SANDRYNNE'S POV Nakaangat na ang kamay ko sa ere, handa na sana sa pagkatok sa pinto nila mommy ngunit hindi ko itinuloy. Ang totoo, simula kaninang pag-uwi ko ay gusto ko na siyang makausap dahil hindi mawala-wala sa isip ko ang sinabi ni Pitchie. Gusto kong malaman kung posible nga ba na dahil sa aksidente noon kaya wala akong maalala. "Oh, Sandrynne?" Napaatras ako nang bumukas ang pinto at lumabas si mommy. "Po?" "Ano'ng ginagawa mo riyan? Kanina ka pa? Bakit hindi ka pumasok sa loob?" sunud-sunod niyang tanong sa 'kin. Nakabihis siya at mukhang may pupuntahan. "Hindi na po. Gusto lang sana kitang makita." "Bakit? May problema ka ba? Parang malungkot ka?" Lumapit siya lalo sa akin at hinawi ang buhok ko papunta sa likod ng aking tainga. "Wala naman po. I just...I missed you."

