MIGUEL
Dalawang linggo pa muli bago ako pinayagang makauwi ng bahay.
My parents wanted to have a medical suite built in their house para doon ako umuwi. But it’s too much kaya minabuti ko na lang na mamalagi sa ospital at makauwi na wala nang iintindihin. Although I’m being required to go back for follow up check ups and some physical therapy sessions.
Kagabi masinsinan naming pinag-usapan ng dad at ninong Iggy and sitwasyon namin ni Maricar. Wedding was not recommended by the lawyers.
Her medical condition might cause nullity in the future. Wala ito sa tamang disposisyon maski pa maging legal ang aming pagsasama. Kung may hindi magandang mangyari sa aming pagsasama, maari itong gamitin na kaso para sa paglalatag ng annulment ng maski sino sa amin.
Pero ayokong abutin na manganak ito na hindi kami legal na nakakasal.
Titig na titig sa akin si dad matapos ang pahayag ng mga abogado. “Migs, let’s give time, she might recover before she’s due to give birth.” Wala akong naisagot dito.
Kung magiging padalos dalos at emosyonal ako, gugustuhin kong makasal na kami aa lalong madaling panahon.
Pero ang realidad, pareho kaming mga tagapagmana ng malalaking negosyo sa bansa, magakakaroon kami ng anak na dapat namin isipin at hindi ang pabigla-biglang desisyon.
“Ninong Iggy, I want to marry her as soon as I’m out here.” I sighed.
“I know but let’s give it time. At the very least we can pull of a civil wedding and have a separate church wedding later on. The legal point of view has merits.”
“Let me think about it. I will talk to Care too.” Mahina kong sagot. My head throbbing from an impending headache. “But if there is one thing, we need to be together. Lalo pa ngayon na buntis sya, Mahirap na magkahiwalay kami ng bahay. She’ll have to live with me. Pag-uusapan na rin namin saan magpapatayo ng bahay. We cannot live in the penthouse in the long-term.”
“That, hijo, I leave to Maricar to decide. Alam ko naman na kung sakali, you’ll take care of her.” ninong Iggy said.
MARICAR
"Migs... J-joaquin..." tawag ko sa lalaking ngayon ay nakaupo sa gazebo sa amin garden. Nakalabas na ito sa ospital at pumayag ako na dito siya sa amin umuwi.
Bagaman may mga bagay na hindi ko maalala, ramdam ko sa aking puso na nalulungkot ako pag nagkakalayo kami.
Lumingon ito sa akin at napansinghap ako sa kaguwapuhan nito. Lalo pa nang sumilay ang ngiti sa kaniyang labi.
"Care... Ayos ba ang pakiramdam mo?" Tanong nito sa akin. Bagaman ito ang nakabenda ay ako ang tinatanong nito.
"Yes. Oo, okay ako. Baka gusto mo mag meryenda. I made an egg pie kagabi. Nagpadala na ako dito pati drinks." Umupo ako sa katapat nitong silya.
Kasunod nito ang pagdating ng ilang kasambahay ng mga pagkain at inumin. Ipinaghiwa ko ito at nilagyan sa platito.
"Care, ako na. Just relax there." Saway pa ni Miguel sa akin.
"It's okay. I'm feeling okay. Ikaw ang dapat nagpapahinga." I smiled at him. Nakatitig naman ito sa akin.
"I love you Care." He said softly.
Namula ang pisngi ko. Dahil sa parang may naramdaman akong kilig sa may sikmura ko paakyat sa aking dibdib. Halos naramdaman ko rin ang biglang pagkislot ng baby sa aking sinapupunan. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya.
"It's okay, Care. Just let me show my feelings for you. Don't force yourself to respond back hangga't hindi ka pa ready." Ngumiti muli ito.
"Uhm, sorry. Hindi ko pa rin maalala talaga. And I feel guilty na bakit ganun." Mahina kong tugon dito.
Inabot ni Miguel ang kamay ko. "No, please huwag mong isipin yan. Maski ligawan kita araw araw at magpakilala sa'yo gagawin ko. Let's create new memories kung hindi mo man maalala ang dati."
Pinilit kong ngumiti ang gusto gawin ng katawan ko ay lumuha sa sinabi nito, pinigil ko ang sarili ko. "A-ah, eto ang slice mo. Do you want tea or coffee?"
"Sige coffee..." Sumubo na ito ng eggpie. "Hmmm, walang kakupas kupas. This is my all time favorite. Yung eggpie na ikaw ang gumawa. Alam na alam ko kapag hindi ikaw nag gumawa."
"Talaga? Nakakain ka na nyan dati? Yan ang malakas sa Bituin Cafe." Nakangiti kong tanong sa kaniya habang nagtitimpla ng kape nito.
"Oo, naalala ko pa nga the first time na gumawa ka nito. It was..." Tapos ngumiwi ito. Ibig sabihin hindi maganda ang kinalabasan. "Pero hindi ka tumigil halos everyday ka nag practive hanggang sa nakuha mo na yun lasa na favorite ko. Kaya ko nga ubusin ang isang buo lalo pagod ako sa swim practice ko nung naga-aral pa tayo."
Naaaliw naman ako sa kwento nito. A glimpse of life with him from the past.
"Ano pa ba ang mga bagay na gustong gusto natin gawin dati?" Napatanong ako bigla. Excited sa isasagot nito.
"Hmmm, marami. Madalas ganito kakain tayo kasi magaling kang magluto. Mahilig ka sa mga computer games inaabot tayo ng madaling araw kaya minsan dito sa inyo na kami nakakatulog ni Lyra o kaya ikaw sa amin. And most of our memories, nilalagay natin sa time capsule and hide them."
"Talaga? Curious ako kasi hindi ko maalala ang mga nilagay ko doon."
Matiim na nakatingin sa akin si Miguel.
"How about we dig all those time capsules?" Tanong nito.
"Ha? Wala ba tayong rules na bawal hanapin?" Tanong ko rin dito.
"No. In fact, baka makatulong iyon para maalala mo about our past." May pag-asa sa tono nito.
"Okay, sige if tingin mo it will help." Pagsang-ayon ko dito.
"I will have to talk to Lyra kasi nasa kaniya ang listahan saan natin lahat itinago ang mga time capsules. Pero yun iba naalala ko pa. Maybe each day, we dig one."
MIGUEL
Meron kaming limang time capsules. Ideya ito ni Lyra at Maricar nung grade 4 kami. Ginagawa namin ito hanggang sa pagtatapos ng high school.
"Okay so ito na ang una." Nakuha namin ito sa loob ng bakuran ng mga Cruz. Kadalasan naman ay sa bakuran nila o sa amin lang namin ibinaong ang mga iyon.
Hinayaan ko na buksan ni Lyra ang pamilyar na box na ginagamit namin para ilagay ang mga mementos na naisipan namin ilagay doon.
Lyra opened the box. Sa loob niyon ay tatlong mga bagay at tatlong mga papel na may pangalan namin. Ipinangako namin kay Lyra na hindi bubuksan ang kaniyang mga papel. Kundi ang sa amin lang ni Maricar.
Hawak ni Maricar ang isang papel na may pangalan niya at petsa nung kami ay nasa elementarya pa.
"This is a happy year. I went to Disneyland with my bestfriends. I wish I can be like the princesses who found their happily ever after with their princes and we will live in a castle too."
Kalakip nun ay ang isang keychain mula sa Disneyland.
"Oh I remember that trip... It was one of my happiest memories." I told her. Napangiti na rin ako sa alaala.
"And, you were screaming so loud during the roller coaster ride dun sa may mines." Natatawa pang sambit ni Maricar.
Natigilan kami pareho. While her eyes flickers at more memories flooding in.
"You remembered?" Tanong ko sa kaniya.
"Hindi ko nalimutan yun trip. But now, I remember the memories of you in that trip." Nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata nito.
"Don't cry my Care bear." paga-aalo ko dito.
Itinaas pa nito ang papel na may pangalan ko. "Okay to open this?"
"Yes, sige lang." I encourage her.
"I want to become the best swimmer. It makes my family happy and Care was so proud of me when I won the first place, she lost her voice cheering during the final game." Kasama sa box na iyon ang isang newspaper clip na may pangalan ko at swim time nang magwagi ako sa inter-school competition.
Napangiti naman si Maricar sa note. "Yeah, isang linggo ata akong walang boses matapos nag cheer ng malakas."
"Nagulat kamo ang lahat kasi ang tahimik mo pero grabe kang mag cheer. Rinig ko maski nasa ilalim na ata ako ng tubig." Biro ko dito.
"Thank you Joaquin. For doing this..." May bikig sa lalamunan nito na sinabi sa akin.
"Of course, I will do everything for you. I love you so much." Iniyakap ko dito ang isa kong braso at humilig ito sa aking dibdib.
"So bukas uli? We have to rest." Tumango ito. Habang ang isang kamay ko ay humihimas sa kaniyang puson kung nasaan ang aming baby.
Nang gabing iyon ay nasa loob kami ng silid ni Maricar. Malaki ito at maging ang kama. Okay naman sa amin na matulog sa isang kama lang.
Habang pinapanood ko ang mahimbing na tulog nito, hindi ko na naramdaman na dinalaw na rin ako ng antok. Maski pa marami pa rin ang masakit sa aking katawan, mga buto at bugbog na patuloy pang naghihilom, tila hindi ko ramdam ang mga ito nang dahil sa payapang gabi na nasa tabi ko lang si Maricar.