Sandrynne's POV “Mommy, have you seen the ticket you gave me?” natatarantang tanong sa akin ni Mimi na kagigising lamang ngunit litong-lito na ang mundo. Gulo pa ang kaniyang buhok at hindi pa nakakahilamos. Ako naman ay nakaharap sa vanity mirror sa aking kwarto kung saan halos mapuno na ng pagmumukha ni Harris dahil sa mga pinagdidikit niyang stickers. “Nawala sa bag ko, mommy!” she added, almost crying. “Hindi ko alam, anak. I gave it to you. Ikaw ang nagtabi, ‘di ba?” Bahagyang kumirot ang dibdib ko sa ginawa kong pagsisinungaling lalo pa at gano’n ang itsura niya—nanggigilid na ang kaniyang mga luha. “Hindi ko makita, mommy!” Tumakbo ulit siya pabalik sa five-layer na rack organizer kung saan isa-isang nakasalansan ang kaniyang mga bag. Kinuha niya ang isang cute na Gucci handbag n

