Nabighani Pang-ilang buntong hininga na ako habang nakahiga sa aking higaan. Hindi pa ako dinadalaw ng antok. Hindi matanggal sa isipan ko iyong nangyari. Mababaw palang ang galit na iyon pero natatakot na ako. Paano kung nalaman niyang nagkikita si Kuya at si Ate Rici? Sasabog ba siya sa galit? Sasaktan niya ba ang aking kapatid? Iyon ang bumabagabag sa akin. Masasali ba ako sa kanyang galit lalo na kung nalaman niyang alam ko pala iyon pero hindi ko man lang nababanggit sa kanya? Magagalit rin ba siya sa akin ng ganoon katindi katulad ng ginawa niya kay Feli? He's raging anger is just too much. Baka humagulhol rin ako sa takot. Lumabas ako ng kwarto at kumuha ng maiinom. Sakto namang may bumukas ng pintuan at nagkasalubong ang tingin namin ni Kuya. Napakurap ito. "Di ka pa natutulog

