SANDRYNNE’S POV “Sandrynne…” mahinang sambit ni Honey sa pangalan ko nang makalapit na kami sa kanila. Four by four. Kaharap namin si Honey at Jenica, nasa gawing likuran naman nila si Harris at Pitchie. Kami naman ni Tristan ang magkapantay habang nasa gawing likuran namin si Jolo at Jazzmine. “S-si Tristan kasi...” I stuttered, thinking about what to say. Ayoko nang magkamali ng salitang bibitawan dahil ayokong mag-away ulit si Harris at Tristan. Dahil gaya nga ng sabi ko, wala na sa akin kung hindi nila ako paniwalaan. Mas mahalaga na sa akin ngayon ang kapayapaan. Binaling ko ang tingin ko kay Tristan na hanggang ngayon ay mahigpit pa ring nakahawak sa mga kamay ko. Nakatitig siya kay Harris at gano’n din si Harris sa kaniya. I can already feel the tension between them even though T

