Abot Langit Mabilis na kumalat ang apoy na gawa ng kanyang mga salita at tinupok na ang aking mukha. Nasusunog na iyon at kahit buhusan ko ata ng maraming tubig ay hindi ko na masasalba ang aking sarili. Di ko alam kung anong sasabihin sa kanya. Natutop na ang aking bibig at iniinda ang pang-iinit ng aking buong mukha. Ilang sigundo akong natahimik at pinaglalaruan parin ang aking mga daliri. Luminga linga pa ako at bigo ulit siyang makita. Natutukso akong tingnan ang misteryoso at madilim na mga matang iyon. Natutukso akong titigan siya kahit alam ko namang hindi ko matatagalan ang mga matang iyon. Inangat ko muli ang aking mga kamay para kunin iyon paalis sa aking mga mata. "I said do—" Hindi ako nagpapigil at kinuha talaga iyon. Kinusot ko pa ang aking mga mata at ilang beses kumu

