SANDRYNNE's POV Nasa office ako ngayon, kausap ko si Harris sa phone ko. Sinabi niyang naghihintay ulit siya sa akin sa café, sa tapat ng building dahil gusto niyang sabay kaming mag-lunch. "P'wede bang tumanggi?" biro ko. "Bakit? Ayaw mo na agad akong makasama?" May pagtatampo sa boses niya at kahit hindi ko siya nakikita ay tila nakaguhit sa aking isip ang mukha niyang bahagyang nakasimangot. "It's not like that. I'm just...tired." Hanggang ngayon kasi ay ramdam ko pa rin ang p*******t ng katawan ko. "Uh. Pinagod ba kita masyado kahapon? I'm sorry." Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya awtomatiko akong napangiti nang bumalik sa isip ko ang nangyari sa villa. "H'wag kang mag-alala. Lunch lang naman tayo ngayon kaya hindi ka mapapagod. Hindi tayo magkakape. Pahinga muna us." "Si

