Sandrynne's POV Sa bawat pagtunog ng telepono sa office, naroon sa tabi si Ria upang iangat iyon saglit at muling ibaba. Tunog. Angat. Baba. Tunog. Angat. Baba. Walang kasawaan niya iyon ginagawa dahil wala rin kasawaan ang mga tumatawag doon. Simula kasi kahapon, nang lumabas sa balita na naging ex-girlfriend ako ni Harris, pati na rin ang tungkol sa usap-usapang kumakalat sa internet, ay sunud-sunod na ang mga tumatawag sa company. Karamihan sa mga ito ay journalist, reporter at iba pang taga-media. Gusto nila akong interbyuhin, ngunit kagabi, noong nag-usap kami ni Harris sa phone, ay kabilin-bilinan niya na huwag akong magpapa-interview dahil lalo lamang daw hindi matatapos ang issue. Dahil kapag nagsalita ako, panibagong usapan na naman ang lalabas. "Miss Sandrynne, may mga repor

