Chapter 25

2379 Words
MARGARETH POV Matapos ang gabing ‘yon. Binigyan ako ng konting parusa si Pangit. Well, hindi naman masyadong wild. Just a bit! Dahil nang bigla siyang nag preno akala ko meron siyang nabangga! Yun pala ay walang pagundangan niya akong kinabig at hinalikan. Matagal-tagal din naman. Ang sabi pa nga eh! Kapag daw ako sumayaw ulit ng ganun hindi lang daw halik ang aking parusa. Medyo nag-init pa aking mukha pagka-alala ko sa sinabi niya. “Baby, hindi lang halik ang parusa mo sa akin kapag ginawa mo pa ‘yon. Dahil siguraduhin ko sayo. Hindi ka makakabangon. “ Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin sa bagay na 'yon. Pero biglang nag-init ang buo kong katawan sa katagang sinabi niya. ARAW ng lunes ngayon. And as usual nakaupo ako ngayon sa swivel chair dito sa aking office. Ito ang araw na pinangako ni Brandon na tapusin niya ang problema, na siya ang may gawa. Kaya naman hinihintay ko siya ngayon. “Tok-tok! “ Rinig kong may kumatok sa pintuan ng aking office kaya naman sinabi ko na ng pumasok. “Come in! “ sagot ko. Dahil alam ko naman na si Brandon ang aking bisita. “Good morning gorgeous! “ nakangiti niyang bati saakin. “Good morning! Kumusta ang mga delivery? “ agad kong tanong sa kanya. “well done! I told you there some matters, kaya natagalan ang delivery. “ Nakangiti na niyang sagot sa akin. Sabay abot ang folder niyang hawak. “Mabuti naman kung ganun Brandon. How about sa Hong Kong and Taiwan? “ Tanong ko pa ulit sa kanya. “Walang problema sa ibang bansa, dito lang naman sa Davao at Cebu ang medyo na delay, but don’t worry inayos ko na. And Marga, ahm—” Tugon niya saakin. At meron pa siyang pabitin na hindi masabi-sabi kaya napa-angat pa ang aking tingin sa kanya, nakatingin kasi ako sa mga papeles na kanyang dala. “Go on Brandon, what it is? “ tanong ko sa kanya, at seryoso ang mukha niya. “Ehem! It is ok for you to have lunch together? “ tanong niya sa akin na pa kamot-kamot pa ng ulo. Kaya naman tinignan ko muna siya ng masinsinan. Pagbibigyan ko nalang siya total matagal-tagal naman na nagyaya siguro hindi masama na pagbigyan ko kahit ngayon lang. “May gusto kabang sabihin sa akin Brandon? “ Instead na tanong ko sa kanya. Dahil maliban sa lunch, may gusto pa yatang gustong sabihin. Hindi naman sa assuming ako, minsan kasi nagpapalipad hangin din ito eh. Pero sorry na lang siya. May pangit na akong boyfriend. “Yeah! If you don’t mind, join me Marga please. “ Nangungusap ang kanyang mga titig. Mukhang kakaibang Brandon ang kaharap ko ngayon. Hindi yung mainit lagi ang ulo. “Ok, I’ll see you for lunch. “ Sabi ko sa kanya. At mukhang natuwa pa. “Thank you so much Marga! Atlas pumayag kana din. “ natatawa niyang bulalas. Ngumiti naman ako sa kanya dahil walang lumabas sa bibig ko. “See you later, I’ll pick you up later! “ Masaya pa n’yang tugon at mabilis na siyang lumabas sa aking office, halata sa kanya ang galak! Gusto ko man bawiin na kahit wag na dahil meron naman si Andrew na mag drive saakin. Isa pa marami naman kainan diyan sa malapit. Bakit kailangan pang malayo? Hindi ko na rin nasabi ang gusto ko dahil mabilis na siyang umalis. Tawagan ko nalang si Joy at baka magpa bili na naman si Pangit ng lunch ko. Isang ring lang naman sa labas at sinagot agad ni Joy. “Yes Miss B? “ sagot ni Joy agad saakin. Actually Christine Karen Joy talaga ang real name niya pero mas gusto niya ang Joy dahil masyado daw pormal ang buo, “Joy, sabihin mo kay pangit, I mean kay Andrew na wag nang bibili ng lunch. I have lunch with Brandon. “ Diretso ko tugon kay Joy. At biglang na-tahimik naman sa kabilang linya, “Joy are you there? “ tanong ko pa pero walang sumagot. At bigla-bigla nalang bumukas ang door sa office ko. Na akala mo nagmamadaling pumasok. Napa nganga pa ako dahil isang asul na pares ng mga mata ang seryosong nakatitig saakin. Na para bang meron akong nagawang kasalanan dahil iba ang tingin niya saakin. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin na para bang isang slow-motion. Napapa-lunok pa ako sa bawat hakbang niya papunta sa akin. I mean sakina-uupuan ko. Hanggang sa nasa harapan ko na siya. At siya na rin ang bumaba sa landline na ginamit ko upang tawagin si Joy. “W-What are you doing here? “ Medyo nanginig pa ang boses kong tanong sa kanya. Pero gumalaw ang panga niya na para bang galit? “Ano problema niya? “ kausap ko sa sarili ko dahil hindi naman siya nagsasalita. Basta nakatitig lang at gumagalaw ang panga! “What did you say? You have a lunch with that bastard? “ Medyo na bingi ako sa sinabi niya! Ano daw? Bastard? At bakit siya sumigaw! Napa hinga pa ako ng malalim bago ko siya tiningala dahil nga mas matangkad siya saakin. “Sandali nga! Nagagalit kaba? “ suplada kong tanong sa kanya dahil nakataas pa ang aking kilay. Akala niya magpapatalo ako sa kanya, no way! Eto ang ayaw ko sa kanya! Masyado siyang mainitin ang ulo! Omg! “Relax, Marga! Matanda na kasi ang kaharap mo! “ bulong ko pa sa sarili ko. Sana lang hindi niya narinig. “Yes! Ayaw kong makipag date ka sa unggoy na yon! “ Sagot sa akin. Ano daw unggoy? Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa taong kaharap ko ngayon. “Excuse me! Sinong may sabi sayo na makipag date ako? Wait nga! Si Brandon ang kasama ko sa lunch! Meron lang siya I discuss about company! “ Medyo pagalit kong sagot sa kanya. “Kailangan sa labas? Bakit hindi dito? “ sagot pa niya sabay turo sa office ko. Na para bang big deal sa kanya! Gosh! Napa hinga muna ako ng malalim bago ko siya sinagot. Omg! Mukhang mauuna pa yata akong tumanda kaysa sa kanya! “Kasi po! Meron kami kasama sa meeting! “ pagsisinungaling ko sa kanya. Pero alam ko naman na makikita din niya mamaya dahil duda ako na payagan akong pumunta na mag-isa. “You’re not in a good lie, Baby. “ Bulong niya saakin. Halos nakayakap na nga sa akin eh! “A-Ako? N-Nagsisinungaling o–of course not! “ medyo nauutal ko pang sagot dahil sobrang lapit na niya. Wag niyang sabihin mangha-halik na naman? Dahil nakarami na siya kagabi at kaninang umaga! Bwisit siya! Namaga na ata ang labi ko eh! Sinasabi ko na nga ba mangha-halik na naman siya, dahil alam ko na ang mga ganitong titig niya lalo na at labi ko na naman ang ponterya ng mga mata nitong asul! “S-Sandali lang nga! Hoy! “ bulyaw ko sa kanya dahil mukhang nawawala sa sarili ang kaharap ko. Sabay tulak ko sa kanya! Ngunit parang nagtulak lang ako sa isang pader dahil hindi man lang gumalaw. Ako pa yung napa atras dahil malakas ang pag tulak ko sa kanya. Dahilan upang mapa-upo na sana ako sa swivel chair ko, ngunit mabilis ang mga braso niya at napahawak agad sa baywang ko. At ito na naman ang aking pusong nag-rambulan na akala mo meron hinahabol sa sobrang bilis ng t***k at lakas pa! Nakakabingi kung maririnig mo lang. Napapikit nalang ako ng mariin dahil sa pag hawak niya sa aking baywang at pag pisil. Nararamdaman ko din ang mainit n’yang hinga. Kaya wala na akong nagawa kundi pumikit dahil ganito naman lagi parang hinahanap ko na rin ang mga halik niya. Konti na lang nararamdaman ko na paglalapat na ang aming labi. Nang biglang may tumikhim sa likud namin? Ganun na lang ang laki ng aking mga mata na si Daddy ang nasa likud ni pangit? “ What’s the meaning of this? “ Boses ni Daddy na akala mo isang hari na nakahuli ng magnanakaw! Parang gusto ko tuloy lamunin nalang ng lupa sa kinatatayuan ko. Samantalang si pangit parang wala lang sa kanya. Ni hindi man lang natakot sa presensya ng Dad ko. “Young man! “ Medyo malakas na boses ni Dad sa kaharap kong lalaki. Kinurot ko pa ang Abs niya dahil parang wala siyang narinig. Ngunit wala naman akong makurot doon dahil puro naman muscle ang nahawakan ko. Ngunit bumalik na yata sa katinuan si pangit dahil humarap na sa Ama ko. At tumayo na rin siya ng matuwid. “Good morning Sir! “ Bati niya sa Daddy ko. Na para bang walang nangyari. Pero si Dad ngisi lang ang sinukli kay pangit. Pero diba nga kanina galit si Dad ang mukha? Bakit ngayon nakangisi na? Ewan ko sa dalawang to! Parang may sariling mundo kapag sila ang magka harap! “Ahm! As I remember It’s early in the morning young man, what are you doing in my Daughter office? To kiss her? What else next? “ Medyo seryoso na bulalas ni Dad sa taong kaharap ko. Napansin ko naman na napalunok muna si pangit at nag-seryoso na ang mukha. “Like I've said before, nothing has changed Sir. “ Seryoso din na sagot ni pangit sa Ama ko. Ano ba pinag-uusapan nila. Eto na naman ang mga titig nila sa isa’t-isa. Para na naman silang tigre at lion na matatalim ang mga mata bawat isa. Ako tuloy ang kinikilabutan. “Ha-ha-ha! Iba ka talaga bata! Wala kang katakot-takot! “ Nagulat pa ako sa biglang pagtawa ni Dad ng malakas. Ano ba ang sinasabi nilang dalawa? “Katulad ng sinabi ko sayo Don Bernardo. Kahit apoy ang dadaanan ko makuha ko lang ang akin. “ Mapag angkin at may kahulugan na salitang binitawan ni pangit kay Daddy. Naguguluhan tuloy ako sa kanilang dalawa. Isang makahulugan titig lang naman ang sinukli ni Dad kay pangit. Gusto ko din sumabat ngunit parang umurong ang dila ko. Hanggang sa may katok kaming narinig mula sa labas. Kaya natigil ang mabinging katahimikan sa loob. “Tok-tok! “ katok mula sa labas. “Miss B. Andito sa labas si Sir Brandon. Papasukin ko ba? “ boses ni Joy ang nasa labas. Ganyan siya ka-professional kapag nandito si Dad. Ako din naman kasi ang may gusto na kaibigan ang turingan namin dito sa office ko. Pero sa trabaho si Joy maasahan talaga siya. “Yes please! “ sagot ko naman! Napatingin ako kay pangit at 'yon napagalaw ang panga at napa smirk pa. Samantala si Dad mukhang natuwa sa nakitang expression ni pangit. Pag pasok ni Brandon nabigla pa yata mukhang hindi niya inaasahan na andito si Dad at pangit sa loob ng office ko. Ngunit hindi nakaligtas sa akin ang bulaklak na hawak niya. “Hi Chairman, long time no see! “ bati ni Brandon sa Ama ko. “Ha-ha-ha! Nice to see you, Vp. “ ganting bati ni Dad. Mukhang masaya ngayon si Dad. Pero si pangit ayon mukhang natalo ng milliones dahil sa hindi maipaliwanag ang kanyang mukha. “Anyway Marga, flower for you. “ nakangiti pa niyang ibigay sa akin ang bulaklak. Napatikhim pa si pangit. Samantalang si Dad tuwang-tuwa! “I heard you went out with my daughter? “ tanong ni Dad kay Brandon. Sabay sulyap kay Pangit. Napa tsk lang naman si pangit dahil malapit lang naman saamin dahil magka katabi lang kaming lahat. “Yes Chairman.” Tipid naman na sagot ni Brandon. Sabay ngiti, ngunit hindi umabot sa kanyang mga mata. “If you don’t mind, may I join you? “ Seryoso na tanong ni Dad kay Brandon. Nakita ko pa na medyo nadismaya si Brandon ngunit ngumiti naman kalaunan. Samantalang si pangit napa-ngisi na. Kanina lang akala mo natalo ng million ang itsura ng kanyang mukha. “Yeah, of course Chairman. It’s my pleasure to join you. “ sagot naman ni Brandon sa aking Ama. Kaya naman wala na kaming sinayang pa na oras. At nag aya na si Dad na lumabas. Wala na din nagawa pa si Brandon, hindi ako sa kotse niya sumakay dahil inaya ako ko Dad sa kanyang sasakyan. Dahil namis daw ako baka daw aalis na naman. Mabuti naman at naunawaan ni Brandon dahil alam naman niya na lagi talagang wala si Dad dito sa Pilipinas. Ngunit nagtataka ako dahil kasama si pangit kaya napatingin ako sa Ama ko. Dahil dito pa talaga sa tabi ko umupo. Hindi ba siya nahiya sa Dad ko? “Wait, bakit ka dito umupo? “ bulong ko sa kanya, pero ang hinayupak hindi man lang nagsalita. Samantalang si Dad nakapikit na baka pagud. Kaya nahihiya akong gumawa ng ingay. “Bakit hawak mo yan? May virus yan. Itapon mo na! “ embis na sagutin ako, iba ang sinabi, dahil sa bulaklak na hawak ko siya nakatingin! Ano daw? Itapon ko! Aba! Sumosobra na siya hah! “Hoy! Bakit ko ito itapon? Sayang din noh! “ suplada kong sagot sa kanya. Kung wala lang si Dad nakatikim na naman ito! “Sus ateng! Makatikim ng halik ganern? “ sigaw ng kontrabida kong utak. Kaya napapikit pa ako sa naiisip ko! Ngunit ganun nalang ang gulat ko nag bigla niyang kinuha saakin ang bulaklak at bigla na lang binigay sa harap ng driver? Omg! Hindi man lang siya nahiya. Una sa lahat kasama ang Daddy ko sa loob ng sasakyan! Buti na lang tulog ang Daddy ko. Pero duda ako sa aking ama kung tulog, baka nakapilit lang? Sinamaan ko ng tingin si pangit. Samantalang ang driver ni Dad naka ngiti na para bang tuwang-tuwa saamin ni pangit. Ang weird ng mga tao ngayon. Natahimik nalang ako dahil lagi naman siya ang masusunod! Sa wakas nakarating na kami sa restaurant na ang sabi ni Brandon ay inukupahan pa daw niya para sa akin. Napa smirk pa si pangit kanina dahil alam ko tuwang-tuwang siya dahil hindi natuloy, na kami lang dalawa ni Brandon ang lumabas. Habang ramdam ko naman na mainit ang mata ng dalawang lalaki sa tabi ko. Sino pa eh di si Pangit at Brandon! Nakaupo na kami dito sa table namin nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Na kina gulat ko pa! “Margareth? “ Sigaw niya kaya napa lingon ako pati si Dad at Andrew.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD