Magbabasaan Paggising ko, ang masiglang si Kuya Bram agad ang bumungad sa akin. Naghahanda pa ito ng agahan sa lamesa at tapos ng maligo. Sumisipol sipol pa habang kinukusot ang kanyang basang buhok. Napansin niya ako kaya lumingon agad siya at matamis na ang ngiti. "Morning!" bati niya sa masiglang boses. Ngumuso ako. Okay? Ang saya saya niya... Dahil ba ito sa pasulat ni Ate Rici sa kanya? "Maligo kana at kumain pagkatapos. Ihahatid kita sa eskwelahan," sabi niya habang naglalagay ng plato roon. Bumalik ako sa loob ng kwarto at kinuha ang aking tuwalya. Si Kuya naman ay nagpatuloy sa pagsisipol. Mukhang maaga naring umalis si Mama dahil hindi ko na ito napansin sa bahay. Kahit noong hinatid niya na ako sa eskwelahan ay hindi sumisipol parin si Kuya. Nakapamulsa ito at nasa harap

