THIRD PERSON POV Nasa tapat ng pinto si Reb, sa kwarto ng kaniyang mga magulang. Tahimik itong nakatayo at palihim na nakikinig sa usapan ng kaniyang ina at lola. Hindi naman talaga niya gustong makinig, nagkataon lamang na papasok sana siya sa loob nang marinig ang mga ito. At lalo pa siyang naging interesado dahil patungkol iyon sa kaniyang Ate Sandrynne. “May balak ka bang sabihin kay Sandrynne na ipinapahanap n'yo ang anak n'yo?” tanong ng kaniyang lola. “Oo, ma. Pero hindi muna ngayon," sagot ng kaniyang ina, si Aimee. 'Ibig sabihin ipinapahanap na nila ang totoo kong ate?' bulong ni Reb sa sarili. Alam niya ang tungkol sa kaniyang kapatid dahil ipinaalam na ito ng kaniyang mga magulang noon pa. Ngunit ang tungkol sa paghahanap dito—doon siya walang ideya. 'Teka? Hindi ba dapa

