bc

✔The Secret Agent !SPG !

book_age18+
12.0K
FOLLOW
59.8K
READ
billionaire
spy/agent
tragedy
serious
first love
bodyguard
like
intro-logo
Blurb

Captain Andrew Falcon does not believe in the word of love. Until one morning as he was riding his motorbike. He saw a beautiful young woman, she was smiling as she closed her eyes and pulled her face out of the car window.

He could not understand himself, because he admitted it had only happened to him once. He didn’t realize that he was already smiling as he looked at the girl. Until it just disappeared from his sight.

Their Chief officer gave him a new mission. The capable mission must catch the mastermind of the syndicate within the company of Bernardo’s Incorporation.

He made a way to get inside. He applied as the bodyguard of the rich daughter of his mission and coincidentally it was the President of the said company.

But there is a problem! Because the girl he was going to watch over was so naughty! It always insults him.

Where will he succeed?

On a mission to catch the mastermind of the syndicate?

Or in the heart of the woman he first saw, will he feel strange?

Captain Andrew Falcon & Margareth Bernardo’s story.

chap-preview
Free preview
Simula
Dear Reader's, This is story is under edeting and will further enhance. The flow of the story. And will be publish again. Marami po kasi typos error. At luck of details. Para mas feel na feel ang story. Naisip kong dagdagan ng twist. Marami pong salamat sa pagbabasa. Keep safe everyone. Pinasok ng mga FBI ang isang hide-out na pinaghihinalaang transaction ng mga drugs at baril ng mga sindikato sa isang liblib na lugar ng Baguio City. Walang ingay ang bawat galaw nila sabay senyas n’ya sa mga kasama na maghiwa-hiwalay sila dahil mukhang marami ang mga kalaban. Mabilis ang kilos ng bawat isa at agad silang nakapasok sa loob. Ngunit isa sa mga tauhan ng mga sindikato ang nakakita sa kanya, at iyon na ang simula ng sunod-sunod na putok ng baril sa kanyang likuran. Nabubutas ang mga dingding sa tuwing natatamaan ng baril, ang bawat putok ay nagsasanhi rin ng alikabok na siyang bumabalot sa kapaligiran. Ang mga bala ay tumatama sa mga pader na naging dahilan ng pagbutas nito at pag-produce ng alikabok. Nakikipaglitan din siya ng putok ng baril at bawat kalabit niya sa kanyang kalibre45 ay sapul sa noo ng kanyang mga kalaban. “Captain! Naubusan na ako ng bala!” sigaw ng isa sa kasamahan niya na nahihirapan na din tumayo dahil sa tama ng baril sa kanyang tuhod, “Damm’it “ mura ng lider sa grupo, dahil sa subrang inis niya ay sa kalaban na lang niya dinaan ang sama ng loob, dahil kanina pa siya tumawag ng back up na malapit sa headquarter na pinangyarihan ng transaction ng mga sindikato ngunit masyadong mabagal ang pagresponde nila, dahil sa dami ng mga kalaban nila ay unti-unti na rin sila na-uubusan ng bala. Hindi na rin siya magtaka pa kung bakit matapang din ang mga sindikato, dahil malapit lang sa headquarter ang nangyari ngunit hindi pa natunugan ng mga kapulisan. “Pitter! Saluhin mo! “ sagot n’ya sa isa niyang kasama na naubusan ng bala at binigyan n’ya ito, kahit pa paubos na rin ang dala niya, ang importante sa kanya ay makaligtas sila sa gabing yun, at mahuli nila ang mga sindikato. Nang nakita niyang gustong tumakas ang isa sa mga nakipag transaction ng drugs at baril ay agad na hinabol niya ang mga ito, at wala siyang sinayang na oras o minuto. Iniwan niya ang mga kasama n’ya sa loob at hinabol ang mga sindikato na balak pa nilang tumakas, dahil alam naman niya na kaya na nila ang mga kalaban sa loob dahil unti-unti ng humihina ang putok ng baril. Sinalubong niya ang mga sindikato kung saan sakay-sakay sila ng isang kotse at balak pang tumakas, at wala na siyang sinayang pa na oras at agad na itong pinaputukan gamit ang kanyang paboritong baril na kalibre 45. “Isa,dalawa, tatlo, “ nagbilang pa siya bago niya kinalabit ang baril at pinatamaan niya ang gulong ng sasakyan ng palapit na ito sa kanyang kinatatayu ’an napangisi pa siya dahil sapul agad ang gulong nito. Isang putok lang ang ginawa niya at na flat agad ang gulong sanhi ng pag ikot-ikot nito sa daan kung saan malapit na sana siyang bangga’in. Hindi naman siya natakot dahil isa sa kanyang talento ang humawak ng baril. Kaya minsan hindi niya masisi ang kanyang mga kasamahan kung bakit bilib sila dito, kahit pa kasi malayo ang kalaban niya ay tinatamaan niya ito sa maseselang bahagi ng katawan depende lang sa sitwasyon. Dahil sa kanilang tapang at galing ay nahuli nila ang mga sindikato, ngunit ang ilan sa mga kasamahan niya ay may tama ng baril, kaya hindi niya maiwasan ang mag ngit-ngit sa galit dahil sa mabagal na pagresponde ng tinawagan niyang headquarter. Pito kasi silang magkakasama dahil naisipan nilang magbakasyon na magkakaibigan. Ngunit iba naman ang unang bumungad sa kanila, imbis na mag happy-happy na sila ay isang barilan pa ang naganap. Mabuti na lang din at sila ang nakahuli sa mga sindikato, dahil kung nagkataon baka iba na naman ang mangyari, marami kasi sa mga alagad ng batas na hindi kontento sa kanilang sahud. Katulad nalang ngayon, kung kailan tapos na ang pakikipaglaban ay saka lang dumating ang sunod-sunod na mobile Police car, napa-iling nalang siya sa nangyari, mabuti nalang at walang namatay sa kanyang mga kasama. Nakita pa niyang palapit na sa kanya ang isang Major kung hindi siya nagkakamali, dahil na rin sa chapa sa tapat ng kanyang dibdib nito. At mukhang galit pa ang lalaki medyo magkasing-edad lang sila siguro ang Major na palapit na sa kanya, medyo may pagkaangas din ang nasabing Major, samantalang s’ya ay nag ngingit-ngit na sa galit ngunit hindi siya nagpahalata, wag lang magkakamali ang Major dahil may kalalagyan s’ya! “Sir! “ saludo niya sa Major ng palapit na sa kanya, dahil ayaw niya na siya ang unang lumapit dito, dahil sa asar niya dito isa pa, wala siyang balak na makipag plastikan kay Major. “Sino kayo,? “ tanong agad ng Major sa kanila, kung sabagay nga naman ay magtataka talaga ang Major, dahil nakadamit lang sila ng pang sibilyan. “Sir! “ Saludo n’ya at pinakita n’ya ang kanyang ID sa kaharap niyang Major, hindi rin nakaligtas sa kanya ang sunod-sunod na paglunok ng kaharap niya at biglang pinagpawisan pa sa nakita na nito ang totoo n’yang pagkatao, ngunit panandalian lang iyon dahil maangas parin siyang nagtanong, “Mga FBI pala kayo mga Sir,? O baka naman peke lang ito, isa pa mga bago ang mga mukha niyo dito ah! “ nakaka-insultong tanong ng Major sa kanila, partikular kay Captain dahil sa kanya ito naka harap sabay taas pa ang ID na binigay sa kanya ni Captain. Kaya hindi na siya nakapagtimpi pa at kinolyuhan niya ang Major na nagmamagaling. “What do you mean by that!? Sinasabi mo ba na peke ang ID ko? Pulis kaba talaga!? “ ng ngingit-ngit sa galit ang Captain sa subrang asar niya kay Major. Napaubo pa ang Major dahil sa medyo mahigpit ang pagkakasakal nito dahil sa matinding galit na naramdaman niya dito. “S, sorry Sir, “ nauutal na sagot ni Major ng binitawan na siya ni Captain, pero sa loob-loob ng Major ay nag ngingit-ngit din siya sa galit. Tahimik din ang kanilang kasamahan, wala din gustong umawat sa kanila lalo na ang mga kasama ni Captain, dahil bawat isa sa kanila ay kilala nila ang kanilang pinuno. Walang sinuman ang makakapigil sa kanya lalo na kapag siya ang tama. “kayo na ang bahala sa mga nahuli namin, at siguraduhin niyo na walang makakatakas sa kanila! “ command niya dito kay Major, nakita din niya ang mga nahuli na isa-isa na silang naka posas at sinasakay na sa mobile car. Bit-bit na rin mga Pulis ang brief case na naglalaman ng mga drugs at baril na kanilang nahuli. Kahit pa dismayado s’ya sa taong kaharap n’ya ay kailangan niyang ibigay ang kanilang nahuli dito. “Yes sir!” sagot naman ng Major sa kanya, at agad ng tinawag Major ang kanyang mga kasama at kinuha na ang mga ebedensya na nahuli nila kasama ng mga sindikato. “Mga walang hiya kayo! Dito pa talaga kayo nagkalat! “ rinig niyang sigaw ng Major sa mga nahuli nilang sindikato, kaya naisipan na niyang magpaalam na sa kanila. “Permission to leave sir! “ paalam na rin nila kay Major, at nagsaluduhan pa silang pito sa harap ni Major at umalis na nga sila sa lugar na yun. Kahit pa ang iba ay pa ika-ika na kung maglakad dahil sa tama ng baril sa kanilang mga paa, at balikat. Buti nalang at daplis lang ang kanilang tama, dahil kung nagkataon pagbabayarin niya lahat ang may kagagawan, ang ayaw n’ya ay may mapahamak sa kanyang mga kasama. Napadaan lang sila sa Bagiuo dahil meron silang ibang gagawin, nagkataon naman na may kahina-hinalang sasakyan na kasunod nila kaya sinundan nila ito. “Men’s lets go! “ tawag niya sa kasamahan niya at agad ng nilisan ang lugar, dahil gagamutin pa nila ang kanilang mga sugat dulot ng tama nang baril. “Sir, sigurado kaba na mapagkakatiwalaan ang Major na yun” tanong ni Pitter sa kanya, naiintindihan n’ya ang mga kasamahan n’ya dahil s’ya rin naman ay hindi kombinsido sa nangyari. “No, I mean wala tayong magagawa hindi kasama sa mission natin yan, isa pa wag siyang magkakamali na pakawalan ang mga taong yun dahil mag kalalagyan siya, “ tapat niyang sagot sa kasamahan niya, dahil totoo naman naging tapat lang siya sa pag sagot ng tanong sa kanya, ngunit alam n’ya sa sarili n’ya na dapat binigay nalang sa Chief nila ang mga nahuli. Yung naman talaga ang balak niya kanina, kaya lang dumating na ang mga pulis. Wala naman ng sumagot sa kanya, kaya nagpaalam na rin siya sa mga ito, hindi kasi siya naki grupo sa isang sasakyan. Mas gusto niya kasi sakyan ang paborito n’yang ka buddy na Ducati V4 ang astig niyang motorbike na kulay itim. Buddy kasi ang tawag n’ya sa kanyang motorbike. “Sige na mauna na kayo, susunod ako sa inyo, “ utos niya sa mga kasama n’ya lalo pa at may mga tama ng bala ang iba, “Kaya n’yo pa ang mga sugat n’yo? “ tanong niya sa mga ito, at isa-isa naman nagsitangu’an ang may mga tama ng baril, “ Daplis lang ito sir, wag n’yo kaming intindihin, “ sagot naman ng isa niyang kasama napatango nalang s’ya, Kung sabagay nga naman, sanay na sila dahil sa training pa lang noon ay marami na silang dinaranas na hirap at sakripisyo. “Ok Men’s see you at the place, “ paalam niya dito, alam na kasi nila ang ibig sabihin sa sinabi n’yang PLACE at isa-isa na silang nagsaluduhan at kinuha na n’ya ang kanyang paboritong Ducati V4. Ang place na sinabi n’ya ay ang inupahan nilang suite na tutuluyan nila dahil maliban sa mag happy-happy sila, ay may mission pa silang kailangan gawin. Araw ng Sabado habang nasa byahe siya ay may nakasabay siyang dalawang kotse. Kaya mas binilisan pa niya ang pagmamaneho at pina overtake pa niya eto. At nalampasan nga niya ang dalawang kotse. Napasulyap pa siya sa kanyang side mirror dahil isang babae ang nakalabas ang mukha mula sa bintana ng kanyang kotse. Kaya binagalan niya ang pagmamaneho niya, dahil gusto niyang makita ang mukha ng babae. “Beautiful, “ bulong niya sa kanyang sarili habang nakangiti. Aminin niya man o hindi ngayon lang siya may ibang naramdaman para sa babae. Alam naman niya sa kanyang sarili na halos ang babae na ang man ligaw sa kanya ngunit hindi niya pinapansin. Trabaho lang kasi ang lagi niyang inuuna, isa pa malaki ang bayad nila bilang Undercover Investigation. Sa totoo lang, kung pera naman ang pinag-uusapan ay marami na siyang pera, pero hindi niya din maintidihan ang sarili niya kung bakit minsan parang may hinahanap siya. Para bang may kulang sa kanyang pagkatao na hindi niya maintindihan. Minsan nga niloloko na rin siya ng kanyang mga kasama na kulang lang daw siya sa love life. Ano naman ngayon kung wala siyang lovelife, hindi naman kasalanan ang pagiging single, isa pa naka fucos siya sa kanyang trabaho. Hindi katulad ng iba niyang mga kasama na kahit na may sariling pamilya ay nagagawa pang mambabae, hindi naman sa sinisiraan niya ang mga kasama niya, pero mostly talaga ganun sila. Napa-iling nalang siya sa naisip niya, ayan tuloy hindi na niya namalayan na wala na pala ang kotse na sinasabayan niya kanina.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K
bc

Agent Series 18: Black Lipstick ( R-18 SPG)

read
97.7K
bc

Dangerous Spy

read
322.5K
bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
104.9K
bc

Hiding The Mafia Boss Daughter [TAGLISH]

read
145.9K
bc

MY MASTER: MAFIA LORD SERIES 11

read
57.9K
bc

Denver Mondragon

read
72.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook