HONEY'S POV “Ngayong nandito na ulit si Mia, hindi pa rin ba kayo magbabati ni Harris? Habang-buhay na ba 'yung hindi n'yo pagpansin sa isa't-isa?” tanong ko kay Tristan. Magkasama kami ngayon sa isang café. Pauwi na dapat ako kanina after ng date namin ni Bry pero naisip kong mag-stay at papuntahin siya rito para siya naman ang makausap ko, tutal ay wala namang pasok dahil sabado na ngayon. “Ewan ko. Siguro," plain na sagot nito sa akin sabay higop sa kaniyang iced coffee. "Hindi naman n'ya 'ko pinapansin, so hindi ko rin s'ya papansin para it's a tie." “Ano kayo, bata? Tch." Isinandal ko ang aking likod sa upuan at saka ko pinagkrus ang aking kamay sa harap habang nakatitig sa kaniya. Hindi ko kasi alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakaayos ni Harris samantalang

