THIRD PERSON POV (Bago dumating si Sandrynne sa bahay ni Harris...) Tatlong bote ng beer na ang naubos ni Tristan kaya't nagdesisyon na siyang tumayo at magpaalam kay Jessie. Ayaw sana niyang uminom ngunit hindi siya tinigilan nito kanina kaya't pinagbigyan niya. "Uwi na 'ko." Dali-dali siyang tumungo palabas sa pinto ngunit agad din siya nitong hinarang at pinilit na mapabalik sa kaniyang upuan. "Kaunti na lang naman 'to. Ubusin na natin!" Sinulyapan ni Jessie ang ilang bote pang natitira. "Hindi ako p'wedeng uminom nang marami, magda-drive pa 'ko pauwi," tanggi niya rito. Ngunit muli siya nitong inabutan ng beer. "Oo na. Basta ubusin mo 'yang tatlo. Sa 'min na ni Harris 'tong natitira. Tig-anim kami." Nagsalubong naman ang mga kilay ni Harris at bumaling sa kaniyang manager dahil

