IINY: Chapter 16

2319 Words

PITCHIE'S POV Nasa mall kami ni Eyin, kumakain sa isang fastfood chain. Pagkatapos kasi ng klase namin ay inaya ko muna siyang gumala saglit dahil ayoko pa namang umuwi. "Punta muna 'ko sa restroom, Pitchie. Sama ka?" Agad akong umiling nang tumayo siya. Mas pinili ko na lang maiwan dahil wala ako sa mood maglakad agad. Medyo naparami kasi ako ng kinain. "Sige. Hintayin mo na lang ako d'yan." Habang hinihintay ko siya sa pagbalik ay naisipan ko muna'ng mag-retouch. Ngunit bago pa man ako matapos ay may babaeng lumapit sa akin. Maayos ang suot niya at mukhang mas matanda ito kaysa sa akin. "Hello. Pitchie, right?" Nakangiti siyang umupo sa harap ko. Sa puwesto ni Eyin kanina. At hindi ako kumibo o tumango dahil hindi ko naman siya kilala. "Kapatid mo si Lance Harris San Pedro, 'di ba? I

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD