SANDRYNNE’S POV Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at ang una kong nabungaran ay si mommy, nakaupo sa gilid ng aking kama, sa tabi ko. Hindi ko alam kung nagising ako sa sakit ng ulo o sa paghaplos niya sa aking buhok. "M-mommy..." Inalalayan niya ako para makaupo. “Kumusta ang pakiramdam mo?” Hindi ako kumibo sa tanong niya dahil biglang rumehistro sa isip ko si Ate Erika. Nakalublob siya sa bathtub at may dugo ang kaniyang kamay, sa bandang pulso. "S-Si ate...si Ate Erika..." Ramdam ko ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata dahil sa takot. "Nasa’n po si Ate Erika? Si Jenica?" Sasagot na sana siya nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Bumukas ‘yon kaya pareho kaming napalingon doon. "Honey?" Bahagya siyang nakangiti habang palapit sa amin. "Hi, Sandrynne. Uhm. P

