HARRIS’ POV Kinuha ko ang paper bag na mayroong tatak na FSDA at saka ako umatras pabalik sa couch. May kaunting excitement akong naramdaman kahit hindi ko pa man ‘yon binubuksan. But damn why? Halos araw-araw rin naman akong nakakatanggap ng regalo pero bakit hindi ko naramdaman ang ganito? I shouldn’t be like this! Inis kong inihagis ang paper bag sa couch at mabilis na tumayo para pumunta sa kusina. Kumuha ako ng bottled water sa fridge. Ngunit habang iniinom ko ‘yon, hindi ko namalayan na kusang humakbang ang mga paa ko pabalik at muli kong pinagmasdan ang paper bag. Buksan ko na nga. Binitawan ko ang hawak kong bote nang mapangalahati ko ‘yon at muli akong naupo para tuluyan nang buklatin. Isang itim na leather jacket at dalawang cotton long sleeves na katulad sa mga kinahihili

