Kumagat ka nalang, Trace... Maaga rin naman akong gumising kinabukasan. Alam kong pupunta iyong tatlo rito eh. Iyong dalawa namang lalake na kasali sa grupo namin ay kikitain na namin roon sa lupain nila Rudy. Maaga akong nagluto katulad ng aking nakasanayan para makakain agad si Kuya pag nagising na ito. Magpapaalam narin ako sa kanya total naman pinayagan rin ako ni Mama. At sa pagkakataong ito ay may totoo naman akong rason. Magpapractice talaga kami sa aming dula. Naghuhugas palang ako ng plato nang may kumatok sa aming pintuan. Iyong tatlo ba iyon? Pero maingay sila pag pumupunta sila rito. At ang sabi ko mamaya nalang alas dose eh alas dyes palang ng umaga. Kumatok ulit iyon kaya bumaba ako sa maliit na upuang pinatungan ko para makalebel iyong lababo saka ko pinahid ang basa kon

