HONEY'S POV Pagkatapos suntukin ni Harris si Tristan ay agad itong tumayo para gumanti. Ako naman ay natataranta at hindi malaman ang gagawin lalo na at nagkakasakitan na silang dalawa. "Harris! Tristan! Tama na 'yan!" Hayun. Hanggang gano'n lang ang ambag ko dahil hindi ko alam kung aawat ba ako o manonood na lamang kung sino ang matitira. Hindi kasi ako makasingit dahil baka ako ang abugbog berna. Mabuti na lang at nagdatingan ang iba naming kakalaseng lalaki at sinabihan ko sila na awatin ang dalawang nagsasabong na manok na pula. Naghiwalay lang si Harris at Tristan nang hawakan at pigilan na sila ng mga kaklase namin. Ngunit nagpumiglas si Tristan sa pagkakahawak sa kaniya at dinampot ang bag ni Sandrynne at ang bag niya. "Sa'n ka pupunta?" Ni hindi man lang ako nito nilingon at

