SANDRYNNE'S POV “A-ano po'ng ibig n'yong sabihin?” naguguluhan at naiiyak kong tanong kay Mama Jane habang tila may tambol sa dibdib ko dahil sa kaba. “Mia...” Inabot niya ang parehong kamay ko at hinawakan iyon habang nakatitig sa aking mga mata. “Ikaw 'yung batang iniligtas ko noon sa nasunog na ospital.” Ganoon na lamang ang gulat ko sa sinabi niya. Kasunod no'n ang malakas na paghagulgol ni lola. Hindi ako makakibo. Dahil kahit gustuhin ko man ay parang umurong ang dila ko. Hindi ko rin masabi kung totoo ba ang nangyayari ngayon o baka panaginip ko lamang. Ang alam ko lang ay walang tigil ang paglandas ng luha sa pisngi ko lalo na noong nilingon ko si mommy, daddy, lola at si Reb. Lahat sila ay umiiyak habang pinagmamasdan ako. Kasunod na rin ang biglang pagbagsak ni lola. "Ma!"

