Sandrynne's POV Sa kabila ng ingay ng mga tao sa aking paligid ay nangibabaw pa rin sa akin ang isang pamilyar na boses. "Excuse me! Excuse me! Excuse!" Hindi ko alam kung saan siya naroon dahil sa dami ng taong nakapaligid sa akin. Ngunit ilang sandali pa ay biglang dumilim ang aking paligid nang tumakip sa ulo ko ang isang itim na jacket. At dahil sa amoy no'n ay hindi ko na kailangan pang magtanong kung sino ang sumaklolo sa akin. Si Tristan. Inakbayan niya ako at kinabig nang husto sa katawan niya. Halos hawiin niya ang mga tao para magkaroon kami ng daraanan, habang wala pa rin tigil ang mga reporter sa kanilang mga tanong tungkol sa amin ni Harris. "Paano mo nalamang narito 'ko?" mahina kong tanong habang mabilis kaming naglalakad papunta sa sasakyan niya. May ilan pa ring pi

