MARICAR
Matapos ang huling email sa isang supplier, isinara ni Maricar ang kaniyang laptop.
"Hay... I'm sooo happy. Ganito pala 'pag malaya mong naipapakita at naipaparamdam yun love mo sa taong mahal na mahal mo. Tapos minamahal ka rin."
"Eto na naman, bukas long distance relationship or LDR. Dati malayo kami ni Joaquin pero may masakit sa puso. May kulang. Pero ngayon, iba. Malayo man kami dahil bigla siyang naging OFW ako naman e naiwan sa Pinas."
Hindi maiwasan ni Maricar na mapangiti maski pa tambak ang dami ng trabaho.
Salamat na lang talaga sa bagong teknolohiya at may internet kaya puede mag video call.
"Gurl! Ano na yang pa smile smile na yan?" Sita ni Drew sa kaniya.
Hindi tuloy napansin ni Maricar na pumasok ang dalawang kaibigan at katrabaho.
"Grabe sya, kinikilig. Akala ko nagta-trabaho. Yun isip pala wala dito kung andun sa down under, sa Australia." Dugtong pa ni Ralph.
"Kayo talaga... masaya lang talaga ako." Maiksing balik ko sa kanila.
"Awww... you deserve it ghurl. Really very happy for you." Sabay hug pa ni Drew sa kaniya. Ginantihang balik naman niya ito ng yakap.
Si Ralph ang bumasag ang moment nila, "Tuloy ka mamaya papunta ng Insula Mirari?" Nanlalaki pa ang mga mata. "Anong deal bakit kasama si Stan at ang lolo at lola niya?"
"Oo. Magkababata pala sila ng lolo at lola ko. Imagine ngayon lang sila uli magkikita? Kahapon pa sila nandoon." Paliwanag nito.
Dinugtungan pa ni Drew, "At nag extend ang jowa... imbes na bumalik sa trabaho. Ang lakas ng radar at grabe mang bakod. Bilib na ako dati lalo pa ako nabilib ngayon."
"Kaya nag extend si Joaquin kasi may aasikasuhin sa opisina nila dito. Kasama mo ba pumunta?"
"Yeah, I invited him. Alam nyo naman lalo na si lolo Hans, parang unang apo niya si Joaquin kesa sa akin. Sobrang close ng dalawang yun. And besides mula maging 'in a relationship' kami, hindi pa namin nasasabi sa kanila." Mahabang paliwanag nito.
"So paano, alis na ako. We'll be using the chopper ng Vera Corp. Alam niyo naman si Joaquin. Sobrang busy, Papahatid na lang ako doon. Sabi ko nga sunduin ko na lang siya ng chopper namin. Ayaw." Natatawa na sinabi ni Maricar habang nagliligpit ng gamit.
"Rich problems talaga? Sige na lumakad ka na. Este lumipad ka na. Ingat kayo at magpakarami." Pagtataboy pa ni Drew.
INSULA MIRARI
Matapos bumaba ng chopper ang magkasintahan ay sinalubong ito sa malaking terasa ng mansion sa isla na pag-aari ng pamilya. Nandoon din ang mga bisita na tila ay nagmemeryenda base sa mga nakahain sa malaking mesa.
Lumapit at nagmano kasunod ang mahigpit na mga yakap ang sinalubong ng dalawa sa mga matatanda.
Nginitian ni Maricar si Stan at ang mga lolo at lola nito at nilapitan sila.
"How's your stay so far?" Tanong nito sa mga bisita.
Sumagot si Stan, "It's been great. Ang ganda ng lugar niyo kaya pala dito na sila tumira." Tukoy nito sa kaniyang abuelo at abuela.
Nang makalapit si Maricar sa lola ni Stan nang batiin niya ito. Hinawaka siya nito sa magkabilang braso at inilapit sa kaniya.
"Hans, eto na ba yun apo mo na magiging asawa ng apo kong si Stan?" Sa tonong may puntong Chinese nitong tinanong ang lolo ni Maricar.
Namilog ang mata ni Maricar sa sinabi ng matanda.
Si Miguel na ngayon ay umiinom ng tubig sa kabilang banda ay biglang naubo sa pagkasamid nang marinig ang sinabi ng matanda.
Napalingon dito si Stan. Lumapit sa kaniyang lola at sinabi, "Granny, that's an old joke between the four of you. Mahihimatay na sa shock si Maricar, see?" Hinawakan pa nito sa Maricar sa magkabilang balikat na inilayo sa kaniyang lola.
Malakas na tawa naman ang isinagot ni Hans dito. "Ikaw talaga, syempre biruan natin yun nung mga bata pa ang mga anak natin na kung hindi sila magkatuluyan, baka puede sa mga apo na lang."
"Malay natin diba? Lalo pa at dalagang dalaga ang apo namin at binata naman itong si Stan. Baka magkatotoo na ang pangarap natin maging isang ganap na pamilya." Sagot ng lola ni Maricar na tumatawa pa. Lumingon pa ito sa kanila ni Miguel na katabi na niya ngayon. Ang braso nito nakapalibot at hapit ang kaniyang baiwang.
"Itong dalawa, ganyan lang yan. Lumaki na halos magkapatid." Dugtong pa ng kaniyang lola.
Tumikhim ng bahagya si Miguel. "Lola Nancy, may boyfriend na po si Care."
Nagulat ang dalawa. Nakatingin lang ang mga bisita kay Miguel.
"It's about time hija! Buti at nakapasa dito kay Migs ang manliligaw mo." Tanong ni Hans.
"Lo... si Joaquin po ang boyfriend ko. We've been dating for more than a month now." Paliwanag niya sa abuelo.
"Sabi ko na nga ba, iba yang dikit niyo ngayon kesa dati." Biro ng abuelo.
Nakabawi na sa pagkabigla si lolo Nancy. "Oh my... Migs. Maricar. I've seen it coming pero yun magkatotoo, nakakabigla pa rin pala. Congratulations to the both of you." Nilapitan pa nito ang dalawa at niyakap.
Nang lingunin nito ang mga kaibigan, "Paano ba yan, may mga apo pa akong lalaki. May mga apo ba kayong babae. Baka dapat habang maaga magkakilala na sila."
"Umpisahan na natin mag meryenda. Para makapaglibot na rin tayo. I will show you my new horses." Pag-aaya ni lolo Hans sa kanila.
Bago dumilim ay umalis na rin ang dalawa. Habang nasa helicopter ay matiim na tinititigan ni Miguel ang kasintahan.
"What? Kanina ka pa tahimik." Tanong niya sa
"Kung nahuli pala ako, baka ipa arranged marriage ka na dun kay Stan."
"Paano ka mahuhuli? Siya ngayon ko lang nakilalaZ ikaw, mula pag-uwi ko sa bahay na pinanganak ako katabi na tayo sa kuna." Biro pa niya.
"Oo nga pero iba kung nahuli at nagpatumpik tumpik pa ako."
Maricar's eyes softened. "Sarado ang puso ko sa iba. Even when I left, parang nasa iyo ko iniwan ang susi kaya maski ako di ko mabuksan. Kaya huwag ka na mag isip ng kung ano pa."
Hinapit siya nito at niyakap ng mahigpit.
"I love you so much, Care."
Mahigpit na yakap ang iginanti nito sa katipan.
"And I love you too, Miguel Joaquin Vera."
HOSPITAL
MIGUEL
Blip. Blip. Blip.
Sari-saring tunog ang pumapasok sa pandinig ni Miguel. Nang magsimula itong magbukas ng mga mata. Blurry. Maliwanag. Amoy antiseptic.
"Where am I?" Tanong niya pero tila hindi lumalabas sa kaniyang bibig.
Binabarena ng sakit ng ulo nito. Nang makaramdam siya ng mga pag galaw sa kaniyang paligid.
"Water..." Sa wakas ay lumabas sa kaniyang bibig ang gustong sabihin.
Nariring niya ang boses ng kaniyang ina, "Oh my God. Thank you. Thank you." Humahagulgol ito. "He's asking for water!"
"Mom?"
"Son, I'm here." Umiiyak na si Lanie ang humawak kay Miguel.
Nagmulat ng mga mata si Miguel. Doon niya napagtanto ang kalagayan. Nakahiga siya sa isang hospital bed. May mga nakadikit sa kaniyang aparato at swero. May doctors at nurses na nag-uusap-usap at chine-check siya. Ang kaniyang ina umiiyak na hawak siya sa kamay.
He can even hear his father's voice. Umiiyak ito. "Bakit umiiyak si dad?"
Then he blacked out.
Tunog ng malakas na salpukan ng mga bakal. Sa likod ng sasakyan katabi niya ang isang babae. Hindi sila naka seatbelt kung kaya nang umikot ang sasakyan, halos tumilapon ito sa loob ng sasakyan. He grabbed her and hugged her tight. Nang tumigil ang pag-ikot, umaagos ang dugo sa kaniyang ulo. Masakit ang katawan at disoriented. The woman in his arms. Lifeless. Puro dugo ang gilid ng ulo nito.
He has never been scared in his whole life. Seeing the woman he love lifeless in his arms daig pa na siya ng mawalan ng buhay.
Miguel was shaking when he woke up screaming.
MARICAR
It's been a week mula nang nilabas siya ng ospital. Ang sabi ng kaniyang mga magulang, naaksidente siya. Isang vehicular accident kasama ang kaniyang nobyo. Beating the red light na isang malaking delivery truck ang sumalpok at inararo ang kanilang sinasakyang kotse.
Ngunit wala siyang maalala sa nangyari. Maging ang tinutukoy na nobyo niya ay hindi niya mahanap sa kaniyang isipan.
Sa ngayon ay nananatili siyang nasa bahay upang magpagaling. Tinukoy ng mga doctor na ang head injury na natamo sa aksidente ang dahilan ng kaniyang temporary amnesia.
May mga ilan bagay din siyang hindi masyadong maalala tulad ng passwords at mga ilan maliit na mga bagay. Normal daw ito at sa kaniyang patuloy na paggaling ay mataas ang tsansa na bumalik ang alaala.
Ang sinasabing hindi pagkaalala sa kaniyang nobyo ay dahil sa trauma na nangyari habang sila ay naaksidente. Ang naging reaksyon ng kaniyang isip ay itago ang alaala ng taong iyon.
"Anak, kumain ka muna. Eto dinalhan ka namin ng paborito mong pagkain." Ang kaniyang ina na si Miracle. Kasunod pa nito ang kaniyang kapatid na si Gray.
"Ate Car, wala na kaming pasok sa school. I want to help with your business. I can talk to Ralph and ask where I can help in Bituin Cafe. Kahit barista siguro or sa office. Kung okay lang sa'yo?" Tanong ni Gray.
"Oo naman bro. Thank you." Matipid niyang sagot. Na touch siya dahil alam niya na ito ang pamamaraan mg kapatid para ipakita sa kaniya ang paga-alala.
Ngumiti naman ito sa kaniya. "I want you to recover quickly kaya magpahinga ka lang dito sa bahay. Ako bahala sa cafe."
Nginitian niya ito.
"O sya, kumain ka na, eto." Ulit ng kaniyang ina.
"Ate Car. May update na kay Kuya Migs. Nagising na daw ito kanina." Pinipilit nitong pasiglahin ang tono. "Ang tagal bago siya nagising ano? It was a roller coaster one week."
"T-that's good news kung nagising na siya." Ngunit malungkot ang tono nito.
"Anak, hija. Hindi mo pa rin ba naaalala si Migs?"
Umiling si Maricar. Sabay ang pagtulo ng mga luha.
"How can I forget someone that I supposedly love and nagligtas ng buhay ko sa kapahamakan?" Nakakahiya sa kaniya.
"Wag mo ipilit, anak. Darating din yan. Ang importante ngayon ay magpagaling ka at maayos din ang lahat. Kaya eto kumain ka muna." Pag-aalala ng kaniyang ina.
MIGUEL
"Everything hurts like hell." Miguel muttered. Nakapikit pa ito habang nakangiwi.
"Mom, I need to see Care. How is she?" Lumingon ito sa ina. Katabi rin nito si Lyra na umuwi nang bansa matapos malaman ang nangyari sa kanilang aksidente.
"She's been discharged yesterday. Inuwi na siya to continue recovering at home. May private nurse at doctor's visit siya kaya huwag kang mag-alala."
"Alam nyo na hindi ko maiiwasan na mag-alala. We were together when it happened. And she's not just my best friend, she's my girlfriend too. Can I at least talk to her? Where's my cellphone?" Tanong pa ni Miguel
Mabilis na sumagot si Lyra. "Uhm Migs, baka nagpapahinga siya ngayon. Hayaan mo na makapag pagaling na kayo pareho."
Iniikot ni Miguel ang tingin sa napakali nitong hospital suite. Narinig nya kanina ang boses ni Andie ang kaniyang personal assistant. Nasa sala ito ng kaniyang kuwarto.
"Andie, I need my phone." Malakas niyang sinabi.
Pumasok si Andy. Lumapit at iniabot ang cellphone kay Miguel. Nakita niyang bago ang iniabot nito. Ang wallpaper na tumambad sa kaniya ay hindi ang nakangiting mukha ni Maricar.
Tumikhim naman si Andy na tinuran dito, "Your phone was damaged from the accident. We don't know your password sa backup kaya maari maibalik ang lahat ng laman nito pagpasok mo ng password sa backup recovery, sir." Mahaba nitong paliwanag sa nakakunot na amo.
Nang lumingon si Miguel dito, mababanaag sa mukha nito ang emosyon na pinipilit itago. Mula sa umpisa ng kaniyang pagta trabaho sa Vera Corp, ito na ang kaniyang kasa-kasama. Nauna ito doon ng tatlong taon. Nasa kolehiyo pa siya ng magsimula ito sa kumpanya.
Mahinahon na tiningnan nito sa mata ang kausap, "Salamat, Andie." Iniabot niya ang kamay dito.
Lumapit si Andie sa kaniya at mabilis na nag bro hug. "I'm so happy to see back. But you look really really beat up." Biro pa nito sa huli.
"Do I?" Binuksan ni Miguel ang cellphone camera at sinipat ang sarili. Mga sugat, nangingitim na mga dugo sa palibot ng mata sensyales ng matinding pagkalauntog ng kaniyang ulo. Bugbog at mga sugat sa braso. Nararamdaman din nya ang pananakit ng mga binti at maging sa mga paa.
Narinig niya ang pagsinghot at hikbi ng ina sa ginagawa niyang pagsipat ng sarili.
"Oh mom. Don't cry. I'm alive."
Mabilis itong lumapit sa kaniya. "Thank God, Migs!" At doon humagulgol sa kaniyang mga bisig ang ina.
Nang mahimasmasan ito, nagsalita si Andie. "With all due respect ma'am, I think we should tell Migs. Matagal ko na siyang nakatrabaho at para na rin sa magkapatid ang turingan namin. Kaya alam ko na gugustuhin niyang malaman."
Doon naman umiyak si Lyra. "I know. Kailangan din niya malaman. Oh God, I can't bear this."
"What?" Naguguluhan na tanong ni Miguel.
Si Lanie ang nagsalita. "Son, Maricar is physically well kaya na discharge na siya. But she had a bad hit sa ulo niya that's being observed still. Dahil doon, may mga bagay siyang maaring hindi maalala. Including the accident. Amnesia."
Mabilis naman nakabalik ng sagot si Miguel, "It's okay na malimutan niya ang nangyari doon. It still haunts my dreams. Seeing her lifeless..." napapikit si Miguel sa pagbaha ng emosyon na maalala ang lahat.
Nakapikit pa rin si Miguel pero naramdaman niya ang paglapit na rin si Lyra sa kaniyang kama. "Ang isa pang hindi niya maalala na importante sa kaniya... ay ikaw. She doesn't remember you."
Parang tumigil kay Miguel ang lahat. Wala siya sa ospital, wala siya sa kamang ito. Nasa kadiliman lamang. Mas masakit ang nararamdaman niya sa kaniyang puso kumpara sa lahat ng bugbog na timamo sa aksidente. Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng luha.
Doon na ito niyakap ng ina at kakambal.
"And Migs, she's pregnant but she doesn't know yet. It's a miracle the baby survived. Kaya rin limitado ang mga gamot na naibigay sa kaniya. Dahil sa kundisyon niya ngayon." Bulong ni Lyra sa kaniya.
"Thanks Lyra. You're a good sister. Thank you."
"May awa ang Diyos, anak. Maayos din ang lahat. Magpagaling ka muna. Hindi namin pababayaan si Maricar. Ang ninong at ninang mo, kaming lahat ay narito para sa inyo."
Matapos ang madamdaming umaga, nakatulog nang muli si Miguel. May mga bugbog pa rin ang kaniyang internal organs kung kaya hindi pa siya pinapalabas ng ospital. Nagising siya na may nurse na tinitingnan ang kaniyang vital signs at nagsusulat sa chart nito.
"Hi, sir. How are you feeling now?"
"Better. Baka puede na ako umuwi?"
"Maganda po pala kung ganun. Pero itatanong muna natin sa doctor kung puede na kasi ngayon naka pain killers pa kayo, binabawasan na ang dose araw araw. Baka pag inalis bigla, lahat ng masakit sa inyo can cause you stress. Pain can elevate your blood pressure." Nakangiti nitong sinabi.
"Ganun ba? May mga nararamdaman pa mga akong masakit maski may gamot. Hindi rin ako makaupo. Masakit ang katawan ko."
"Huwag niyo muna pilitin, you have minor fractures kaya bawal po kayo tumayo. Ngayon na nagising na kayo, the orthopedic doctor will explain sa kaniyang rounds ang mga gagawin."
"Okay kung ganun." Napalingon si Miguel kay Andie na nasa sofa malapit sa kaniyang kama. Nagpaalam na ang nurse nang ibalik niya ang tingin dito.
"Andie, yun laptop ko?"
"Hep, no work." Boses ng kaniyang ama nang pumasok ito. Kasunod ang kaniyang ina, kapatid, at ninong Iggy.
Niyakap siya ng kaniyang ama. "Son..." bakas sa boses nito ang emosyon. Matagal bago ito bumitiw sa kaniya.
Naramdaman niya rin ang kamay ng kaniyang ninong Iggy. Bumitaw ang kaniyang ama sa kaniya. Luhaan ito. The strongest man he know in his life na ngayon ay may luha sa mga mata dahil sa kaniya. He can't help but feel his love for him. Mateo Vera. The indomitable businessman. His father. Miguel's heart swelled with love for the man.
"Ninong Iggy, how's Care?" tanong niya nag lingunin nito ang isang tao na lubos din niyang hinahangaan. Mula sa kaniyang pagkabata, nakamulatan na niya ito na parang pangalawang ama. Ang pagmamahal nito sa kanilang magkapatid ay ganoon rin sa sarili nitong mga anak ng ninang Miracle nila ni Lyra.
Lumapit at yumakap din ito sa kaniya. "Thank for asking hijo. She's been better. Pero ikaw ang gusto kong kumustahin." Bumitaw ito ng hawak sa kaniya. "I'm just happy you're back with us. It was a scary week of waiting for you to wake up."
"Sorry for making you all feel this way." Sagot ni Miguel hindi lang kay Iggy kundi sa lahat ng nasa loob ng kaniyang kuwarto.
"You don't have anything to be sorry for. Yun driver ng truck na nakabangga sa inyo. Napag-alaman na may tama pa ng alak. He is behind bars now. Bukod sa inyo ang pahinante nito na kasama niya ay tumilapon at binawian ng buhay. There are two other cars na inararo ng kaniyang truck kung kaya napakalaking balita nito. And of course naidagdag pa na kayo ni Maricar ay kasama sa mga biktima." Paliwanag ng kaniyang ama.
Isang pisil sa kamay ng ama ang kaniyang isinagot.
"I need to see Care. Please. Alam ko na may selective amnesia siya. I won't do anything na pilitin syang alalahanin ako. But I need to see her. Please dad, ninong. Please." Pakiusap niya dito.
Si Iggy, "Mukhang matatagalan ka pang lumabas dito. And I cannot risk Maricar leaving the house para bumiyahe. Binanggit ni Lyra na alam mo nang buntis si Maricar. And we also have to think about this."
"And the work I left in Sydney. Ang negosyo ni Care..." mahinang dugtong ni Miguel
"Ito ang mga dapat natin unahin, ang paggaling ninyong dalawa. Ang negosyo magagawan ng paraan. Think about recoving better for you, Maricar, and your baby." Mabilis na hinayo dito ng ama.
"Iggy, kung hindi lang dahil sa mga injuries, ng inaanak mo, sasabihin ko sana sa'yo kung gusto mong kastiguhin ito, ikaw ang bahala. I would understand dahil anak na rin para sa akin si Maricar. Him getting her pregnant..." Si Mateo kay Iggy.
"Yeah, mas malala naman ang bugbog na nakuha niya ngayon kaya hindi ko na dadagdagan." Pabirong sagot nito. "But seriously, Migs. No protection? Kayong mga kabataan talaga."
"Dad, mom, ninong, hindi na po kami mga bata. You all know handa kong panagutan si Maricar. I apologize to you na hindi ako nakapaghintay na makasal kami at andito tayo sa sitwasyon na ito. But you all know I love her so much." sinsero nitong paliwanag.
Si Iggy, "I know, we know. When you were found, your whole body took all the hit. Ang bugbog dahil sa pag-ikot ng sasakyan. Itinago mo ang anak ko sa iyong katawan. Kung hindi, baka lalo silang napahamak ng baby. You protected them with your life, hijo. Salamat."
"Ninong Iggy, I need to see her. Please." Muling sumamo nito.
"Okay, I'll give you access to the CCTV at home. Maski paano masilayan mo siya habang andito ka pa."
"Salamat. That's all I ask for now." Sagot ni Miguel.
MARICAR
"Anak, ready ka na ba?" Tanong ng kaniyang ina. Paalis sila para sa follow-up check up. Mahigit isang linggo na mula nang siya ay umuwi mula sa ospital. Ibig sabihin, dalawang linggo mula nang sila ay maaksidente ni Miguel.
"Ready na ako, Nay." Sagot niya.
Lumapit ang ina sa kaniya at hinawakan ang kaniyang mga kamay. "Car, I need to tell you something. Yun check up natin ngayon na pupuntahan... bukod sa follow-up from the accident... We'll see your OB Gynecologist."
Napakunot naman ng noo si Maricar.
"You were found to be pregnant nung dinala ka sa ospital. " Paliwanag nito sa kaniya.
Napatingin si Maricar sa kaniyang puson at wala sa isip na nahawakan ito. Kaya pala may kakaiba siyang nararamdaman ng mga nakaraang araw na hindi niya maipaliwanag.
"I-i'm pregnant..." Nabibigla na inulit nito. At doon pumasok sa kaniyang isip na ang malamang na ama nito ay ang lalaki na hindi niya maalala. Doon na pumatak ang kaniyang luha.
"Maricar, anak... Migs is still in the hospital. Payag ka ba na puntahan natin siya? He's been asking to see you mula nang araw na magkamalay siya."
Naglalaro ang pagkalito sa mga mata ni Maricar. Hindi alam ang isasagot kung gusto na niya o hindi. Mas nangunguna ang takot at guilt na hindi niya maalala sino si Miguel na tinatawag nilang Migs.
Ang kaniyang ina ang bumasag sa kaniyang pagkalito. "Pumunta na tayo sa check-up at baka mahuli pa tayo. Kung hindi ka pa sigurado, it's okay."
Matapos ang mga check-up appointments ni Maricar sa iba't ibang doktor ay binabaybay na nilang mag-ina ang palabas ng ospital. Ang kaniyang mga gamot at bitamina para sa baby ay nabili nang lahat.
"Nay, wait. Sabi ninyo kanina, nandito pa rin si Migs?"
"You wan to see him?"
Tumango si Maricar.
HOSPITAL SUITE
Inalis na ang benda sa ulo ni Miguel. Ngayon ay sinusubukan nila na ito ay tumayo. May brace ang kaniyang kanang binti. Hindi na ito pina-cast ng doctor. Ang kaniyang kaliwang balikat na ilang araw nang masakit at may torn muscle at bali ay binabalulutan ng shoulder brace.
Nakaupo siya sa kaniyang kama habang nag paa ay nakababa ay nakapatong isang step stool.
Hubad baro si Miguel sa kaniyan pang itaas. Isang nurse na babae ang naglilinis ng kaniyang balikat at nakahanda nitong pahiran siya ng liniment bago pa man isuot ang kaniyang shoulder brace.
Nakariringgan ni Miguel na tila may mahinang komosyon sa labas ng kaniyang kuwarto kung kaya napalingon siya doon.
Unti-unting bumukas ang sliding door. Halos tumigil ang mundo ni Miguel nang makitang muli ang mukha na ilang araw nang sa screen ng laptop niya lang nakikita. Si Maricar.
"Care..." pigil pa rin ang hininga na naibulong niya ang pangalan nito.
Sa pagkabigla ay napatayo nang bahagya si Miguel. Gumuhit ang sakit na nagmumula sa kaniyang binti, baiwang, maging sa balikat.
Napangiwi ito sa sakit at hindi napigilan ang malakas na ungol dahil sa sabay sabay na naramdaman. Hinawakan siya ng nurse upang hindi matumba. Muling naupo si si Miguel sa kaniyang kama. Dahan dahan na paghinga ng malalim ang kaniyang ginawa upang maibsan ang sakit.
The moment he smelled of her scent, nagmulat ng mga mata si Miguel. Nasa harap na nito si Maricar.
"Are you alright?" Nag-aalala na tanong nito sa kaniya. Nakahawak pa sa kaniyang kanang braso ang babae.
"Yeah. Yeah, I'm okay." Hindi napigilan ni Miguel ang sarili. Bagaman alam niya hindi siya nito naalala, ang bugso ng damdamin ang nagbunsod sa kaniya para hilain ito at iyakap sa kaniya.
Ramdam ni Maricar nang yumugyog ang balikat ng lalaking nakayakap sa kaniya. Umiiyak ang binata. Hindi lang basta iyak. Isang pagtangis. Isang hinagpis ang inilalabas nito. Hindi maipaliwanag ni Maricar na bigla na lang din ang pagdaloy ng kaniyang mga luha at niyakap ang lalaki.
Doon rin humingi ng paumanhin ang nurse at lumabas ng pinto.
Hindi niya ito maalala sa isip ngunit ramdam ng kaniyang puso na mahalaga ito sa kaniya. At ang sa damdaming ipinapakita nito ngayon nasa itsura nito na hindi basta iiyak ng ganun ganun na lang. Mukha itong may malakas na personalidad. Bagaman bakas sa hubad baro nitong katawan ang ilang mga pasa at sugat pa rin, malaki ang katawan nito. Para umiyak ito sa kaniyang presensya na parang namatayan, ramdam ni Maricar, mahalaga siya sa lalaking ito.
"Care. I love you. I'm glad you're here. Alive. I can't imagine if I lost you. I love you." Madamdamin nitong sinabi.
Ang isang kamay nito na humawak sa kaniyang puson. Nagsimula na itong kumalma. "Baby, I'm here. I'm your daddy."
Muling ibinalik ni Miguel ang mga mata sa mukha ni Maricar. Pinalis nito ang mga luha sa mga pisngi ng dalaga. "Stop crying baka makasama sa inyo."
"Then stop crying too. Because I may not remember you but my heart knows and it's crying for you." Sagot ni Maricar dito. "And I feel guilty for not remembering you." Doon na lalong sunod sunod na ang pag-iyak ni Maricar.
Hinagod ni Miguel and likod nito at pilit inaabot ng isang kamay ang mukha nito upang pahirin ang luha ng umiiyak na dalaga.
"Sshhh. No. It's not your fault. We'll take each day at a time. Stop crying, sweatheart"
Nang naibsan na ang pag-iyak ni Maricar, ibinulong dito ni Miguel. "We have the rest of our lives ahead of us. Hindi ako magsasawa na magpakilala muli sa iyo. Okay?"
Ramdam ni Miguel na tumango ito. "I call you Care and I love you so much. You call me Joaquin. You're the only one who call me that."
Muli itong tumango. "Okay." Tumingin ito sa kaniya. "Then mister, you need to put on your shirt. Iba na ang hagod ng tingin sayo ng nurse kanina, Joaquin."
"Aba mukhang nagse-selos ka yata."
"Hindi kaya. Buntis na ako, baka maunahan pa ng iba." Biro nito sa lalaki.
"Never. Only you, Care. Only you." Madamdaming sagot ni Miguel dito.