SANDRYNNE'S POV Hinintay kong madala ni Kuya Wen ang kotse ko para hindi ang van ko ang gamitin ko papunta sa bahay ni Harris. Hindi ko pa nga alam kung saan ang bahay niyang sinasabi dahil hindi ko pa 'yon napuntahan. Kinailangan ko pa tuloy gumamit ng app na magdi-direct sa akin sa address na ibinigay niya. Ang sabi niya, iyon ang bahay na ipinagawa niya. At dahil nakapahinga siya ng ilang araw kaya sinamantala raw niya para doon muna mag-stay, malayo sa kaniyang manager. Almost 2 hours ang naging biyahe ko bago ako makarating sa address na ibinigay niya. Bumaba ako ng sasakyan at tinanaw ang napakalaking bahay na hinintuan ko. Para 'yon isang mansyon at hindi bast-basta ang nakatira. Sabagay, hindi nga naman siya basta-basta. Artista siya. Lumapit ako sa gate upang mag-doorbell. Ngu

