HONEY'S POV Tinawagan ako ni Tristan para papuntahin sa university clinic dahil kay Sandrynne. Nawalan na naman daw kasi ito ng malay. Kasama ko pa sana si Bry na pupunta pero tinawagan naman siya ni Harris kaya kinailangan namin maghiwalay ng landas. "Call you later," paalam pa nito sa akin at tumango naman ako nang nakangiti bago siya tuluyang talikuran. Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari, pero nang marating ko ang clinic ay naabutan ko si Tristan na nagbabantay kay Sandrynne. “Ano'ng nangyari sa kan'ya?” Palapit ako sa hinihigaan nitong kama. “Nawalan s'ya ng malay kanina kaya dinala ko s'ya rito,” Tristan answered. Sinulyapan ko naman siya. “Again? Bakit ang dalas naman yata?" Muli kong ibinalik ang tingin sa hanggang ngayon ay nakapikit pa rin na si Sandrynne. Napapaisip na

