More Than Anything Maingay na naman silang tatlo habang naglalakad kaming anim papunta sa lupain nila Israel. Nagrereklamo pa si Freddie na natatakot daw siya kay Israel at baka bigla siyang masuntok pero hindi niya rin mahindian ang meryenda. "Ano ba talaga kayo Trace?" tanong ni Roel sa akin nang magbalik ulit kahapon ang eksena sa aming isipan. "Kaibigan?" Hindi ko siguradong sagot dahil maski ako ay napagtanto ang bagay na iyon. Ano ba kami? Kaibigan? Pero hindi naman iyon friendly sa mga babae at alam ko namang napipilitan lamang siyang lumapit-lapit saakin. Edi anong ipapangalan ko sa aming dalawa? Kaibigan kunwari? "MU sila ni Trace... Gusto siya ni Israel Roel," si Rinka na ang sumagot na akala mo ay totoo iyan. "Hindi!" sagot ko agad at umiling iling pero ang mukha ng mga

