Marahas Nanatili siya roon habang nagpapractice na kami noong magiging dula namin. Nakaupo lamang siya at nakapiko ang mga paa, nakalagay ang mga braso sa siko habang hawak na naman ang kanyang isang pulo, tila may ikinukulong roon sa loob. Ganyan ang nakasanayan niyang posisyon. Malalim ang kanyang tingin sa amin. Ni hindi ko magawang gumalaw ng maayos dahil napapaso na ako sa kanyang titig. Parang gwardyado niya ang bawat galaw ko. "Heto ang script mo Trace... Ikaw iyong gaganap na Maria, ha... total akma sa'yo ang description noong babae. Mahinhin,.maganda tapos may maamong mukha." Ibinigay sa akin ni Rinka ang isa sa mga kapirasong papel doon sa hawak niyang folder. Si Rinka kasi ang nagpresentang gumawa sa plot ng dula namin habang si Rose naman ang sa mga props. Ako naman ang ma

