KABANATA 29

1357 Words

JULIUS POINT OF VIEW Ang araw ay tila mas mabigat kaysa dati habang naglalakad ako papunta sa flower shop ni Camila. Hindi ko alam kung bakit ko pa ginagawa ito. Alam ko naman ang sagot niya, pero may bahagi sa akin na ayaw pang sumuko. Pero ngayon, hindi na para makipaglaban. Ito na ang huling beses. Pagpasok ko sa shop, nakita ko siyang nakaupo sa counter, abala sa pag-aayos ng isang bouquet. Sa kabila ng lahat, magaan pa rin ang aura niya—parang hindi naapektuhan ng kaguluhang dulot ko. Nag-angat siya ng tingin at nagtagpo ang mga mata namin. Ilang segundo lang, pero para akong pinanghihinaan ng loob. “Julius,” bati niya, pero may bahid ng kaba sa boses niya. “Anong ginagawa mo rito?” Hinawakan ko ang gilid ng counter, sinusubukang mag-ipon ng lakas ng loob. "Camila, gusto ko lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD