Shade Of Black Hindi ko alam kung anong isasagot sa pinagsasabi sa akin ni Israel. Totoo ba iyon o peke? Parte parin ba iyon ng plano niya o iba na? Konting konti nalang at bibigay na talaga ako sa kadilimang sinisilong niya sa akin. Malapit ng maubos ang liwanag na pilit niyang tinatakpan ng itim. Malapit na akong lamunin at kainin noon ng buo. If he keeps on shading me with something foreign to me... I'll die on believing that those were genuine even if I know it's not. Baka nakakalimutan mo Trace... Lahat ng natatakpan ng itim ay takot at pait ang dala nito sa buhay ng isang tao. Kinagabihan, nagising ako bigla sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa boses ni Mama na mukhang pinapagalitan na naman ang kakarating lamang na si Kuya. Siguro umabot na naman sa kanya ang balitang pumupunta

