Third Person's POV Umuwi si Tristan sa kanila upang magpalit ng sasakyan bago pumunta sa bahay ni Harris. Ang sports motorcycle niya ang naisip niyang gamitin para magmukha siyang delivery boy. Nagsuot din siya ng leather jacket, gloves at helmet upang hindi agad siya makilala mamaya pagdating niya sa bahay nito. Si Harris naman ay kasalukuyang nakasilip sa full length glass window at mula roon ay tanaw niyang nag-aalisan na ang mga reporter na kanina pa ay nakaabang na sa labas ng kaniyang bahaya. Nang makasakay na ang mga 'yon sa kani-kanilang sasakyan ay agad siyang napangiti. "Yessss!" Isinuntok niya ang kamao sa hangin at sumasayaw na tumungo sa couch upang damputin ang kaniyang cell phone. Napansin niyang wala pa rin text si Sandrynne kaya naisipan niya na lamang itong tawagan

