HONEY’S POV Nang magising si Tristan ay agad ko siyang kinusap. "Buti gising ka na? Kumusta pakiramdam mo?" Nilingon niya ako pero hindi siya kumibo. Inabot niya ang balikat niya at napangiwi siya, halatang masakit ang parteng ‘yon. "Ano ba’ng nangyari sa balikat mo? Sabi raw ng doctor hindi ‘yan dahil sa pagkakabagsak mo kanina,” litanya ko. Ngunit hindi niya ako sinagot. Imbes, ako pa ang tinanong niya. "Kamusta si Sandrynne?" "Okay lang s’ya. Lumabas lang saglit.” Ibinaba na niya ang kaniyang kamay at muling pumikit. "Hoy, Tristan. Sagutin mo muna ’ko. Ano’ng nangyari d’yan sa balikat mo? Bakit hindi mo pa pinagamot noon?" pangungulit ko sa kaniya. He sighed before answering, with his eyes still close. "Nalaglag ako sa hagdan sa school, four years ago. Sa hagdan pababa sa rooftop,”

