sa negosyo upang masiguro na nagkikita sila ni Maricar. Pinupuntaha niya ito upang sabayan sa pagkain o di kaya ay maski sandaling oras lang. Ang importante ay magkita sila. Sa ilang okasyon na hindi sila nagkita ay videocall naman ang ginawa nito. Parang nanumbalik ang closeness nila na parang walang mga taon na lumipas na sila ay nagkahiwalay. May mga oras din nakasama nila si Lyra. Ngunit abala ito sa karamihang projects na hawak para sa kumpanya ng mga Vera ay out of country. May ilan araw na ang nakalipas na hindi nagkita ng personal sina Miguel at Maricar dahil sa sunod sunod na mga meetings ng lalaki at hindi makaalis ng opisina. Naisip ni Maricar na dalawin ito at ayaing kumain ng tanghalian. Dahil naisip niya na abala ang binata kaya dadalhan na lang nya ito ng pagkain para hindi na kailangan pang lumabas ng opisina. Kilala ang pamilya Cruz sa opisina ng mga Vera kung kaya nakapasok si Maricar na walang problema. Bitbit ang ilan paper bags ng pagkain gayun din ang bodyguard nito na may dalang ilan pang paper bags. Ngumiti pa si Andie na personal assistant ni Miguel nang makita siya na palabas ng elevator. Samantalang ito naman ay sasakay ng elvator. "Ms. Cruz, what a nice surpise." Bati ni Andie. "Hi. Andyan bas si Migs?" Tanong nito. "Yes he's there. Tamang tama masakit ang ulo. I'll be getting a medicine for him sa company clinic." Turan nito. "Naku ganun ba? I'll go ahead then. May dala ako laging gamot sa sakit ng ulo.ag lunch ka na, ako na bahala." Nagmamadali pang maglalad si Maricar dahil sa narinig. Nang makapasok ito ay wala sa opisina nito si Miguel kung kaya naisipan nito na ayusin ang dalang mga pagkain sa personal dining nook nito. Tutulungan pa sana siya ng bodyguard ngunit itinaboy nito iyon upang kumain na sa employee canteen. "Kumain ka na doon sa canteen. Masarap ang kainan dito sa Vera Corp. Dito lang ako huwag ka mag-alala." Nang sa paglabas nit ong pinto, makailan sandi ay pumasok na si Miguel. Sapo nito ang mga sentido na hinihimas. Magsasalita sana si Maricar ngunit kasunod nito ay pumasok din si Alysa. Naupo si Miguel sa isang sofa na nasa opisina nito na nakatalikod sa kaniya kung kaya di sya napansin nito. Nagkatinginan sila ni Alysa. Bagkus tinabihan ni Alysa ang lalaki sa sofa, "Migs, you must rest for now." Miguel could sense something he cannot place inside his office. He can sense Maricar's soft smell and presence. Naisip niya na sa masamang nararamdaman ito ang una niyang hinahanap para gumaan ang pakiramdam. Miguel talked without opening his eyes. "Alysa, I'd like to rest now, please. If I can be alone for sometime. Thanks for your concern." Walang salita naman na umalis ang babae at isinara ang pinto. Miguel took out his cellphone and typed something. Maya maya pa ay nag vibrate ang cellphone ni Maricar sa bag nito. Kinuha at binasa nya, may message Miguel. Miguel: "How's your day so far? Are you having lunch?" Maricar: "Late ako nagising and yet I cooked lunch. Kakain pa lang sana... How are you, nag lunch ka na ba?" Miguel: "Good, enjoy your food. Will have one mine later. I wish you're here." Tumaba ang puso ni Maricar sa sinabi nito at di napigilan na lumapit sa binata. Muli ay nakapikit ito at nakasandal ang ulo na sapo ng ng isang daliri ang sentido nito. Maricar touch his hand and massaged the part he was just touching. "Joaquin..." Nagulat na nagbukas ng mga mata ang lalaki. "Care? Ganun na ba kasakit ang ulo ko, I'm seeing things?" "I was here when you came in..." "Oh, I didn't see you." Napapikit pa ito sa naramdamang ginhawa sa pagmasahe ni Maricar ng kaniyang ulo. Miguel gave a soft moan on the comfort he felt from Maricar's massage and presence. Ilan araw na itong puyat sa dami ng mga nakapilang meetings dito at maging videocalls sa international branches nila. Sa ilang lugar ay si Lyra ang humaharap sa negosyo at maging ito ay kasing abala na rin niya. "Gusto mo samahan kita magpa check up?" He heard Maricar's voice. Ginagap nito ang kamay ng dalaga na nasa kaniyang ulo. "Hindi. Okay na ito. Just by being here, you made me feel better." He opened his eyes and looked at her. Nakatungo ito sa kaniya. "Thank you." "Okay. I brought food. Let's have lunch?" He smiled and went with her. "Of course, I can get used to this." "For all I know ka lunch date mo sana si Alysa..." biro nito sa binata. "Selos ka?" "Hindi kaya..." natatawang sagot ni Maricar. Sinimulan na ni Miguel maglagay ng pagkain sa pinggang ng dalaga. "Bakit parang mas gusto ko magselos ka? Kasi ibig sabihin affected ka." "It seems you have history anyway." "Care, if you're fishing, then yes. We had history. Physical, nothing serious." Hindi makatingin si Maricar sa binata at nag focus ng tingin sa pagkain. "It's none of my business... Kumain ka na nga. May meeting ka pa and I should be going too after this." Natatawa naman si Miguel sa reaksyon ni Maricar. Maya-maya ay tianong niya ito. "Let's go some place this weekend to take a break. If you like sa Insula Mirari para madalaw na rin natin ang lolo at lola." "Good idea. But I'm leaving this weekend. I need to go to London for one week for Bituin branches there--" Hindi natapos ni Maricar ang sasabihin. Miguel cut her off. "You can send Ralph or Drew for that. You're not going there and leave me here." Napaawang si Maricar sa sinabi nito. "What? Is this about Brent? This is a business trip." "Either you leave with me or you send someone else." Tumigil na ito sa pagkain. Unti unting bumabalik ang sakit ng ulo nito. "I cannot just cancel my trip. Sayang naman yun airfare it's charged to the company. And besides marami kang trabaho dito. You cannot leave for a week." "Care. My family owns the damn airline, consider it refunded. I won't go broke if I don't work here for one week. But you aren't leaving me behind from now on." "You're impossible. This cannot go on forever. Darating ang oras na kailangan ko umalis for business. This is about Brent don't even deny it." naiinis na sagot nito. Napapikit si Miguel sa biglang pagdating ng sakit ng ulo. Natigilan si Maricar, "Are you okay?" Hinawakan pa nito ang kamay ng lalaki na nakapatong sa mesa. "Hindi mo pa nga ako sinasagot, lovers' quarrel na tayo agad." Bibitawan ni Maricar ang kamay nito pero mabilis na ginagap iyon ni Miguel na pangiti ngiti habang nakapikit pa rin sa sakit ng ulo. "Puro ka biro. Hindi ka naman dati joker. You've changed a lot." Dito na bumukas ang mga mata ng binata. "I haven't changed a lot. I'm just happy you're back." Matiim na tiningnan ni Maricar ang binata at basa niya sa mata nito ang matinding sakit ng ulo na tinitiis. "Maybe we should call off work and have you checked. Ngayon lang kita nakitang ganito. You must not be feeling well and you're downplaying it." Pag-aalala ni Maricar. "Okay Mrs. Vera." patudyo nitong sagot. "Ikaw talaga!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD