Berde Ilang sandali ko siyang pinakiramdaman sa aking harapan. Sa tingin niya, para akong may kasalanan at kaya siya nandito para singilin ako. Ngumuso ako at inilagay ang aking mga kamay sa aking likod at doon iyon pinagpipisil. Yumuko ako. Ang iilang hibla ay nalaglag na sa akin. "You're not suppose to entertain boys..." he drawled like he really meant not just one. Marami. Sobrang haba noong pagkakabigkas niya ng s sa dulo eh. Umangat ang tingin ko sa kanya. Ang mga mata ay may kakaiba ng pinaparating at pinaparatang sa akin. "Wala naman akong maling nakikita roon at alam ko naman ang limitasyon ko," sagot ko pa. "'Di ba iyon ang sabi ng Kuya mo sa'yo? And I thought you're busy with your examination?" Umangat ang kanyang kilay at mas naging malalim ang paninitig niya sa akin at n

