HONEY’s POV Nakangiti kaming nagpaalam ni Tristan sa mga bata sa ampunan. Tulad ng inaasahan ay bigo kaming makakuha ng impormasyon kung nasaan na si Mia. Ang dating madre kasi na nag-aalaga sa kaniya na si Sister Anna ay wala na rin dito. Karamihan ng mga tagapangalaga ng mga bata ngayon ay mga bago kaya wala silang alam at hindi nila kilala si Mia. “Dati si Mia lang ang problema ko. Ngayon, pati si Sister Anna kailangan ko na rin hagilapin.” Bumuntong-hininga ako. “Kung narito ba si Sister Anna, sigurado ba na matutulungan n’ya tayo sa paghahanap kay Mia?” si Tristan, habang naglalakad kami pabalik kung saan niya ipinarada ang kaniyang sasakyan. “Not sure. Pero, baka sakali…” Bigla akong natigilan sa paghakbang nang mag-angat ako ng tingin at matanaw si Sandrynne sa ‘di kalayuan, nak

