TRISTAN'S POV FLASHBACK Nang kumuha si Sandrynne ng pera sa wallet niya para bayaran ang pagkain na in-order ko ay agad kong napansin ang picture ng isang pamilyar na bata na nakalagay roon. Nagtaka ako dahil alam kong si Mia ang nasa litrato at hindi ako p'wedeng magkamali. Ngunit kahit gustuhin kong kumibo para tanungin siya ay hindi ko nagawa dahil noong mga oras na iyon ay sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Tinabig ko siya nang iaabot na niya ang pera sa cashier. “Ako dapat ang magbabayad. Bakit ikaw 'yung…” Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin at naglakad na ako papunta sa bakanteng mesa, sa table #27. PRESENT Simula noon ay nagkaroon na ako ng pagdududa sa pagkatao ni Sandrynne. Kaya nga noong sinabi ni Honey sa akin na nakita na nila si Mia at ito ay Jenica—hindi agad ak

