PITCHIE's POV Magkasama kami ni Eyin sa loob ng room, break time kaya sinamantala namin mag-edit ng vlog sa dala kong laptop. Ngunit sa pagkakataong ito ay vlog niya ang ine-edit namin. Pinilit ko siya at kinumbinsi na gumawa ng YT channel niya dahil gusto ko siyang tulungan. Gumawa ako ng paraan para dumami ang subscribers niya pati na rin ang followers niya sa social media. At iyon ay sa pamamagitan ng pa-giveaways ko ng album ni Kuya Harris at mga posters with autograph sa mga followers ko, and in return dapat ay I-follow at mag-subscribes sila sa channel ni Eyin. Naging successful naman ang teknik ko dahil marami talagang naghahangad ng free album ni kuya, mga posters at kung anu-ano pang may print ng pagmumukha niya like tumbler, mug, pens, phone cases, etc. Kaya ngayon ay umabot

