Valentines Day Kahit noong makapunta na ako sa bayan para tumulong kay Mama ay laman iyon ng aking utak. Di iyon maalis sa aking isipan at parang isang bubble gum na dikit na dikit at ayaw matanggal. Nasa kanya naman iyon eh... Kung may babae siyang isasideline habang hinihintay ako ay nasa kanya iyon. Di rin naman ako nag-eexpect na seryoso iyon. Alam kong may reserba parin siya. Baka nga nagbago na ang utak noon at nawala na sa kanyang isip ang pinag-usapan namin. "Oh? Ba't nakabusangot ka ata?" Sinilip pa ni Mama ang aking ekspresyon. "A-Ah... Wala po." Iniwas ko iyon at pasimple nalang na inayos ang dalawang natitirang bouquet na bulaklak. Anong sinisimasimangot mo Trace? H'wag ka nga kasing umasa sa lalakeng iyon. Purket niyakap ka lang sa madilim... Sa likod ng bahay niyo... Ma

